Letter 11

1K 64 8
                                    

Kinabukasan ay maaga akong nagising para ipaghanda ang agahan namin ni Zeus.

Napangiti ako nang hindi ko makita si Zeus sa sala paniguradong tulog pa,  mabuti naman at mas nauna pa akong nagising. Nakakahiya naman kasi kung mas maaga syang nagising e, ako ang katulong dito.

Una kong inasikaso ang pagsasaing ng kanin pagkatapos ay inikaso ko naman ang pagluluto ng pagkain na tinatawag ni Zeus na "Tuna Beneficial Breakfast Sandwich" napailing na lang ako nang maalala ang pagtatalo namin ni Zeus kagabi tungkol sa  napag-usapan naming ihahanda ko na pagkain araw –araw. Nang basahin ko kasi ang ibinigay nya sa akin na listahan ng mga klase ng kakainin nya na tinatawag nyang "Diet plan recipe" ay wala akong kahit na anong alam doon na putahe na lutuin.

Zeus ko po!

Ano ba naman kasing alam ko sa diet diet ek ek na yan? kaya naman kailangan ko pang manood sa ytube at pag-aralan ang pagluluto nun. Arte naman kasi pwede namang simpleng hotdog at kanin lang ang kainin e, may nalalaman pangpagdi-diet pero dahil hamak na isang katulong lang ako dito ay ginawa ko na ang "Tuna Beneficial Breakfast Sandwich" good luck na lang kay Zeus kung tama ba itong ginawa kong pagkain para sa kanya.

Matapos kong gawin ang "Eggs Beneficial Breakfast Sandwich" kuno ni Zeus ay saktong pagdating nya naman. Napakunot ang noo ko nang mapansin ang ayos nito, balot na balot kasi ito ng damit at parang may mga tuldok na pula sa mukha.

"Anong nangyare sa mukha mo?" Mas lumapit pa ako para masuri ang mga pulang tuldok sa mukha nito pero tinulak lang nito ang mukha ko palayo sa kanya.

"It's your fault pinaligo mo ako sa ulan kaya inatake ako ng skin asthma," Masungit na sagot nito saka umupo sa upuan. Nakaramdam tuloy ako ng konsensya dahil doon. Dapat pala hindi ko na lang sya inaya kahapon na maligo sa ulan nakalimutan kong masyado nga palang sensitive ang balat ni Zeus at sa klase rin ng pagsasalita nya ay mukhang may sipon ito.

"Are you sure that this food exactly contained 399 calories, 31 g protein, 46 g carbohydrates, 11 g fat (3 g saturated), 6 g fiber, 900 mg sodium?" napairap na lang ako sa tinanong nito at umupo sa kaharap nyang upuan. Yung konsensya na nararamadam kanina ay biglang napalitan ng inis.

"Aba malay ko sinunod ko lang yung sa recipe book mo at kung sumubra man ang calories o protein nan hindi mo naman siguro ikamamatay yun. Master Zeus." Sarkastikong sagot ko at pinagdiinan ang salitang Master Zeus.

"I told you I need to maintain my diet. Alam mo bang kung hindi dahil sa katawan ko wala akong maipambabayad sa'yo." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nito. Ano namang connect ng katawan nya? Mukhang napansin nito ang pagtataka ko kaya napailing na lang ito at bigla na lang akong hinila patayo papunta sa sala. Huminto kami sa bintana at binukasan ito kaya naman natanaw ko ang mga naglalakihang gusali at billboard.

"Look that man on that billboard,"Turo nito sa katapat ng bintana namin na malaking bilboard kung saan may lalaking modelo ng isang sikat na brand ng Jeans ang naka-topless at mayroon pang nagpuputukan na six pack abs.

Hindi ko akalaing sa likod ng nakatakip na kurtina sa bintana ni Zeus ay may matatagpuang magandang tanawin.

Hindi ko akalaing sa likod ng nakatakip na kurtina sa bintana ni Zeus ay may matatagpuang magandang tanawin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Dear ZeusWhere stories live. Discover now