Chapter 27: It's About Time

875 66 55
                                    

"Saan ka pupunta, ate?" tanong ko kay Ate Christy nang makita ko siyang nag-eempake.

"May business trip kami ni Storm sa France sa loob ng tatlong araw," tugon niya.

"Pasalubong ko, ate, ah," bilin ko.

"Trabaho ang aatupagin namin doon, hindi pamamasyal," aniya.

"Malakas ka naman kay Kuya Storm, ate, e. Baka naman," pangungulit ko. Tumawa naman siya.

"Ikaw ah. Bumabalik 'yang pagiging makulit mo," aniya. Napatigil naman ako dahil doon.

Napansin ko nga...

Ganito naman talaga ako noon - isang makulit na bata, palaging inaasar at ginugulo si Ate Christy.

"Dahil ba 'yan kay Neico?" aniya at nagtaas ng kilay sa akin.

Bahagya naman nanlaki ang mga mata ko sa gulat. "Tigilan mo nga ako, ate," kunwari'y inis na sabi.

"Oh, bakit? Anong iniisip mo? Tinatanong ko lang naman kung dahil ba kay Neico, dahil nakikita ko kayong magkasama at tinuturuan ka niya kung paano pag-aralan ang Bible," sabi niya.

Nag-iwas lang ako ng tingin at natahimik.

"And natutuwa ako..." biglang sabi niya, dahilan para mapatingin ako sa kanya. "Sana bumalik na 'yung dating Faith na kapatid ko. 'Yung palagi akong inaaasar pero malambing pag may time..." Bahagya siyang ngumiti pero nakita ko ang pamamasa ng mga mata niya. "'Yung palagi akong pinapakuwento ng mga Bible stories at nagvovolunteer na magpray bago kumain at matulog..." Napalunok ako at naramdaman ko rin ang panunubig ng mga mata ko dahil naalala ko pa iyon. "'Yung tinatanong ako kung gwapo ba mga angels," aniya pa at malumanay na tumawa. Bahagya lang akong napangiti. Pinunasan niya ang mga mata niya gamit ang likod ng mga palad niya. Lumunok siya bago muling nagsalita, "N-namimiss ko ang mga moments natin na ganoon. Pero naniniwala naman ako na darating din 'yung time na ang Diyos na mismo ang na kikilos sa buhay mo. Babalik ka rin sa Kanya."

Tila hinaplos ang puso ko dahil sa mga sinabi niyang iyon. Kung noon, napakatigas ng puso ko. Kahit anong sabihin niya sa akin, hindi iyon tumatalab sa akin. Pero ngayon, ramdam ko 'yung burden and compassion niya para sa akin at ramdam ko 'yung pagkilos ng Diyos sa buhay ko na sinasabi niya. Alam ko, kumikilos talaga ang Diyos sa akin, dahil 'yung napakatigas na puso ko noon, tila lumambot na ngayon.

"At ngayon na ang time na 'yon, ate..." tugon ko sa kanya, kasabay niyon ang pagtulo ng mga luha ko.

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya. Hindi niya inasahan ang mga sinabi ko - nakakagulat naman talaga dahil matagal na panahon akong nagmatigas. Napahikbi siya at mabilis na niyakap ako. Niyakap ko lang siya pabalik. Napakatindi ng pag-iyak niya, dahilan kung bakit hindi na niya magawang magsalita. Umiyak lang siya nang umiyak sa balikat ko.

Naalala ko 'yung pagkakataon na nahuli ko siyang pinapanalangin ako habang natutulog ako, at naniniwala akong noon niya pa iyon ginagawa...

Labis-labis talaga ang luha na papatak kapag ang isang bagay na matagal na panahon mong pinanalangin, biglang tinugon ng Diyos.

***

Maagang umalis ng bahay si Ate Christy dahil maaga ang alis nila ni Kuya Storm. Naiwan ako mag-isa sa bahay dahil walang pasok ang mga senior high school, sa kadahilanang may lakad ang mga teachers - at kasama si Kuya Neico roon. Hanggang hapon lang naman daw sila kaya naman talagang inabangan ko ang pag-uwi niya.

Nang marinig ko ang busina ng motorcycle ni Kuya Neico sa labas ng gate, pinagbuksan ko siya. Ginarahe niya ang sasakyan niya sa loob. Nang tanggalin niya ang helmet niya, nakita ko rin sa wakas ang pogi niyang mukha bagamat medyo pawisan siya dahil sa init ng araw. Napansin ko na may dala siyang box ng pizza.

Against Our WillWhere stories live. Discover now