Letter 3

2.2K 98 21
                                    

Kagagaling ko lang mula sa pinagtratrabahuan kong kalinderya nang nadatnan kong makalat na naman ang bahay, tambak ang hugasin sa lababo at nagkalat rin ang bote ng alak sa paligid kaya kaagad ko itong dinampot

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kagagaling ko lang mula sa pinagtratrabahuan kong kalinderya nang nadatnan kong makalat na naman ang bahay, tambak ang hugasin sa lababo at nagkalat rin ang bote ng alak sa paligid kaya kaagad ko itong dinampot.

"Bakit ka pa bumalik dito? Di ba ang sabi ko sayo wag ka ng babalik!" kaagad akong umilag nang sunod sunod na binato ni Nanay sa direksyon ko ang kawali at takip ng kaldero. Sanay na ako dito kaya naman lagi ko itong naiilagan.

"Bwisit kang bata ka! ikaw ang dahilan kung bakit ako minalas sa buhay!" muling sigaw nito.

Maya maya pa ay tumigil na rin ito sa kakatalak sa akin kaya naman nilapitan ko na ito.  Mahimbing na natutulog marahil sa kalasingan ay nakatulog na.

Napabuntong-hininga na lang ako sa inasal nito kinuha ko ang yakap yakap nitong bote ng alak at pilit itong nilagay sa higaan nito.

Pinunasan ko na rin ang katawan nito gamit ang bimpong may tubig at pinalitan ang damit para maaliwalas ang pagtulog nya.

Napangiti ako ng mapait habang pinagmamasdan itong matulog. Ang aga aga ay uminom na naman ito. Sa totoo lang ay sanay na ako dito at nauunawaan ko naman ito.

Maraming nagsabi na layasan ko na lang daw si Nanay, wala namang pake ito sa akin at hindi daw ako nito mahal pero hindi ko kayang gawin yun. Alam ko mahal ako ni Nanay kasi kung hindi nya ako mahal, eh di sana noong nasa sinapupunan pa lang nya ako e, pinalalag nya na ako o kaya'y pinamigay na lang sa kamag-anak o kaya sa ampunan. Naalala ko noong bata pa ako pagmay sakit ako ay binabantayan at inaalgaan nya ako kaya hindi totoong hindi ako mahal ni Nanay.


Kinabukasan ay maaga akong nagising para pumunta sa bakery ni Aling Tasya para ilako sa bahay-bahay ang paninda nitong pandesal at nagbebenta din ako ng Dyaryo. Sanay na ako sa trabahong ito simula elementary ay ito na ang isa sa mga sideline ko wala kasi akong baon kung hindi ko ito gagawin.

"Hera, pabili nga ng sampung pandesal," Tawag sa akin ni Aling Fe.

"Alam mo nagtataka talaga ako sa'yo, kung bakit nagtratrabaho ka pa at dito ka pa nakatira eh di ba mayaman naman yung sugar daddy mo?" Malisyosang komento pa nito habang naglalagay ako sa supot ng pandesal.

Iniabot ko ang supot at kinuha ang bayad nito bago sumagot sa paratang nito.

"Ilang beses ko bang ipagsisigawan sa buong tenement natin na wala akong sugar daddy kayo na rin nagsabi kung meron man eh, di sana po matagal na akong umalis dito sa atin nakakasawa na rin po kasi ang magkaroon ng malisyosa at tsismosang mga kapitbahay," Sagot ko dito at pinagdiinan ang salitang malisyosa at tsimosang mga kapitbahay at  saka nagmadaling umalis na para umuwi sa bahay.

Minsan talaga ay hindi ko maiwasang mainis sa mga kapitbahay namin hanggang ngayon kasi ay naniniwala pa rin sila sa tsismis na kabit ako ng isang matandang mayamang madaling mamatay.

Nagsimula lang naman ang ganung issue nang  makapag-aral ako sa Consunji High, mga anak ng milyonaryo lang kasi ang mga studyante doon at hindi din sila naniniwala na scholar ako kasi hindi naman ako ganun katalino. Well, kahit nga ikaw pa ang pinakamatalino sa buong bansa ay hindi ka rin libreng makakapag-aral doon kung wala kang sponsor na milyonaryo. Kahit ako hindi rin ako makapaniwala na nag-aaral ako sa pinakaprestihiyosong paaralan sa bansa kaya labis talaga akong nagpapasalamat kay Ms. Rhea nang libre nya akong pinag-aral doon.  Pasasalamat daw nya yun dahil niligtas ko ang buhay nya.

Two years ago kasi ay nakita ko syang nakahandusay sa kalsada kaya kaagad ko itong dinala sa ospital sabi nya ako daw ang Guardian Angel nya. Sa totoo lang ay hindi ako nagdalawang isip na tumanggi sa alok nya  kasi pagdoon ako nag-aral pwede akong makakuha ng scholar sa kolehiyo  at idagdag mo pang ang halos lahat ng leading company sa bansa pagnakitang nag-aral ka sa Consunji High ay tanggap ka kaagad.

Napatingin ako sa relo ko.

"Susmaryosep! Late na ako kaya  dali dali akong nagbihis. Pagdating sa pilahan ng Jeep ay puno na ito kaya naman nakisabit na lang ako.

"Hoy, bata bawal sumabit dito. Delikado!" Sigaw ni Manong Driver.

"Manong naman late na ako hayaan nyo na ako!" sigaw ko pabalik at hinigpitan ang pagkapit sa gilid ng hamba.

"Grabe talaga mga estudyante sa Consunji High palibhasa anak mayaman kaya kung ano anung kalokohan ang mga iniisip." Narinig kong komento ng ale sa katabi n'yang babae. Napailing na lang ako sa sinabi nito.

Pagkarating sa highway  ay kaagad akong nagpara at dali dali kong pinuntahan ang bike ko sa secret hide out ko masyadong reserved area ang school kaya walang pampasaherong sasakyan ang direktang pumapasok sa Consunji High school,lahat ng estudyante ay may sariling sasakyan o kaya naman ay may mga service.

Pagkarating ko sa tapat ng gate ay puno ng mga sasakyan at estudyanteng na nakapila. May rules kasi ang school na pag-late ay papuntahin sa detention office at kung ano anung kakahiyaan ang ipapasagawa sayo kagaya ng sumayaw sa field o kaya papatakbuhin ka ng ilang beses.

Kaya naman kaagad akong pumunta sa may bandang likurang bahagi ng school. Walang bantay doon at ilang beses ko na itong ginawa pero hindi naman ako nahuhuli.

Pagka-akyat ko ay may nakita akong cute na pusa kaya naman nang bumaba ako ay pilit ko 'tong inabot.

"Wag kang matakot Muning sige na talon na. Sasaluhin kita,Pagkukumbinsi ko dito agad naman itong tumalon papunta sa akin kaya sinalo ko ito.

Pagharap ko ay gayun na lamang ang gulat ko ng makita si Zeus.

"Zeus ko po!" Halos pabulong kong sambit, napaatras ako ng bahagya at nawalan ng balance buti na lang  maagap ako nitong sinalo.

Nagkatitigan kami bumilis ang tibok nang puso ko– siguro ay dahil sa galit.

Oo tama sa galit. Masama kasi ang ugali nito ni Zeus, napaka-antipatiko akala mo kung sino porket apo ng maari at president council.

Umatras ako dito at napansin kong nakatingin ito sa hawak kong pusa. Naramdaman kong tila nagtatago si Muning sa bisig ko siguro'y natatakot ito kay Zeus siguro ay nararamdaman nito ang masamang ugali nito.

Nilagpasan ko si Zeus pero hindi pa ako nakakalayo ng bigla syang nagsalita.

"Did you know that I can't tolerate late students? And pets are not allowed in this school." Tila napako ako sa kinakatayuan ko dahil sa sinabi nito. Nilapitan ako nito ay may binulong sa akin.

"In Detention office, Now." Namutla't napabusangot na lang ako at padabog na sumunod dito. Hindi ko naman pwedeng takasan ito dahil alam kong hahanapin ako nito at mas lalong lalaki  ang malalabag kong school rules. Habang sumusunod sa kanya ay hindi ko maiwasang lalong mainis dito. Tsk, akala mo kung sinong hari makaasta.

Bigla itong lumingon sa akin ata matalim akong tinignan.

Zeus ko po! tapos na ang maliligayang araw ko sa school. Hinain ko habang tinatahak namin ang daan papuntang detention office.

------------

Dear ZeusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon