Letter 23

121 6 1
                                    

"Saan ka pupunta?" tanong ko kay Zeus. Bihis na bihis kasi  ito sabado ngayon walang pasok. Kakatapos ko lang ihanda yung diet meal nya. Oatmeal with black coffee n'yang pang psychopath. Umupo ito sa island tool.

"I need to go home. Baka next week pa ko makauwi dito." Kinuha nito yung pagkain na inihanda ko at inumpisahang kainin. Inilapag ko na rin yung kanin at sausage na niluto ko.

"Bakit?" umupo na rin ako sa tabi nya.

"Mom called me. She saw the news." Napatango na lang ako. Hindi ko pa napapanood yung video. Sana walang makakilala sa akin. Lalo na yung mga taga-tenement.

Natapos nito ang pagkain nito pero nakaupo pa rin ito sa tabi ko. Pinapanood akong kumain.

"What? Why?" tanong nito napansin nya yata yung klase ng tingin ko sa kanya.

"Bakit nandito ka pa?" pwede ka ng umalis." Pagtataboy ko dito. Ewan ang awkward. Nakakaramdam ako ng awkwardness nang dahil sa mga nangyari kagabi.

"Seriously. I'm the owner of this unit," Reklamo nito. Umiwas ako ng tinggin dito at tinuon na lang ng pansin ang kinakinakain ko. Ewan may nararamdaman ako na kakaibang awra sa kanya.

"Thank you." Muli'y na patingin ako sa kanya. Bakit bigla na lang 'to nagpapasalamat? Hindi na nito hinintay ang sasabihin ko bigla na lang 'tong tumayo at pumasok sa kwarto nya.

Weird naman nun.

Maya maya pa ay bumalik na 'to dala dala ang school bag nya at isa pang bag.

"I'll be back next Saturday" bigla'y nagtataka ako sa sinabi nya. Isang lingo sya doon?

"Yes, I'll stay there for a week." sagot nito mukhang nabasa nito ang expression ko. "Mom might notice that someone is livin in my unit. I know her she will question everything and when she does not get what she wants. She will hire an investigator." Paliwanag pa nito habang nagsusuot ng sapatos. Naiintindihan ko naman ang naging reaksyon ng mama ni Zeus after all They came from a Chinese family. Madalas kong marinig sa mga classmate kong "CHINOY" ang tungkol sa salitang "Kai ki lang in English our kind of people. Isa daw itong paniniwala ng mga Chinese family na kailangan kung sino man ang papasok sa kanilang pamilya ay may same values and culture sa pamilya nila. Baka iniisip nito na may girlfriend nga si Zeus na hindi pareho ng paniniwala ng pamilya nila.

"Call me if you need anything. Bye Nognog," Paalam nito bago buksan ang pinto. Napairap ako nanglait pa si tanga.

"K bye." Kunwari walang gana kong sagot dito. Pero ngayon pa lang namomoblema na ko. Yung pamasahe kasi papunta sa Consunji High mahal tapos balikan pa.

Napagpasyahan kong manood ng t.v saktong bumungad sa akin ang mukha ni Dione sa isang morning show. Kung saan ini-interview s'ya ng isang sikat na host para sa latest na ini-indorse nyang phone.

"What can you say about your partner, Zeus Dimitri Tan in this advertisement?" parang kinikilig na ewan na tanong ng isang sikat na Host. Mayuming ngumiti muna si Dione bago salubungin ang mga mata ng host.

"Well about Zeus, I worked with him several times and as usual, he is amazing. Sobrang bilis lang namin laging matapos sa set kasi , He wants to make everything perfect." Nakangiting sagot nito. 

Ang pagkakaalam ko ay si Dione ang dahilan kaya naging modelo si Zeus nang minsang isama nito si Zeus sa set. May nangyari daw na emergency sa ka-partner ni Dione e, rush daw ang project na 'yun hanggang sa napansin nung director si Zeus. Cliché pero doon nagsimula ang modelling career ni Zeus.

Bumaling naman ang tanong nito sa mga bagong project nito kaya inilipat ko na 'to sa kabilang station.

"Isang Ferris wheel ang nagkaroon engine malfunction kagabi alas onse kung saan nasa apat napung katao ang na trap kasama nga doon ang isang sikat na modelo, na anak din ng isang kilalang angkan sa Pilipinas. Ligtas namang nakababa ang mga pasahero," Ulat ng isang reporter. Ang pagkakatanda ko isa 'to sa mga lumapit sa amin kagabi.

Dear ZeusOnde histórias criam vida. Descubra agora