Chapter 24: Triggered

847 63 20
                                    

"Bakit kaya nagawa ni Ate Erich 'yon?" napatanong ako kay Ate Christy habang kapwa nakahiga na kami sa kama. "Worship leader naman siya, malalim na sa pananampalataya, and she's a teacher," dugtong ko pa.

"We can't judge her. Baka nadaya siya ng kaaway," tugon niya.

Natahimik naman ako. Tama siya. Hindi pa rin namin alam kung anong tunay na rason. Naawa nga lang ako sa sitwasyon ni Kuya Neico dahil lubhang nasaktan siya sa ginawa ni Ate Erich.

Pero...

Oo, inaamin ko na medyo natuwa ako kasi hindi sila nagkatuluyan. I may sound bad, pero 'yon talaga ang nararamdaman ko. Malamang, ganito ang mararamdam ko dahil gusto ko si Kuya Neico.

Pero...

Bagamat ganoon ang nangyari, alam ko naman na wala pa rin akong pag-asa kay Kuya Neico. Medyo nakaka-stress isipin pero ganyan talaga ang buhay. Minsan talaga may mga gusto tayong mangyari na hindi pwede.

Pero...

Paano kung posibleng magustuhan ako ni Kuya Neico? Age doesn't matter naman, 'di ba? napatanong ako sa isip ko. May mga babaeng nag-aasawa nga na kasing edad na ng tatay nila ang napangasawa nila. Pero iba ang mundo ng Kristiyanismo, bara ng utak ko. Oo nga naman, iba kapag Kristiyano ka. Maraming taga-usig sa kapaligiran. Maling kilos at desisyon mo lang, sira ka na kaagad. Kaya, naiintindihan ko rin naman kung bakit napakaingat ng mga lingkod ng Diyos sa lahat ng pagkakataon. Iniingatan nila ang kredibilidad nila sa mga tao dahil baka hindi na sila paniwalaan sa tuwing nangangaral sila.

Hayy... Tumigil ka na, Faith. Huwag ka nang umasa, sabi ko pa sa isip ko. Imposibleng magustuhan talaga ako ni Kuya Neico dahil paniguradong pastora o worship leader ang hahanapin niyang mapapangasawa, hindi ang tulad ko na patapon ang buhay.

Dahil sa mga bagay na naiisip ko, natulog ako na masama ang loob ko.

***

Dahil nabalik muli ang frienship namin ni Kylo, palagi na naman kaming magkasama sa school. Heto kami, tinutungo ang canteen para kumain.

"Anong gusto mo? Libre ko," ani Kylo sa akin nang nasa counter na kami.

Medyo nagulat naman ako. Bihira lang kasi siyang maglibre. "Kahit ano," sabi ko.

Nang makapag-order kami, umupo kami sa isang table at saka kumain.

Napansin ko na pasulyap-sulyap siya sa akin kaya bahagya akong napakunot-noo. "Bakit?" masungit na tanong ko.

"Napansin ko kasi na parang may iba sayo. Lalo na noong nag-attend ako ng Bible study ninyo."

"Ano 'yon?"

"'Yung kilos mo. Nagiging binibini ka na ata. Kapag pala nasa loob ka ng church ninyo, santa ka eh. Santa Faith," aniya nang may pang-aasar.

Napaismid lang ako. Pero, totoo ang mga sinabi niya. Nitong mga nakaraang araw talaga medyo naging binibini ako kumilos dahil naging conscious ako sa sarili ko lalo na't nagkikita kami ni Kuya Neico sa church at sa mga church activities. Bagamat hindi na ako umaasa na magugustuhan niya ako, may part pa rin sa akin na gusto kong magpa-impress sa kanya. Nakakaasar lang. Asar na asar ako sa sarili ko kung bakit ganito ako. Nakakahiya ang mga naiisip ko.

"Pero mas bagay mo ang ganoon," biglang sabi niya.

Napatitig lang ako sa kanya bago umiling-iling. Pero natutuwa akong malaman na okay naman pala ang efforts ko para kay Kuya Neico. I hope ganoon din ang tingin ni Kuya Neico sa akin.

Against Our WillWhere stories live. Discover now