Chapter 9: [Stay]

160 11 0
                                    

⚜| 𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝟿 |⚜

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

⚜| 𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝟿 |⚜

"Stay"


VOID

I ran as fast as I can to get to the abyss. I don't know the story but I have a feeling that it's all because of Ferrick. Maybe he was offended when Nirvana got his name wrong? Or maybe, he's up to something.

When I got there, the students made a way, leading me to Sariah and others. May mga nakalinyang shields do'n kaya hindi ko lubos na makita kung anong nangyayari sa gitna ng abyss. I immediately went to them and grabbed Sariah's shoulder.

"What the hell is happening?" tanong ko rito at sinubukang sipatin ang nasa kabila.

"I'll definitely kill him..."

Napatingin ako rito nang marinig ang linyang 'yon. Nanlilisik ngayon ang mga mata ni Sariah at nag-aapoy sa galit. Napansin ko rin kung gaano kahigpit ang pagkakakuyom ng mga kamao niya. Unti-unti ko siyang binitawan kasabay ng pagkunot ng noo ko.

"Why are you still here? Kayang kaya niyo 'tong patumbahin," tanong ko ulit kay Sariah ngunit hindi na ito sumagot.

"Look over there," wika ni Cherry.

May nakikita akong gumagalaw sa kabila ng mga kalasag ngunit hindi ko tiyak kung sino ang mga ito. Nang mainis ako sa kakasilip, agad akong bumwelo at sinipa itong nasa harapan ko.

Finally, I saw her.

She was there. Nirvana was standing in front of Ferrick. And what's this? May sugat si Ferrick sa balikat? I looked at Nirvana's hand and she's holding a gun on her right hand and her fan on the left. Mukhang siya nga ang may gawa no'n. Wrong move, milady!

"B-bawal kayong makialam," imik ng lalaki, mukhang nakabangon na. Agad niyang pinulot ang kalasag at muling humarang sa akin.

"Ano ba talagang nangyayari dito?" inis na baling ko kina Devis. "Did Nirvana really kill someone?"

"I don't think that's the case, Void," sagot ni Devis.

"'Yon naman pala eh anong ginagawa niyo rito? We have the right to interfere kung hindi naman lumabag si Nirvana," sabi ko pa.

"He's provoking us..." seryosong imik ni Sariah. "Alam kong 'yon ang intensyon niya rito."

Tiningnan ko nang mabuti si Sariah dahil masyadong seryoso ang pagkakasabi niya no'n. Nagtitimpi siya, alam ko.

𝗗𝗔𝗥𝗞 𝗦𝗛𝗔𝗗𝗢𝗪 𝗔𝗖𝗔𝗗𝗘𝗠𝗬: The School Of AssassinsWhere stories live. Discover now