Chapter 26: Pray for Me

843 75 58
                                    

Ilang araw na palagi kaming magkasama ni Kuya Neico, lalo na kapag uwian na pagkatapos ng klase. Ang dami kong tanong sa kanya at lahat iyon sinasagot niya. Sinusunod ko rin siya palagi, tulad ng pangako ko sa kanya. Natutuwa ako kasi nagiging close na kami. May times din na nililibre niya ako ng pagkain bago kami umuwi. Hindi kami nai-issue sa school dahil alam nila na magkasama kami sa bahay at parang magkapatid lang kami.

Nakaupo lang ako sa gilid habang hinihintay si Kuya Neico na matapos na i-check ang quiz ng isang estudyante niya sa teacher's table. Hinihintay naman siya ng estudyante na 'yon sapagkat ito ang aatasan niya na magcheck ng quizes ng mga kaklase niya.

Narito pa kami sa school at kakatapos lang ng klase. Dumiretso ako rito sa pinakahuling room na tinuruan niya dahil sabay kaming uuwi.

Nang matapos sila, tumayo ako at lumapit na sa kanya. Wala naman siyang ibang bitbit kundi ang shoulder bag niya. Napansin ko kay Kuya Neico na hindi siya nagdadala ng libro, hindi tulad ng mga teachers ko.

"Kuya, bakit hindi ka nagdadala ng book? Paano ka nakakapagturo?" tanong ko sa kanya bago pa man kami makalabas ng room.

"I have my lessons in my brain," aniya. "That's why I only have this." Kinuha niya ang pentel pen niya sa bulsa niya at pinakita sa akin. Napaawang naman ang labi ko. "Bago ako magturo, sinigurado ko na ang lahat ng ituturo ko alam ko kahit nakapikit ang mga mata ko."

"Parang kapag nagtuturo kayo ng Word of God, tama ba?" sabi ko. Tumango naman siya.

Pagkalabas namin ng room, sinara niya ang pintuan. Sabay kaming naglalakad.

"We need to be careful of what we impart to our learners, because everything we impart to them will affect their lives. In what way? Because what a teacher says is what the audience believes, and what the audience believes will drive his life. That's why as teachers, we should impart things that are reliable," paliwanag niya.

"Anong connect niyan sa hindi mo pagdadala ng libro, kuya?" biglang tanong ko. Hindi ko intensyon na maging pilosopo, pero parang ganoon ata ang dating ko.

Natawa siya at saka sumagot, "That means I am confident that I know what I teach very well, even without having a book to guide me. Nakatatak sila sa puso't isipan ko. Just like our belief in the Bible. Kailangan alam na alam mo ang nilalaman ng Bibliya para kahit na sunugin man ang lahat ng Bibliya sa buong mundo, hindi ka pa rin maliligaw kasi nakatatak ang mga nasusulat doon sa puso't isipan mo."

Napatango-tango naman ako dahil nakumbinsi ako sa sagot niya. Tama naman siya. Dapat talaga sa isang guro, sigurado siya sa tinuturo niya para sigurado rin ang mga informations na natatanggap ng mga estudyante. I salute Kuya Neico for meeting that standard of teaching. Mukhang magaling at responsable talaga siyang teacher. Siya pa lang ang kilala kong teacher na nagtuturo na walang libro na binabasa. Pinag-aaralan niya ng mabuti ang mga tinuturo niya. Nakaka-inlab lalo.

"Pero hindi ba mas okay pa rin na may libro ka na dala para kung sakali man na may malimutan ka, may susundan ka? Like yung Bible, kahit pa alam naman ng preacher ang nilalaman ng Bible, kailangan pa rin niyang bitbitin iyon kapag nangangaral siya para maniwala yung mga tao na galing talaga sa Bible ang tinuturo niya," pagpapalawak ko sa usapin natin. Tumango-tango naman siya sa sinabi ko.

"Alam mo, Faith, natutuwa akong malaman na alam mo ang basic rule na 'yan sa pangangaral ng Salita ng Diyos. Tama ka, mas paniniwalaan talaga ng tao ang pinangangaral natin tungkol sa Diyos kapag may Bible tayo na dala." Bumuntong hininga siya. "Pero 'yang bagay na 'yan ang nakakalungkot na reyalidad ng buhay. Pagdating sa espiritwal na bagay, ang hirap paniwalain ng tao kahit na totoo ang mga sinasabi mo at may Bible ka na dala. Samantalang sa ibang bagay ang bilis nila maniwala kahit wala namang sapat at matibay na batayan. At ganyan din sa pagtuturo ko. Hindi ko kailangan ng libro para maniwala ang mga estudyante ko sa mga tinuturo ko dahil alam nila na guro ako at lahat ng tinuturo ko ay totoo - that is the situation when it comes to secular knowledge."

Against Our WillWhere stories live. Discover now