Letter 35

95 3 3
                                    

Si Zeus ang anak ni Madam Rhea.

Nagpalakpakan ang mga tao habang ako hindi man lang maipalakpak ang kamay sa natuklasan ko.

Muling nabuhay ang lahat ng ilaw. Nagpasalamat si Zeus sa lahat ng dumalo samantalang ako nagdadamdam.

'Hindi man lang ako in-invite sa birthday party n'ya.'

"Drink Ma'am." Napukaw ang atensyon ko sa waiter nang alukin ako nito ng wine, kaagad akong kumuha sa tray na hawak hawak kaya umalis na ito.

Akmang iinumin ko na 'to nang may kamay na humawak sa braso ko.

Bu-Seth

"Hoy,Amasona! Wag the last time na uminom ka nagwala ka." Muntik ko nang mabitawan ang hawak na glass wine dahil sa sinabi nito.

'Nagwala ako?'

Tatanungin ko na sana 'to sa mga nangyayari ng gabing 'yon nang bigla na lang may lalaking sumulpot.

"Uy, saan kasalan?" Bati ni Hermes sa bagong dating,  nakasuot kasi itong ng All white Tuxedo.

Kitang kita ko kung paano nagtiim- baga ito sa sinabi ni Seth.

Basag trip din kasi 'tong si Seth Lagi.

"We need to go to Chua Hospital. Eros got food poisoning," anunsyo nito at umalis na sa harapan namin. Kung hindi ako nagkakamali ay boses ni Ares ang lalaking iyon. Ang kakambal ni Hermes.

"Na naman? I bet it's because of Psyche," komento nito bago tuluyang sumunod sa kakambal.

Naiwan akong mag-isa hindi ko alam kung paano ako kikilos dito. Wala akong kilala, first time ko lang pumunta sa ganitong okasyon. Pakiramdam ko hindi ako belong dito, kahit yung birthday celebrant ay hindi din naman ako inimbita.

Alam na kaya ni Zeus na ako yung tumulong kay Ma'am Rhea noon?

Or alam nya ba na dito yung sinasabi kong birthday party na pupuntahan nung magpaalam ako last week.

Hindi pa man ako makakabawi sa gulat ay muling nagpalakpakan ang mga tao. Tumingin ako sa stage. Nagpapasalamat pala si Madam Rhea sa mga dumalo kasama din nila sa stage si Dione kahit nakasuot ito ng maskara ay alam kong si Dione ito.

Ang ganda ganda nito sa black tube dress nito simple lang pero ang lakas ng dating pag siya ang nagsusuot. Sobrang sexy at tangkad din kasi nito bagay na bagay sila ni Zeus halos magkapantay lang sila dahil sa taas rin ng heels nito.

Unlike pagkami magkasama halatang sobrang layo ng estado namin. Ang awkward din na hanggang balikat lang ako ni Zeus.

Madami ding camera ang nakatutok, may nag-set up ng isang video set at may ilan na kumukuha ng mga picture mula sa mga kilalang t.v station.

Napapansin ko rin na halos may katandaan ang mga dumalo marahil mga business partner ng mga Consunji- Tan. May ilan din akong nakikitang mga kasing edad lang namin.

Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtingin sa paligid nasasaktan kasi akong tumingin sa stage. Mula sa kanang bahagi ko ay nakita ko si Hermes na nakatayo may kasama syang limang lalaki na obvious naman na mga pinsan nya. Akala ko ba aalis ang mga ito para pumunta sa Chua hospital.

Habang nakatingin ako sa gawi nila ay nakita kong kumaway at ngumisi ito sa akin.

Bu-Seth!

Akmang lalapit muli ito nang may babaeng sumalubong dito. Napangiwi pa ko ng maghalikan sila nakaagaw tuloy sila ng atensyon ang tagal pa at halos maglamunan na sila ng mukha. Mukhang bagong girlfriend ni Hermes ilang araw kasi matapos ang party ni Hermes ay nag-break sila nung huli. Ang bilis makahanap ng bago ang loko.

Dear ZeusWhere stories live. Discover now