Letter 16

800 48 12
                                    

Napailing na lang ako sa sinabi ni Zeus naturingang president council pero sya itong nagyayang mag-cutting classes kami.

"Di ba sabi mo kanina may darating na mga visitor sa school para sa sport tournament," paalala ko dito nang bigla kong maalala ang sinabi nya sa akin bago kami umalis ng condo.

"Don't worry, Zachary already handled that."

"Kahit na papasok pa rin ako may long quiz kami sa English," pagpupumilit ko pa rin. Hindi ako sanay na uma-absent. Simula grade 1 talaga ako ay hindi ako um-absent ng walang matinding dahilan para kasi sa akin ang edukasyon pinakamahalaga kaya nga kahit wala akong kinain ng pang-umagahan,kahit wala akong baon at maglakad ng halos isang kilometro pumapasok pa rin ako. Hindi na nga ako katalinuhan tapos magiging pala absent pa ako. Lalo na ngayon na scholar ako nakakahiya naman kay Ma'am Rhea Consunji kung malalaman nya.

"I didn't know you're grade conscious," na tawa ito at panadaliang lumingon sa akin.

"You didn't read our school handbook, Hera. It's written there that if a student is celebrating his birthday. He automatically excused. He can also file a leave of absence for a whole week." manghang napatingin ako kay Zeus dahil doon.

"Ang weird talaga ng mga rules nyo parang birthday lang, isang araw lang yun tapos pwedeng um-absent ng ganoon katagal."

"Look, Consunji High school is for elite students. Most of them celebrate their birthday out of the country or on a private island." Napatango na lang ako sa paliwanag nito ,Kaya pala yung mga classmate ko noon e, pag-birthday bigla na lang nawawala ng halos isang linggo iyong rules na pala yun ang dahilan.

Bakit ba ako di nagbabasa ng rules and regulation?

---
Makalipas ang halos isa't kalahating oras na biyahe ay huminto na rin sa wakas ang sasakyan ni Zeus kaagad kong pinagmasdan ang paligid at ganun na lang ang gulat ko ng mapagtanto kung nasaan kami kaya naman dali dali akong bumaba ng sasakyan.

"Wait Baichi!" sigaw nito.

Hindi ko akalaing sa isang sikat na theme park pala ako dadalhin ni Zeus. Hindi ko napigilang hindi yugyugin ang braso nito dahil sa excitement.

"Ouch baichi! Minamanyak mo na naman ang braso ko!" reklamo nito at nauuna ng maglakad papunta sa ticket booth. Napairap na lang ako sa kaartehan at pagiging assumero nito saka ito sinundan ito.

"Payatot naman yang braso mo." Pang-aalaska ko dito.

"Look at my bicep at triceps. Payatot ba yan?" kaagad na depensa nito at itinaas pa talaga ang braso upang ipinagmalaki ang mga muscles nya kuno.

Tinawanan ko lang ito ng bigla'y makaramdam ako ng pagkirot ng puson kaya napupo na lang ako dahil sa sobrang sakit.

"Hey, What happened baichi?" tanong ni Zeus at tinulungan ako na muling tumayo.

"Ang sakit ng tyan ko." Hindi ko maiwasang mapangiwi sa sobrang sakit ng puson.

"Ayan kasi ang takaw takaw mo," Pang-aalakas pa nito. Napirap na lang ako dito. Ang sakit na nga ng tyan ko nakuha pa nitong mang-alakas. Bakit ngayon ko nakalimutan ang araw na ito?

"C'mon pasok na tayo may comfort room naman dyan sa loob doon ka na lang magbawas." Muling pang-aalakas nito. Akala siguro nito ay gusto ko lang dumumi kaya sinabunutan ko ang dilaw nitong buhok.

"Umuwi na tayo. Meron ako," Bulong ko dito at hinila ito pabalik sa kotse.

"Anong meron? Sayang naman kung uuwi tayo medyo malayo rin ang byinahe natin," nagtataka nitong tanong. Hindi pala nito nag-gets ang sinabi ko.

"May monthly period ako. May dysmenorrhea pa ako Zeus. " Bigla ay nailang na paliwanag ko dito.


Nauna na akong pumasok sa sasakyan at tahimik naman itong sumunod. Hinalungkat ko ang bag upang maghanap ng napkin at gamot para sa dysmenorrhea ko subalit wala akong nakita. Sa pagmamadali kasi ni Zeus na pumasok ay naiwan ko din ang emergency kit ko.

Dear ZeusWhere stories live. Discover now