Letter 31

118 5 2
                                    

Kasalukuyan kaming nasa sala. Ako abala sa pagpa-print ng thesis ko at iba ko pang-project requirement samantalang si Zeus naman ay abala sa pagbabasa ng mga love letters sa kanya. Pasimple kong tinitignan ang mga binabasa nito.

"What are you doing?" Nabitiwan ko ang mga papel na na-print ko na nang bigla'y lumingon ito sa akin.  Nagkadahulog hulog tuloy ito.

Zeus ko po!  

"Nagpi-print," Maang maangan kong sagot at kunwari ay tinuon ang atensyon ko pagdampot ng mga papel na nahulog ko.  Inis na tignan ko ito nang bigla itong lumingon sa akin kaya awkward na napangiti ako dito at kunwari busy pa din sa pagpupulot. May mata ba sya sa likod?

Nang matapos sa pagpupulot ay panaka naka akong nagnanakaw  ng tingin sa binabasa nito. Muli itong lumingon sa akin kaya balik sa pagiging busy kuno sa pagpi-print ang akto ko.

Bakit kasi napaka-observant ng lalaking ito? Hindi tuloy ako maka-concentrate sa pagsilip sa binabasa nya. Isa pang nakakainis kay Zeus ay mabilis s'yang magbasa. Robot ba sya?

Maya maya pa ay tumayo si Zeus.

Finally!

Kaagad akong umupo sa upuan nito nang makitang pumasok ito sa banyo o baka sa kwarto nya.

'Zeus ko po!' halos magkakakulay lang ang mga ito. Bakit kasi naisipan kong generic yung design nung love letter ko? Glossy pink na may mga print na puso.

Nang maramdamang malapit na si Zeus ay dali dali akong tumayo at bumalik sa pwesto ko.

Ang bilis eh. Sa taranta ko ay wala ring akong nakita.

Bakit ko kasi naisipang magpakilala doon sa letter na yun?

At bakit kasi ngayon pa naisipan ni Zeus na magbasa ng mga love letters sa kanya.

Kung dati ay asam na asam ako na mabasa man lang ang mga sulat ko noon, ngayon ay hindi na. Nakakahiya! lalo't na magkasama kami sa iisang bahay at may girlfriend na 'tong si Zeus. Awkward!



Nang matapos sa pag-print ay nilapag ko sa table yung thesis paper ko. Chapter 3 pa lang ito at sa Thursday ay kailangan na itong i-defense.


"Effect of alcohol to the youths" pagbasa ni Zeus sa title ng thesis ko. "Ang galing ng topic mo bagay na bagay sa'yo." Natatawang dagdag pa nito kaya kaagad ko itong inagaw sa kanya. Bigla'y naalala ko yung spam text ko sa kanya. Tama, bagay na bagay talaga sa akin yung research topic ko.



"Sorry..." paghingi ko ng tawad sa kanya kahit hindi ko naalala yung ginawa ko sa kanya ng gabing yun.



"Hindi ko maalala kung anong ginawa ko o nasabi ko nung gabing yun. Nabasa ko yung spam message ko sa'yo kanina lang kaya feeling ko may nagawa akong mali sa'yo."



"It's okay, basta wag ka ulit uminom medyo nagiging wild ka kasi."



Halos takasan ako ng dugo sa sinabi ni Zeus.

Wild? Anong klaseng wild?



Mukhang nabasa ni Zeus ang nasa utak ko kaya muli itong nagsalita.



"Don't worry, about the wild thing. Ayaw mo lang umuwi kahit pilitin kita nung time na yun." Paliwanag nito. Umiwas ito ng tingin at kinuha ang nasa tapat nyang baso.



"Let's not talk about it. I understand you." Parang bigla'y nakaramdam ako ng awkward sa pagitan namin. Lalo tuloy lumakas ang kutob ko na may ginawa akong kakaiba.



Dear ZeusWhere stories live. Discover now