Chapter 15: Toxic Person

1K 80 21
                                    

"Nabuhay ka," bungad ni Kylo sa akin nang makaupo ako sa tabi niya.

"Bakit? Kailan pa 'ko namatay?" sarkastikong tugon ko.

Tumawa naman siya. "Nakakamiss din 'yang pagsusungit mo, no?" aniya at saka hahawakan sana ako sa pisngi pero umiwas ako at sinamaan siya ng tingin.

"Ang mabuti pa, pahiramin mo na lang ako ng lectures mo at susulat ako," sabi ko at saka nilabas ang notebook at ballpen ko mula sa bag ko.

Wala naman siyang nagawa. Binigay niya sa akin ang lectures niya. Hangang sa dumating ang teacher namin, sige pa rin ako sa pagsulat. Mas masipag kasi akong sumulat pag nasa school ako. Mas gusto kong atupagin ang cellphone ko sa bahay kaysa ang mga lectures na 'to.

Nang mag-break time, bago pa man kami makalabas ni Kylo ng classroom, nilapitan ako ni Mildred, classmate namin.

"Uy, Faith. Nakita namin ate mo last time. Kamukha mo, ang kaso nga lang hindi kayo magkaparehas," aniya nang tila nang-aasar.

"Tapos?" walang reaksyon na sabi ko.

"Wala lang. Nakakapagtaka lang. Parang ang layo-layo mo sa kanya."

"Tapos?" muling sabi ko.

Napasimangot naman siya at saka nilayasan ako. Nagpatuloy naman kami ni Kylo sa paglabas ng classroom at saka naglakad papunta sa canteen.

"Tss! Simula nang makita nila ang ate mo, palagi ka na nilang kinukumpara sa kanya. Why don't they understand that we're all unique? We can't be like someone."

Natahimik lang ako. Wala ako sa mood para pag-usapan kung paanong naging anghel si Ate Christy samantalang mala-demonyo ako. Una sa lahat, wala silang pake roon dahil wala silang ambag sa buhay ko.

Sa pagpasok pa lang namin ng canteen, natakam na ako sa samut-saring amoy ng pagkain doon. Hindi ako masyadong nakakain ng breakfast kanina dahil nahuli ako ng gising at kailangan kong sumabay kay Kuya Neico. And speaking of Kuya Neico, nakita ko ito sa isang table, kumakain kasabay ang isang lalaking teacher na tila kaedaran lamang niya. Kahit na side-view lamang ng mukha niya ang nakikita mo, alam mong gwapo siya. Hindi na ako nagtataka kung bakit pasulyap-sulyap sa kanya ang mga estudyanteng naroon. Pumwesto kami ni Kylo sa isang table na medyo malayo sa kanila.

"Pa-order na lang ako, Kylo. Nahihilo kasi ako," sabi ko kay Kylo, kahit na ang totoo ay gusto ko lang talaga siyang utusan. Medyo uto-uto naman 'to eh.

"Anong order mo?" tanong niya.

"Spaghetti at saka sandwich, pati na rin mineral water," sabi ko sabay abot sa kanya ng isang daang piso ko.

Tumayo naman siya at dumiretso sa counter. Habang naghihintay ako pamasid-masid ako kay Kuya Neico na nakikipagkuwentuhan sa kapwa-teacher niya. Napalunok ako nang maalala ko ang nangyari noong isang gabi sa concert―'yung pag-aalala at pag-aalaga niya sa akin. Ang sarap pala sa pakiramdam ng may kuya, pero ang hindi ko maintindihan kung bakit parang lagi akong kinakabahan 'pag nakakausap ko siya.

Nailipat ko ang tingin ko sa isang babaeng teacher na dumaan kasama ang isa pang teacher. Nang matitigan ko ito, doon ko napagtanto na si Ate Erich 'yon. Bahagya akong napakunot-noo dahil nakakaramdam na naman ako ng inis. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako sa kanya. Pumuwesto sila sa isang bakanteng table. Nakita ko naman na napalingon sa kanila si Kuya Neico. Hindi nakaligtas sa akin ang bahagyang pagngiti ni Kuya Neico nang makita niya si Ate Erich.

Napaiwas lang ako ng tingin at hinugot ang cellphone ko mula sa bulsa ng uniform ko. Naisipan ko na mag-facebook na lang. Bumungad kaagad sa akin ang mga walang kakwenta-kwentang shared post ng mga kabataan sa church. Iba-iba ang mga hilig nila. Puro mga makamundo. "Parang mga hindi Kristiyano 'tong mga 'to ah," bulong ko. Banal lang talaga sila sa loob ng church. Well, gano'n naman talaga karamihan sa mga Kristiyano. Wala namang bago roon. Nakakaasar nga lang tingnan. Asar na asar ako dahil pilipilit kong humanap ng dahilan para maniwala ulit ako na may magbabago 'pag nakianib muli ako sa kanila, ngunit tila wala naman akong pinagkaiba sa kanila. Pare-parehas lang kaming may mga tinatago na kabulukan. Pero at least hindi ako tulad nila na nagbabanal-banalan, at higit sa lahat hindi ako tumatayo habang may ginagawang kalokohan sa labas ng church. Hindi ko binababoy ang ministry. Lilitaw at lilitaw pa rin talaga ang kabulukan mo kapag hindi tunay ang pagtanggap mo sa Diyos. Dahil sa sobrang asar ko, pinag-a-unfollow ko ang mga ito. Panira lang kasi sila ng newsfeed ko. Nakaramdam din kasi talaga ako ng disappointment sa tuwing nakikita ko ang post ng mga 'to.

Against Our WillWhere stories live. Discover now