Letter 12

1.1K 63 3
                                    


Lunes ng umaaga ngayon at abala ako sa pag-aasikaso ng baunan ko nang marinig ko ang sigaw ni Zeus mula sa sala.

"Kuài jiāngyào chídào!" agad akong napalingon dito na ngayon ay nasa likod ko na.

"Anong ibig sabihin nun?" tanong ko dito baka mamaya minumura na ko nitong si Zeus e, hindi ko pa alam. Mahirap pala talagang magkaroon ng amo na half Chinese o kaya ibang lahi hindi mo alam kung ano ang pinagsasabi nila tungkol sa'yo.

"Sumpa yun Hera. Sinusumpa kitang maging nognog, pandak at laki sa hirap habang buhay," Pang-aasar nito  kaya naman pinagpapalo ko ito ng sampi. 

"Stop it Hera," Reklamo nito at hinuli ang mga kamay ko. "Sa lahat ng katulong ikaw pinaka sadista," Dugtong pa nito saka pinakawalan ang mga kamay ko.

"At sa lahat ng amo ikaw ang pinakamaarte, perfectionist, mayabang, sinungaling,manloloko at abusado!" ganti ko. Sa loob ng isang linggo ko dito bilang katulong ni Zeus ay halos ilang beses ko na itong kamuntikan sakalin ng matigil na sa kaartehan.

Napaka-perfectionist din nito lalo na sa pagkain. Yung tipong tatanungin nya sa akin kung ilang grams ng calories, protein, carbohydrates, fats, fiber at sodium ang pagkain nya.

Zeus ko po! Anong tingin nya sa akin Dietitian, Nutritionist, Nutritional Therapist o Diet Expert?

"Ako din pinakagwapo at pinak-sexy," Dugtong pa nito sa sinabi ko.

"Oo ikaw din ang pinakagwapo at pinaka-sexy," Pagsasang-ayon ko sa sinabi nito bigla akong natigilan sa sinabi ko.

Teka parang may mali?

Naglo-loading pa rin ang utak ko sa huli kong sinabi nang bigla ako nitong hinila palabas ng kusina.

"Teka lang di pa ako tapos magbalot ng pananghalian ko!" Reklamo ko at pilit na kumawala sa pagkakahawak nya.

"C'mon Hera. We should go. May mga darating na bisita mula sa rivalry school natin we will discuss about the school Tournament," Pagpipigil nito sa akin subalit nagpumilit pa rin akong makawala. Aba, maiwan ko na ang lahat wag lang ang baunan ko. Ang mahal mahal naman kasi ng bilihin sa canteen kulang na lang dollar bill ang ipambayad.

Malapit ko ng mahalbot ang baunan ko nang bigla na lang akong binuhat ni Zeus ng parang sako.

Zeus ko po! Ang baunan ko. Kakasusot talaga 'tong Zeus na 'to alam nya naman na araw -araw talaga akong nagbabaon ng pagkain para sa pangtanghalian tapos bigla na lang ng hihila buti sana kung mura lang ang mga bilihin sa Canteen.

Patuloy pa rin ako sa pagpupumiglas para makababa. Hinampas hampas ko na ito ng bag ko at sinabunutan ko na lahat lahat ang dilaw nitong buhok subalit sadyang malakas si Zeus. Ano ba namang laban ng isang babaeng 4 feet and 11 centimeter na gaya ko sa isang 6 feet and 2 centimeter na kagaya ni Zeus?

Tuluyan na nga akong walang nagawa nang ma-ilock na ni Zeus ang pintuan ng condo nya hanggang sa makarating kami sa tapat ng elevator hindi nya pa rin ako binababa kaya muli akong nagpumiglas nahihilo na kasi ako pwesto ko na nakatuwarik.

"Ililibre na lang kita ng pang-lunch." Bigla akong natigilan ng marinig ang salitang libre.

"Dahil sa sinabi mo kanina na ako ang pinakagwapong at pinaka-sexy na amo sa buong mundo. Bibigyan kita ng pang-lunch." Dugtong pa nito kaya muli kong sinambunutan ang dilaw nitong buhok. Ang kapal ng mukha! Wala naman akong sinabi na ganoon.

Nasa gitna kami ng pagtatalo ni Zeus nang biglang bumukas ang pintuan ng elevator kaya bigla kaming natigilan ni Zeus nang makita ang taong nasa loob ng elevator na si Honeybunch este si Zachary pala. Mukhang nahawa na yata ako kay Psyche lagi ko kasing naririnig na sumisigaw ito ng "Honeybunch" sa school pagtinatawag si Zachary.

Dear ZeusWhere stories live. Discover now