Chapter 17: A Good Pastor

985 80 35
                                    

Ilang araw na malamig ang pakikitungo sa akin ni Ate Christy matapos ang nangyari. Hindi ko naman siya masisisi dahil alam kong napahiya siya sa mga oras na 'yon. Pero ano nga bang magagawa ko? Aminado naman ako sa lahat ng sinabi ni Pamela at alam kong wala na talaga akong pag-asang bumalik sa kung sino ako noon. Kung pwede lang sana na iwanan ko na lang si Ate Christy para wala na siyang sakit sa ulo, ang kaso hindi ko pa kayang mag-isa. Hihintayin ko na lang ang tamang pagkakataon.

"Ngayon ang araw na isasagawa ang opisyal na pagtatalaga kay Brother Neico, hindi bilang isang youth leader kundi isang pastor na makakatulong ko sa pagtatayo ng isang daughter church sa ibang lugar . . ." anunsyo ni Tito Alvin sa congregation.

Nagpuno ng palakpakan ang church nang magsimulang umakyat sa stage si Kuya Neico at tumayo sa tabi ni Tito Alvin. Napatitig ako sa kanya. Pormal lang ang ngiti niya habang pinapakinggan ang sinasabi ni Tito Alvin. At sa hindi inaasahang pagkakataon nagtama ang mga mata namin. Doon unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi niya at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. Marahil naalala niya ang mga salitang binitawan ko sa kanya.

"Pwede bang bago mo ako pakialaman, ayusin mo muna ang mga kabataan sa church! Sila nga hindi mo tinutuwid tapos papakialaman mo ako?!"

Nang maalala ko iyon, napatungo ako at naikunot ang noo ko kasabay ng pagpikit ng mga mata ko dahil sa guilt na naramdaman ko. Mukhang nakaka-discourage talaga 'yung mga sinabi ko, lalo na ngayong idedeklara na siya bilang isang pastor.

Nang matapos ang Sunday service, nagkaroon saglit ng meeting bago kami umuwi.

"Kumuha ka ng anim na plato," ani Ate Christy sa akin habang hinahalo niya ang niluluto niyang nilagang baboy.

"Bakit anim?" kunot-noong tanong ko.

"Bibisita si Bryan at Herley dito."

Ilang sandali nga lang ay narinig namin ang tunog ng doorbell. Ako ang inutusan na magbukas ng gate kaya ako ang unang nasalubong nila. Mabilis na niyakap ako ni Herley at bineso-beso. Sa tuwing ginagawa niya 'yon nakakaramdam talaga ako ng ilang. Masyado siyang sweet. Yakap nang yakap. Ako' yung tipo ng tao na naiirita talaga sa ganoon. Feeling ko kasi plastic ang mga mahilig magbeso-beso.

"Na-miss kita, Faith!" aniya sa akin.

Hindi naman ako sumagot. Pilit na ngumiti lang ako.

Pumasok kami sa loob ng bahay at nagtipon sa hapag-kainan.

Nang matapos kaming kumain, lumipat kami sa sala upang doon magkwentuhan. Gusto ko na sanang pumasok sa kwarto pero nahihiya ako na magpaalam na lalo na't narito si Herley.

"Itong si Neico ipapadala ito doon sa lugar nina Pastor Ed. Doon siya magpa-pastor," ani Pastor Alvin.

"Doon po ba sa pinagganapan ng crusade noon?" tanong ni Kuya Bryan.

"Oo. Willing naman si Pastor Ed na ibigay ang lupa niya roon para gawing church. Doon na rin titira si Neico."

Aalis rin pala si Kuya Neico dito . . .

"Paano po niyan, Pastor? Edi mami-miss ni'yo po niyan si Neico," ani Kuya Bryan kaya napatawa sila.

Katapat ko lang si Kuya Neico kaya kita ko ang mga ngiti niya. Ang cute talaga niya pag tumatawa—what? Ano ba 'tong iniisip ko? Kailan pa ako na-cute-an sa lalaki, huh? Nababakla na ata talaga ako.

"Bibisitahin ko naman siya roon minsan," nakangiting tugon ni Tito Alvin.

"Sino pong papalit na youth leader sa kanya?" tanong pa ni Kuya Bryan.

"We're still praying for that, bro," tugon ni Kuya Neico.

"Hindi kasi basta-basta ang pagtatayo ng isang youth leader. Ang kailangan diyan ay talagang committed ang buhay sa Panginoon at higit sa lahat, puspos ng Banal na Espiritu. Kapag nagkamali kami ng pagtatalaga ng youth leader, ang mga kabataan na pinangungunahan nito ang magdurusa. Kung ano ang puno, 'yon din ang bunga. Kaya, kapag ang isang youth leader na naitalaga ay mababaw pa sa pananampalataya at compromise o makamundo, lahat ng mga kabataan sa church magiging makamundo rin, at higit sa lahat, hindi sila lalago sa pananampalataya," paliwanag ni Tito Alvin.

Against Our WillWhere stories live. Discover now