Chapter 2: [Welcome to Dashacad]

264 15 1
                                    

⚜ |𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝟸| ⚜

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

⚜ |𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝟸| ⚜

"Welcome to Dashacad"


NIRVANA

Sakay ng kotse ko, muli akong pumunta sa parking lot para magpark, malamang. Kung bakit nga kasi, hindi na lang sa blue dormitory ako pinapunta ng magaling kong ina. Edi sana, iwas white lady at iwas hassle. Malapit pa sa academy.

"You're here," sabi ng kung sino.

Nang iangat ko ang paningin, bumungad sa akin ang nakangiting mukha ng babaeng nakita ko rito kanina. Tiningnan ko lang siya nang blangko habang papalapit siya sa akin.

"So, ano ang pinili mo?" nakahalukipkip niyang tanong sa akin. Naramdaman niya sigurong wala akong balak sagutin siya kaya ngumuso ito. "Tell, me pleaseee. I want to know," pagmamakaawa nito.

What's with her? She seemed friendly all of a sudden. Global warming? Maybe.

"White Mansion," walang-gana kong sagot.

Pumalakpak naman siya ng isa. "I knew it! I knew you would check the mansion out. Kaya shinare ko sa'yo kanina eh," proud niyang sabi.

Tumango lang ulit ako bago siya nilagpasan pero agad niya rin akong hinabol.

"I'm Sariah Mite Griffin," pagpapakilala niya at nag-alok ng kamay. Tinanggap ko naman ito at nagpatuloy ulit sa paglalakad. "Aren't you going to introduce yourself?"

"Did you ask?" I asked, avoiding eye contact with her.

Nagulat naman siya sa sagot ko at humagalpak sa tawa. "You really are an odd one, are you?"

"I'll take that as a compliment," tugon ko.

"So, what's your name?" she asked again.

"You already know," sagot ko ulit.

Nang marating namin ang dulong bahagi ng hall, binuksan niya ang isang gate at bumungad sa amin ang isang daang napapaligiran ng mga puno. Nagmimistulang carpet ang damo sa daanang ito dahil sa pagkakapantay-pantay nito. Sa dulo ng daan, tanaw ko ang isang malaking gate.

"Hoy, pakilala ka naman oh," pangungulit na naman nitong katabi ko.

"Nirvana Faith Devon," pabuntong-hininga kong pakilala na muli niyang ikinatawa. Napakamot na lang ako sa tenga dahil ang lapit niya sa akin at malakas ang boses niya. Nakakabingi.

𝗗𝗔𝗥𝗞 𝗦𝗛𝗔𝗗𝗢𝗪 𝗔𝗖𝗔𝗗𝗘𝗠𝗬: The School Of AssassinsWhere stories live. Discover now