Chapter 19: Heart Check

955 86 21
                                    

Nakakapanibago na wala si Kuya Neico sa bahay. Walang Kuya Neico na nakatambay sa living room at gumagawa ng lesson plan o nagko-compute ng grade ng mga estudyante niya. Medyo napatagal kasi ang pag-stay niya dito kaya medyo nasanay ako. Hindi tulad noon na pabisi-bisita lang siya at pagkatapos, babalik ulit sa apartment niya. Pero nakakamiss din talaga siya lalo na't di na namin siya kasabay sa hapag-kainan.

Pupunta ngayon si Ate Christy sa church para sa music practice nila, at alam ko na naroon din niyan si Kuya Neico. Naalala ko na sinabi sa akin ni Kuya Neico na kakausapin pa niya ako. Bigla akong napaisip, Sama kaya ako?

"Um . . . Ate," tawag ko kay Ate Christy na ngayon ay nag-aayos.

"Yes?" tugon niya habang sinisintas ang sapatos niya.

"S-sasama ako sa church."

Halatang nagulat siya dahil napatingin siya sa akin. Hindi kasi ako sumasama sa kanila sa church tuwing sabado dahil wala naman akong ministry.

"Mag-ayos ka na," aniya.

Kumuha naman ako ng pantalon at t-shirt sa kabinet ko. Nagpalit ako ng damit.

Lumabas kami ng bahay at naglakad papunta sa sakayan ng jeep. Medyo puno na ang jeep nang maabutan namin iyon kaya siksikan sa loob.

"Bayad po. Sa EOC Church." Nagbayad si Ate Christy ng pamasahe namin.

Honestly, nakakapanibago . . . Nakakapanibago na. Matagal na akong hindi sumasayaw sa church dahil nahihiya akong maglingkod sa Diyos na ganito ang puso ko-punong puno ng hinanakit at galit. Alam kong hindi ako kalulugdan ng Diyos. Walang kwenta ang pagsasayaw na gagawin ko kung ganito ang puso ko, at hindi ko alam kung mababago pa ba itong kalagayan ko.

"I will help you . . ."

Napabuntong-hininga ako. Sana nga matulungan ako ni Kuya Neico.

Nang makarating kami ni ate sa church, naroon na ang buong music team, maging ang mga dancers. Ngunit wala roon ang taong pakay ko kaya ako sumama rito. Pupunta kaya si Neico dito?

Kalaunan, nagsimula silang magpractice at pinanood ko lamang sila, lalo na ang mga sumasayaw. Habang tumatagal, nakakaramdam ako ng pait dahil naaala ko ang mga panahong kabilang pa ako na ganitong ministy.

"Bakit hindi ka sumali sa kanila?"

Nagulat ako nang marinig ko ang boses na iyon sa tabi ko at nakita kong nakaupo na pala si Kuya Neico sa tabi ko.

"Uh . . ." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Nabigla kasi talaga ako. Akala ko hindi na siya darating dahil medyo patapos na ang music team sa practice nila.

"Bakit ayaw mo nang sumayaw dito? Akala mo ba hindi ko alam na may Tiktok ka? Sumasayaw ka naman doon, 'di ba? Why not dito sa church?"

Dancer kasi ako sa school at kasama ko rin si Kylo sa isang dance group na sumasali sa mga contests. Doon talaga kami nagkila-kilala nina Gianna. We're more on hip hop dance hindi ng sayaw tulad dito sa church na basic steps lang.

"Mahirap i-explain, Kuya," tugon ko.

Nakita ko ang pagtitig niya sa akin at tila kinikilatis ako. Nakaramdam naman ako ng kaunting ilang dahil doon. Medyo na-conscious ako sa itsura ko. Okay lang kaya ang itsura ko ngayon?

"Ang sa akin lang naman, mas maganda na ituloy ninyo ng ate mo ang inumpisahan ni Pastor Rick. 'Yon naman kasi ang pangarap ng papa ninyo sa inyong dalawa ng ate mo, ang maglingkod kayo sa Diyos habang buhay," may sinseridad na sabi niya. Bagamat malakas ang tugtugan, dinig ko pa rin naman siya. "Noong nabubuhay pa ang papa mo at bumibisita siya sa bahay, palagi niya kayong bukambibig. Alam mo ba kung anong kinukuwento niya? Magiging pastora ang ate mo at ikaw naman, magiging youth leader ka."

Against Our WillWhere stories live. Discover now