Chapter 8: Conceal

992 78 6
                                    

Tanghali na nang magising ako dahil medyo napuyat ako kagabi. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang napag-usapan namin ni Kuya Neico kahapon. Hindi ko alam kung bakit parang ayaw ko nang magpakita kay Kuya Neico. Parang nahihiya na ako.

Pagkalabas ko ng kwarto, nagulat ako nang makita kong may mga tao sa sala, sina Kuya Joss, Kuya Bry, Kuya Storm, Kuya Daniel, Ate Fara at Ate Glen, maging si Ate Christy. Nakauwi na pala sila. Wala si Kuya Neico. Malamang pumasok sa trabaho. Narinig kong binati nila ako pero tinago ko ang mukha ko sa makapal at kulot na buhok ko at dirediretso sa banyo para maghilamos. Nang makapag-ayos ako, doon pa lang ako humarap sa kanila.

"Napuyat ka ata," ani Kuya Daniel sa akin.

"Lagi namang puyat 'yan," ani Ate Christy.

"Kain ka na rito, Faith," ani Kuya Joss at kinuha ang pizza na nasa lamesita para iabot sa akin.

Tumabi ako kay Ate Christy sa sofa bago ko kinuha ang pizza. "Anong meron, Kuya?" tanong ko kay Kuya Storm. Malapit kasi siya sa akin dahil nasa kabilang sofa siya na katabi ko. Katabi niya si Ate Fara.

"Fellowship lang," aniya at ngumiti sa akin.

"Wala kayong work?" tanong ko muli.

"Meron. Hindi lang ako pumasok," natatawang sabi niya.

"Apply na lang din ako sa company ninyo, Bro Storm," biro ni Ate Glen.

"Pwede naman," pagsakay ni Kuya Storm.

"Ang dapat na trabaho kay Ate Glen yung hindi nakakapagod. Baka sumumpong rayuma niyan," biro ni Kuya Daniel sa kanya. Si Ate Glen kasi ang pinakamatanda sa kanila. I think she's twenty-five.

"Don't worry, may maintenance 'yan," pagsakay ni Kuya Joss.

Nagtawanan naman sila.

"Excuse me, wala akong rayuma! Baka gusto ninyong patumbahin ko kayo isa-isa diyan?!" ani Ate Glen nang nanggigigil.

Nagsitawanan lang sila.

"Sister Glen looks young though," ani Kuya Storm. Parang nagningning naman ang mata ni Ate Glen dahil doon at kumalma siya.

"Weh?!" sabay-sabay na sabi ng iba para asarin si Ate Glen.

"Evangelist ang nagsabi! Hindi magsisinungaling 'yan," depensa ni Ate Glen.

"Kuya Storm, bawiin mo. Baka hindi 'yan makatulog mamayang gabi," pabirong sabi ni Kuya Daniel. Natawa si Kuya Storm habang si Ate Glen naman ay sumimangot. "Kapag nainlove 'yang si Ate Glen sa 'yo bahala ka. Magkakaroon ka ng sugar Mommy."

Mabilis na lumapit si Ate Glen kay Kuya Daniel para kurutin pero mabilis na tumayo si Kuya Daniel at tumakbo papuntang kusina.

Napailing lang ako sa kanila. Kahit kailan talaga ang lakas nila mag-asaran. Palagi silang ganito kapag nagkakasama-sama sila. Ang palagi nilang pinagtitripan noon ay si Ate Christy at Kuya Storm noong single pa sila parehas. Tinutukso-tukso sila. Ang akala talaga namin noon sila ang magkakatuluyan, pero iba pala ang gusto nila.

"May nililigawan ka ba ngayon, Brother Storm?" tanong ni Ate Glen kay Kuya Storm sa kalagitnaan ng pagsasalo-salo.

Umiling si Kuya Storm at bahagyang ngumiti.

"Pakilala mo sa amin, ha?"

"Lalayo pa ba si Brother Storm? Nandiyan naman si Christy." Napalingon kami sa nagsalita, at si Tito Alvin 'yon.

"Yiiieeh!" sabay-sabay na panunukso nila.

Tinutukso na naman nila si Kuya Storm kay Ate Christy. Napatigil ako sa pagnguya at nilipat kay Kuya Storm na nagpipigil lang ng tawa. Napangisi ako dahil inaamin ko na gusto ko si Kuya Storm kay Ate Christy.

Against Our WillWhere stories live. Discover now