Letter 6

1.3K 80 17
                                    

Pagbaba namin ni Zeus sa kotse  ay kaagad kaming nagtungo sa Detention office.

"Sign it, this is your contract about your community service."

Hindi ko na ito binasa pa at kaagad itong pinirmahan. Pag-angat ko nang tingin ay nahuli kong nakangisi si Zeus.

"Here, your things. Diligan mong mabuti ang mga halaman dito galing pang Greece ang mga iyon," Mayabang pa nitong habilin at iniabot sa akin ang regadera.

"Opo masusunod po, kamahalan," Sarkastikong kong sagot sa kanya at umalis na pero gayun na lamang pagtataka ko nang maramdamang sumusunod ito sa akin kaya lumingon ako dito.

"Bakit ka sumusunod sa akin? Aber!"

"Sinisigurado ko lang na hindi mo tatakasan ang responsibilidad mo," Sagot nito kaya nag-umpisa na akong magdilig.

"Sinisigurado ko lang na hindi mo tatakasan ang responsibilidad mo," I mimicked his voice.

"Antipatiko," bulong ko sa hangin.

--

Lumipas ang isang buwan na lagi kaming nag-aaway ni Zeus buti na lang sa awa ng Diyos hindi ko pa ito napagtatangkaang patayin. Lagi kasi ako nitong inaasar at inuutusan ng kung ano- ano mukhang sayang saya pa nga ito pagnakikitang nahihirapan ako sa pinagagawa nya sa akin.

Napakasama talaga ng ugali nito. Napaka-antipatiko.

Umaga't hapon din akong napunta sa garden upang diligan ulit ang mga halaman –yun kasi ang utos ni Zeus umaga't hapon akong magdidilig pero gayun na lamang ang gulat ko nang may babae nang nagdidilig sa mga ito.

"Kamusta na kayo? Inaalagaan ba kayo nang mabuti ng bagong nagdidilig sa inyo? Namiss nyo ba ako?" na wirduhan ako dito kinakausap kasi nito ang mga halaman. "Ikaw Cathy the cactus pumapayat ka yata. Ikaw din Sunny the sunflower mukhang dry na dry na ang mga dahon mo huh. Hindi kayo siguro nadidiligan ng mabuti. Pasensya na kung nawala ako huh, lumalove life at humarot pa kasi ako kay Eros hahahaha." Lalo pa akong na wirduhan dito nang binibigyan nya ng mga pangalan ang mga halaman.

'Adik ba s'ya?'

Mukhang naramdaman naman nitong may tao sa likod nya kaya humarap ito sa akin.

"Hi, Psyche Faith Dimagiba nga pala," Pakilala nito at inabot ang kamay nya sa akin. Kilala ko 'to at halos lahat yata ng estudyante kilala ito. Napatitig na lang ako dito. May dala dala itong archery na labis kong ikinataka hindi pa pala ito naaalis doon, ang balita kasi ay ilang beses na daw nitong napana ang balikat ni Sir Manny  sabagay girlfriend ito ni Zachary Hemeros kaya hindi pa naalis, iba talaga pag-girlfriend ka ng isa sa mga Consunji kahit yata anong gawin mong school violation ang malabag mo ay makakalusot ka pa rin.

"Ikaw ba yung bagong naka-assigned na magdidilig dito? Ano palang pangalan mo?"

"Oo ako nga, Hera Bulalakaw."

Napakunot na ang noo ko nang biglang tumawa ito.

"Ang panget naman ng apelyido mo buti na lang cute ka." Napaatras ako sa gulat ng   biglan nitong pinisil ang kanang pisngi ko.

Weird

Ngumiti na lang ako sa kawirduhan ng babaeng 'to.

"Ako na magpapatuloy." kinuha ko ang regaderang hawak nito,kaagad naman niyang ibinigay ito sa akin kaya sinumulan ko na ang pagdidilig.

"Alam mo dapat kinakausap mo ang mga halaman habang dinidiligan mo sila sabi kasi ni Popsie mas bibilis daw ang paglaki nila paggginagawa mo yun," payo nito sa akin napatingin ako dito kaya pala mas lumago ang mga halaman dito sa garden kumpara noong mga nakaraang taon dahil s'ya ang nag-alaga ng mga nito. Effective nga siguro kung kakausapin ko din ang mga halaman simula kasi nang ako ang mag-alaga sa mga ito ay tila natuyo't nagpayatan ito.

Dear ZeusWhere stories live. Discover now