Chapter 14: Weird Feeling

993 76 32
                                    

Masakit ang kasu-kasuhan ko nang bumangon ako sa kama. Naiihi kasi ako, kaya pupunta ako ng banyo. Hindi ko na binuksan ang ilaw ng kwarto namin dahil baka maalimpungatan si Ate Christy. Hating gabi na rin kasi kaya mahimbing na ang tulog nito. Pagkalabas ko ng kwarto, napatigil ako nang makita kong may tao pa sa sala. Si Kuya Neico iyon, kaharap ang laptop niya habang nakaupo sa couch.

Napatingin siya sa akin at tila nagulat nang makita niya ako. "Kumusta na pakiramdam mo?" tanong niya sa akin.

"Okay naman, Kuya," tugon ko, kahit na masakit talaga ang ulo at kasu-kasuhan ko. "CR lang ako," sabi ko at saka dumiretso sa banyo.

Pagkatapos kong gumamit ng CR, dumiretso ako pabalik sa kwarto. Pero bago ko pa man mabukas ang pintuan narinig kong nagsalita si Kuya Neico.

"Pagaling ka," aniya.

Ramdam ko naman ang pag-init ng pisngi ko dahil sa hiya. Kainis kasi si Ate! Tinutukso kasi ako sa kanya kanina. Nahihiya na tuloy ako sa kanya.

"S-salamat," tugon ko bago tuloy-tuloy na pumasok sa kwarto.

Nang makahiga ako muli sa kama doon ko pa lang napansin ang mabilis na tibok ng puso ko. Weird.

***

May kaunting sinat pa ako nang ayain ako ni Ate Christy at Kuya Neico na sumama sa kanila sa isang concert na pupuntahan nila. Dahil concert 'yon at alam kong masaya 'yon, sumama ako sa kanila.

"Magkita-kita na lang daw tayo doon sa venue," sabi ni Ate Christy kay Kuya Neico.

"Okay."

Dala ang kotse ni Tito Alvin umalis kami ng bahay at tinungo ang daan papunta sa venue ng concert. Base sa pagkakasabi nila, event ng church nila Ate Erich ang concert na pupuntahan namin. Papalubog na ang araw dahil gabi ang ganap ng concert.

Papasok pa lang kami sa gate ng isang open field na lugar, dinig na dinig na ang malakas na tugtugan ng mga musical instruments kasabay ng pagkanta ng isang song leader. Mukhang nag-uumpisa na. Mula rito ay kita ang malaking stage na may mga lights at malaking projector sa background na may lyrics ng kanta.

Pinarada ni Kuya Neico ang sasakyan sa parking area. Pagkababa namin ng sasakyan, naramdaman ko kaagad ang malamig na simoy ng hangin sa lugar.

"Ayun sila Daniel," sabi ni Ate Christy at hinila ako papunta kina Kuya Daniel na nasa tabi ng isang malaking puno at kumakain ng fishball kasama niya sina Kuya Carlo, Kuya Nathan, Ate Karen, Ate Glen, Ate Michelle, Kuya Joss, Kuya Bryan, Kuya Storm at Ate Fara. Kumpleto pala ang music team.

"Uy! Sina Ate Christy," ani Ate Karen nang makita nila kami.

Sinalubong naman nila kami at kinamayan.

"Bakit nandito kayo?" tanong ni Kuya Neico sa kanila.

"Hinihintay namin kayo," tugon ni Kuya Daniel.

"Habang kumakain ng fishball," natatawang dugtong ni Kuya Joss sa sinabi ni Kuya Daniel sabay subo ng fishball.

Nagtawan naman sila. Halos lahat sila ay kumakain ng fishfall, maliban kina Kuya Bry, Kuya Storm, Ate Michelle, at Ate Fara.

"Hindi pa kami naghahapunan," sabi ni Daniel. "Dumiretso kami dito after ng klase."

"Okay. Ubusin niyo muna 'yan bago tayo pumunta roon. Praise and worship na," sabi ni Kuya Neico sa kanila.

Nang matapos silang kumain, nakisama na rin kami sa praise and worship. Sama-sama kami sa mga bakanteng upuan na magkakatabi. Joyful song ang kasalukuyang tinutugtog.

Against Our Willحيث تعيش القصص. اكتشف الآن