Chapter 13: [The Fallen's Position]

174 11 0
                                    

⚜| 𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝟷𝟹 |⚜

Rất tiếc! Hình ảnh này không tuân theo hướng dẫn nội dung. Để tiếp tục đăng tải, vui lòng xóa hoặc tải lên một hình ảnh khác.

⚜| 𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝟷𝟹 |⚜

"The Fallen's Position"


DEVIS

"My my, why so kalat naman?" kunot-noong sambit ni Sariah. Pinulot niya ang papel na nakakalat sa sahig bago 'yon binasa. "What the hell is this? A threat? Psh, lame," aniya bago 'yon itinapon.

Tinatamad ko namang binasa ang papel na nasa sahig bago napahikab. Some shit is going on today and Sariah's right. It's lame. It would be nice to see some killings rather than these written threats.

Nakasubsob lang ako sa mesa buong klase hanggang sa tumunog ang bell, hudyat na break na. Humihikab akong lumabas ng room habang si Sariah naman ay humabol sa akin. Ang bawat estudyanteng nakakasalubong namin ay napapagilid dahil sa taray ng tingin nitong kasama ko. Well, okay din naman ang ganito, maaliwalas ang daan.

"Makikita ko na naman si Nirvana, my my! I can't wait!" ani Sariah.

"Did you know what happen? Hindi kumpleto ang kwento ni Ms. Dynamite kanina," sabi ko.

"Don't worry. I'll pass the chika to you kapag nagkwento na si Nirvana sa'kin," nakangiting sabi pa nito.

Napabuntong-hininga ako. As if namang magkukuwento sa kaniya si Nirvana.

Bigla kasi naming nalaman na umuwing may sugat si Nirvana. Kwento ni Ms. Dynamite, nabanggit sa kaniya ni Nirvana na sumabog ang kotse nito kaya magkasabay sila nila Rage at Void noong umuwi. Wala naman talaga akong pakialam, curious lang ako. Magkaiba naman 'yon, 'di ba?

"Nirvana!" patakbong paglapit ni Sariah nang makita si Nirvana sa isang table.

Sinenyasan ko ang chefs na dalhan ako ng pagkain sa table bago pumunta sa kinaroroonan ngayon nila Rage at Void. Katulad ng napansin ko kaninang umaga, mukhang wala sa mood si Void. Masyado itong seryoso at matagal na rin no'ng nakita ko siyang magkaganito.

"Did something happen?" tanong ko kay Rage.

Binigyan lang ako ng makahulugang tingin ni Rage kaya agad ko itong naintindihan. Someone might have brought that up. Void doesn't want to talk about his mother. He hates her with all his might. Hindi na lang din ako umimik tutal wala naman akong karapatan. Kumain na lang ako matapos makarating sa table ang pagkaing hiniling ko. Hindi rin nagtagal, dumating na ang lahat.

"Ano 'yong mga nakakalat na papel sa hallway?" tanong ni Roze.

"That Seven is definitely scaring someone. It's obvious," pag-imik ni Leon.

𝗗𝗔𝗥𝗞 𝗦𝗛𝗔𝗗𝗢𝗪 𝗔𝗖𝗔𝗗𝗘𝗠𝗬: The School Of AssassinsNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ