Chapter 21: [Missing]

156 5 0
                                    

⚜| 𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝟸𝟷 |⚜

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

⚜| 𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝟸𝟷 |⚜

"Missing"


CHANDRIA

Tinatamad lang akong nakahalumbaba habang ang prof sa unahan ay patuloy sa pagsasalita. Nakatingin ako sa abyss mula sa bintana dahil nakakatamad makinig ngayon. Nando'n pa rin 'yong mga tauhan no'ng Mrs. Quino. I'd rather join Rage along with Nirvana right now. That would be fun than listening here. But they keep everything to themselves, not letting us know anything about the situation.

I sighed out of frustration. "Ang damot."

Bumaling ako sa katabi kong lalaki at katulad ko, wala rin siyang planong makinig sa prof. Nakasubsob lang siya sa desk niya at mukhang nagtatampo rin kina Rage. Well, sa tingin ko, lahat kami, nagtatampo sa dalawang 'yon.

Hindi namin alam kung anong nangyari at kung saan sila pumunta kagabi kasama si Nix. Naghintay kami nang ilang oras sa kanila at umasang magpapaliwanag sila, pero hindi nangyari 'yon. Pinatulog lang kami ni Rage at hindi na muling nagsalita tungkol do'n.

Sabi ni Devis, tungkol daw 'yon sa ellipsis na natuklasan namin. Sinabi nilang 'wag kaming gagawa ng kahit na ano at sinunod naman namin 'yon. Sa kabila no'n, curious pa rin ako kung paano nalaman ni Nirvana ang tungkol do'n sa investigator ng Dixon lalo pa't wala naman siya no'ng nagmeeting kami. Higit pa ro'n, paanong naging wrong move ang pagpapa-imbestiga namin sa orphanage na 'yon?

Napakamot ako sa ulo dahil ang daming tanong sa isipan ko ngayon. Ang damot talaga nila.

"That's it for today class," sambit ng prof matapos tumunog ang bell mula sa speakers. "May you live a longer life."

Agad kong hinila si Roze palabas ng room namin. Dahil sa posisyon namin sa Dashacad, pinauna kami ng mga estudyante sa elevator. More like, ayaw nilang sumabay sa amin. Tumakbo kami papunta sa cafeteria na nasa kabilang building dahil do'n kami kumakain. Baka nando'n na rin 'yong iba.

"Slow down, Chandria," ani Roze.

"Aren't you frustrated?" tanong ko sa kaniya matapos bagalan ang paglalakad namin. "I mean, nakakainis lang kasi hindi natin alam ang nangyayari ngayon. Don't you feel the same way?"

"I'm curious too. But if Rage decided not to tell anything to us, then, he probably has his own reasons," aniya.

"I trust Rage too, you know. I'm just annoyed that I don't know anything," sabi ko.

Nang makarating kami sa cafeteria, may iilan nang estudyante ro'n. Holy Friday ngayon eh. Kung siguro normal days, wala ni isa sa kanila ang maglalakas-loob na pumunta rito nang maagap. Kasi takot silang makasabay kami, mga corps d'elite.

𝗗𝗔𝗥𝗞 𝗦𝗛𝗔𝗗𝗢𝗪 𝗔𝗖𝗔𝗗𝗘𝗠𝗬: The School Of AssassinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon