Letter 27

162 6 2
                                    

Matuling lumipas ang mga araw dito pa rin ako nakatira sa bahay ni Zeus. Higit dalawang linggo matapos ma-ospital nito ay wala na akong naging balita pa kung anong nangyari sa imbestigasyon. Pauwi uwi din si Zeus sa bahay nila lagi nitong kinukwento kung gaano kakulit ang Mama nya sa kanya. Hindi ko maiwasang mainggit mukhang sweet ang Mama nya palibhasa nag-iisang anak. May sakit kasi daw ito sa puso kaya hindi na nasundan si Zeus. Laging ding may bitbit na mga lutong bahay si Zeus pinadala daw ng Mama n'ya pero ako naman ang laging ang umubos nito.

Ayaw kumain ni Zeus wala daw s'yang maipapasweldo sa akin kung tumaba s'ya o mawala ang mga abs nya. Hindi ko na s'ya pinipilit ang sarap magluto ng pagkain ng Mama nya kaya sino-solo ko na lang kainin. It really taste like home. Huling kain ko ng luto ni Nanay ay nung bata pa ako. Nang mag-dose ako ay ako ang nagluluto ng pagkain naming dalawa kaya nga gustong gusto ko ang luto ng Mama ni Zeus.

Kasalukuyang abala si Zeus sa pagpu- push up may bago daw s'yang project with Dione mula sa isang sikat na underwear brand kaya kailangan mas define ang abs nya. Mas naging mabenta ang pangalan ni Zeus sa masa simula ng mag-viral ang video nya. Pati nga yung napkin na hawak hawak nya sa video ay nag-offer ng contract at commercial. Kahapon nga ay kakatapos lang n'yang mag-shooting ng commercial at pictorial baka next week ay lalabas na iyon.

Lalong yumaman ang loko.

"Model ba talaga pangarap mo?" Tanong ko dito at umupo sa harapan nya dala dala ang Piattos at C2 ko. Tumingin ito saglit sa akin.

"Nope," Sagot nito at nagbago ng posisyon. Side plank yata tawag doon. Tinitignan ko palang ay parang ako na nahihirapan tapos parang wala lang dito na kinakausap ko s'ya habang nagsa-side plank s'ya sinubukan ko kasing gayahin yan kaso hindi ko kaya. Sumakit lang braso ko. Mukhang sanay na sanay na ito. Lagi rin 'tong pumunta sa gym nilang pito sa taas dahil kompleto ang mga gamit doon.

"Eh ano? Bakit ka nagmo-model kung hindi mo naman pangarap yan.

"Of course for money. I want to be more independent. I'm 19 year old I don't want to be freeloader so I find it as an opportunity," Sagot nito. Napahanga ako ng slight sa sinabi nito kadalasan kasi ngayon sa mga anak mayayaman na lalaki ay walang pake sa buhay tutal mayaman naman sila kaya mga asa sa magulang.

"Eh anong pangarap mo?" curious na tanong ko habang binubuksan yung isang malaking Piattos.

"I don't know." Halos maibuga ko yung piattos dito. Si Almighty always-righteous Zeus ay hindi alam anag pangarap nya.

"Huh? Bakit ikaw si Almighty always-righteous Zeus di ba? Bakit hindi mo alam?" bulalas ko.

"What did you say?" bigla itong napatigil sa pagpa-plank at humarap sa akin.

"Bakit hindi mo alam?" pag-uulit ko dito.

"No the other one." Bigla'y napaisip ako sa huling sinabi ko.

"Almighty always righteous Zeus?" pag-uulit ko. "Hala hindi mo ba alam na yan ang tawag sa'yo ng ibang estudyante?" Dugtong ko pa.

"I knew it. Someone always gave me a hate mail and informed me about that alias." Bigla'y para akong tinakasan ng dugo sa sinabi nya. Nabasa nya o nagbabasa pala s'ya?

"Are you okay?" bigla nitong kinapa ang noo ko bigla'y parang napaso ako. Hinawakan ko ang kamay para alisin sa nook .

"Okay lang." Awkward na ngiti ko at kinuha ang C2 na nasa tabi ko para inumin.

"Wala ka bang naiisip? Di ba kadalasan kayong mga anak ng chinoy business ad ang gustong kunin ng mga magulang na course?" pagbabago ko sa topic.

"Yeah, my Dad wants it. He wants me to enroll as a concurrent candidature." Bigla'y napakamot ako ng ulo. Anong course yun?

"Ano yung concurrent candidature?" Ngayon ko lang kasi narining yun.

"It's a double degree program. He wants me to take Business ad and Architecture or Engineering." Napatango naman ako sinabi nito. Project developer's company ang mga Consunji samantalang Food and beverages naman ang business nilang mga Tan kaya malamang yun ang papakuhain sa kanya na kurso.

"Matalino ka kayang kaya mo yung dalawang course." Papuri ko dito. Mga matatalino daw kasi ang mga Consunji ang sabi nga ng iba kaya tinayo ang Special 7 section dahil ang mga member nito ay may intelligent quotient na nagre-range ng 160-200. Kagaya ni Helios na balitang meron daw itong 200 IQ tapos si Eros may photographic memory.

"But I don't know what I want. I'm not sure if I enjoy that course." Napatitig ako dito dahil sa tono ng pananalita nito para 'tong batang naliligaw na hind alam kung anong diretsyon ang tatahakin kilala si Zeus bilang metikolosong tao bilang Student council president pero hindi nya alam ang gusto nya.

"How about you? What is your dream? You are under Humanities and Social Sciences." Pagbaling nito ng tanong sa akin.

"Gusto kong maging teacher," Sagot ko dito. "Para sa akin ang teacher ang pinakamarangal at pinaka- importanteng trabaho sa mundo. Imagine lahat ng batang tuturuan mo ay magiging parte kanila ng buhay nila dahil lagi mo silang nakakasama. Ako yung pangalawang nanay nila tapos malay mo isa sa mga studyante ko maging Engineer, Architect, business man, painter, writer, sunod na superstar o pangulo ng Pilipinas," Pagmamalaki ko. Kahit alam kong mahirap maging teacher at wala naman daw masyadong nayaman ay ito pa rin ang gusto ko.

"You really love being a teacher ah." He patted my head kaya inalis ko ito pansin ko ginagawa n'ya akong aso pagginagawa nya sa akin yan.

"I admire your energy and enthusiasm for life. You knew what you wanted in life." Papuri nito.

"I also admire you. Sa lahat ng taong kilala ko ikaw yung tipo na alam kong maari kang maging anumang nais mong maging." Pag-aamin ko.

"Pwede kang maging.." bigla akong napaisip ng bagay na profession kay Zeus.

"Maging what?" curious na tanong nito.

"hmpp.. pwede kang maging Mayor o Presidente ng Pilipinas." Narinig kong tumawa si Zeus sa suggestion ko kaya tinaliman ko 'to ng tinggin. Hindi nya sineseryoso yung suggestion ko?

"What? Why is that?" natatawang tanong nito.

"Kasi magaling kang Student council may leadership skill ka tapos di ba nga natalo mo sa argument yung senador na pumunta sa school," Paliwanag ko dito.

"A rule is a rule." Ginaya ko pa ang tono ng pananalita nito tuwing sinasabi yan sa mga estudyanteng lumalabag ng rules ng school.

"What the heck pati yung issue ko kay Senator De Villa naka- abot sa radar mo?" nagtatakang tanong nito.

"Malamang lahat ng studyante ata sa school laman kayong pitong magpipinsan," Pagbibigay ko ng information.

"Go continue." Napamaang naman ako sa sinabi nito.

"Continue your suggestion. Why I need to be a Mayor or a President?"  muli akong napaisip.

"Hmp... kasi nga matalino ka baka masolusyunan mo yung economic problem ng Pilipinas, tapos mahigpit ka din sa mga batas ayaw mo ng may nakakatakas sa'yo at higit sa lahat mayaman ang pamilya mo kaya siguro naman hindi mo babalaking pagnakawan pa ang kaban ng bayan sa dami ng property nyo baka pwede nyo ng bayaran utang ng Pilipinas," Mahabang paliwanag ko. 

"Interesting. I'll consider that."

Napangiti ako sa halos higit isang buwan ko dito na nakatira kay Zeus ay ngayon lang kami nakapag-usap ng tungkol sa mga pangarap namin. Paunti unti ay nagbabago ang pagkakilala ko sa kanya mas nakikilala ko ang totoong s'ya and it was dangerous for my heart. Bumabalik ako sa dating ako.

Dear ZeusWhere stories live. Discover now