Letter 29

124 5 2
                                    

Chapter 29

"Hala nagpagupit ka?" kaagad akong napabusangot ng makasalubong si Seth. Bwi-Seth nagtatanong pa e, kanina bago ako umalis sa bahay ay nakasabay ko rin 'to sa elevator. Nakita n'ya namang wala akong bangs kanina nagtatanong pa.

Hindi ko ito pinansin sabay, kaming pumasok sa elevator.

"Wala kang bangs kanina." Inirapan ko ito. Wala ako sa mood makipag-usapan. Baka sa inis ko ay mahampas ko ang isang ream ng bond paper na hawak ko. Bwi- Seth.

"Sungit mo naman napkin girl. Meron ka ba?" Nakangisi nitong tanong. Bumukas ang elevator kaya sabay kaming pumasok.

"Alam mo bang dapat magpapagupit ako ngayon kaso hindi swerteng magpagupit." Pagkukwento nito.

" Sa amin instik pangit pagupit ngayong araw. Takot ako Mabo-broken hearted," Ginaya pa n'ya ang tono ng mga Chinese na pilit magtagalog.

"Ingat ka baka ma-broken hearted ka ngayon."

Doon ay hindi ko na napigilan ang emosyon ko. Naramdaman ko na lang na nabasa ang pisngi ko ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Hala! bakit ka na iyak? Broken hearted ka?" Tinapik tapik nya ang balikat ko.

Hindi naman ako Chinese pero bakit parang minalas ako ng magpagupit ako ngayong araw. Kanina cute na cute pa ko sa bangs ko, ngayon hindi na ako natutuwa. Tumunog ang elevator. Finally! paalis na si Seth. Sa aming dalawa si Seth ang unang baba. Ang floor ranking kasi nilang pitong magpipinsan ay batay sa edad. Si Eros ang panganay sa magpipinsan at ang kaisa isang magdadala ng apelyido ng Consunji kaya s'ya ang nasa penthouse samantalang si Zeus ang pangalawa, pangatlo si Eos, Pang-apat si Hades, panglima si Helios, pang- anim si Ares at ang huli nga ay itong si Hermes.

Nang bumukas ang elevator ay pareho kaming natigilan ni Hermes Seth.

"Surprise!" Bati sa kanya ng mga babae. Kung hindi ako nagkakamali ay mga schoolmate namin ito. Kung nagulat ako ay mukhang nagulat sila ng makita ako.

Zeus ko po! Anong idadahilan ko sa kanila pagnagtanong sila sa akin kung bakit ako nandito at kasama si Hermes.

"7 pm pa yung Halloween party ah." Seth looked shocked. Tumingin ako sa oras ng cellphone ko almost 6 pm pa lang masyadong maaga para sa Halloween party.

"Yeah but we want to surprise you," Sagot nung isang babaeng naka-costume ng parang pangdiwata na may hawak na cake na may design na bungo.

"You know what I'm planning you guys to surprise. I invited my friend Hera. She is also our schoolmate. Do you recognize her? " Hinawakan nito ang kamay ko at hinila palabas ng Elevator. Bwi-seth! Hindi ko alam kung ano ang plano ni Seth pero mukhang ikakabuti ko naman ito kaya nagpatianod na ko.

"Yeah. She's my classmate." Doon ay lalo akong kinabahan ng bigla na lang sumulpot sa harap ko si Aira our Class president nasa pinaka likod s'ya kanina kaya hindi ko s'ya napansin. Nakasuot naman ito ng pang-wonder woman na costume.

"We hate gatecrasher Seth!" Reklamo ulit nung may hawak ng cake parang batang nagtan-tantrums pa 'to sa pagpadyak.

"Ah, babe naman, Please be nice to Hera brokenhearted yung tao." Hinalikan ni Seth sa labi yung babae. Girlfriend pala kaya kanina pa irap ng irap sa akin.

"Get a room guys." Hirit ng mga kasama namin.

Nang makapasok kami ay tumambad ang kadiliman ng lugar. Pero biglang nagbukas ang mga ilaw na may ibang ibang kulay. Nilibot ko ng paningin ang buong paligid marami palang tao lahat ay nakasuot ng Halloween costume. Nagmukha tuloy bar yung condominium floor ni Seth. Isang buong floor ba naman ang size ng place kaya perfect for group party talaga.

Dear ZeusWhere stories live. Discover now