Letter 24

145 8 2
                                    

Chapter 24

Martes. Abala ang lahat halos lahat kasi ng mga classmate ko'y nag-volunteer at kasali sa game. Yung iba naman ay dahil sa additional grade habang ang iba ay ang dahilan ay para makasama ang kahit isa man lang sa miyembro ng special Seven.

Ako naman ay okay na ako sa grade ko kaysa naman makihalubilo ako sa iba-
Wala naman akong time para mag-fangirl dahil pag-aaral ang pinunta ko sa Consunji High.

Noon, OO I admit minsan na rin akong naging head over heel sa isang lalaki pero part naman yun ng pagiging teenager sabi nga sa kanta We are Young, dumb and broke. I am just 16 years old at that time transferee from public high school. Someone who is easy to fool by those cliché teenage movies.

Yung feeling na akala mo pagnakita ka ng crush mo, jojowain ka nya after.

Hindi ko mapigilang hindi matawa sa sarili ko pagnaalala ko ang kagagahan ko noon. In grade 11, I  confessed my feelings to someone that I really liked but I also discover something. Nagising ako sa katotohanan so I moved on.

Sa dalawang taon ko sa Consunji High ang punong 'to na sinasandalan ko ngayon ang nagsilbi kong sandayan. Everyone in Consunji High is only concern about what is trend, designer bag, latest gadget at kung saang bansa sila huling nagbakasyon. Si Krishna lang ang nakakakila ng totoong ako. S'ya lang naman pumapansin sa akin at I admit hindi din ako nagkukusang makipagkaibigan. Hindi man magandang pakinggan pero tinatago ko ang tunay na pagkatao ko kasi kung malalaman ba nila kung saan ako galing may magbabago ba? Less chika, Less Drama ika nga. Mas mabuti ng itago kaysa naman magsinungaling. Hindi din tumatanggap ng scholar ang Consunji High, Exclusive kasi ang school na 'to at puro pang-anak mayaman lang kaya kahit ako hindi makapaniwalang naipasok ako ni Ma'am Rhea. Ako nga hindi ko alam ang sagot kung paano ako nagawang ipasok dito sila pa kanya na alam kong tatambakan ako ng tanong.

Salamat talaga at na discover ko 'tong lugar na ito. Tahimik at masarap ang simoy ng hangin. Walang estudyante ang napunta dito parte kasi 'to ng Special Seven building. Mabuti nga't never akong nahuli ng isa sa mga member lalo na ni Zeus. Hindi ata naglalagi yung lalaking yun dito sa butterfly garden. Noong unang taon ko sa Consunji High ay dito ako kumakain ng lunch. Wala kasi akong kasabay at nagbabalot lang ako ng pagkain ang mahal kasi ng pagkain sa canteen meron naman akong allowance mula kay Ma'am Rhea pero tinatabi ko kasi yun para sa pangkolehiyo ko.

Hindi ko maiwasang lasapin ang simoy ng hangin. Payapa sa parteng ito ng school. Ang ganda ng lugar na ito sayang nga lang at hindi napupuntahan ng iba napakadamot naman kasi ng S7 although may karapatan naman sila kasi sila ang grandson ng may -ari. Pag-aari din nila ito. May butterfly garden din naman para sa mga ordinaryong kagaya ko pero mas maganda 'tong butterfly garden nila

Malapit na akong makatulog nang bigla na lang may telang ibinato sa mukha ko. Naramdaman kong may kumuha din nito.

Zeus ko po! May ibang tao kaya napamulat ako. Bumungad sa akin ang pinsan ni Lucifer. Sino ba bang pinsan ni Lucifer si Zeus lang, The mighty always righteous Zeus. Malamang sisitahin na naman ako nito kung bakit ako nandito.

"What are you doing here?" nakangisi nitong tanong. Sa inis ko ay naitulak ko ang mukha nito palayo. Nagreklamo ito dahil doon "Baichi!" daing nito habang sapo sapo ang ilong, mukhang napalakas 'ata ang  tulak  ko na paupo kasi ito sa damuhan.

'Buti nga sa kanya.'

"Ordinary student is prohibited in this area." Inunahan ko na ang lines nito. I also mimicked his voice.

"Nognog, pandak at laki sa hirap is prohibited in this area," Ganti nito. Ngumisi ito. Napailing na lang ako sa sinabi nito. Legit na pinsan nga 'to ni Lucifer. Ang sarap talagang sambunutan ng dilaw na buhok nito baka sakaling sumama ang sungay.

Dear ZeusWhere stories live. Discover now