Letter 14

784 53 8
                                    

"What happened here?" Kaagad akong humarap nang marinig ang boses ni Zeus. Sasagutin ko na sana sya nang biglang tumunog  ang cellphone ko kaya kaagad ko itong kinuha mula sa bulsa ko.

Nakaramdam ako ng kaba ng makitang si Aling Martha ang tumatawag. Hindi naman kasi ito tatawag sa akin kung hindi si nanay ang dahilan.

"Hello Aling Martha, bakit po kayo napatawag?" Bungad ko dito.

" Naku Hera yung Nanay mo dinampot ng mga Pulis dinala sa presinto."

Nakaramdam ako ng takot dahil sa binalita ni Aling Martha. Tatanungin ko pa sana sya kung bakit nasa presinto si Nanay nang biglang mamatay ang cellphone ko kaya tinignan ko ito. Dead bat na pala

Noong umalis ako sa bahay e 100 percent pa ang battery nito tapos pagkatapos ng ilang minuto ay namatay kaagad.

Naiinis kong pinasok muli ito sa bulsa ko. Zeus ko po! ngayon pa talaga umatake ng sira ang cellphone ko palibhasa sobrang tagal na sa akin at secondhand pa kaya pasira sira daig pa ang altiptap kung makakutitap patay sindi.

Hindi ko mapigilang hindi maiiyak dahil sa pag-aalala kay Nanay halos isang linggong palang akong nawawalay sa kanya e, ganito na kaagad ang balita ko sa kanya.

Akmang tatakbo na ako paalis nang may brasong pumigil sa akin.

"What's wrong?"tanong ni Zeus.

" Si nanay-"

"C'mon " Hindi pa man ako nakakatapos magsalita ay kaagad na akong hinila ni Zeus papunta sa parking lot.

Akmang bubuksan ko na ang pinto nang maalala ang banta ng A4,  nagpalinga linga muna ako  buong paligid mahirap na baka may makakita pa sa amin. Nang makasigurado ay pumasok na ko sa passenger seat.

Nang makapasok ako ay biglang bumukas din ang pintuan sa backseat.

"Wait sama ako." Nabaling kami ng  tingging sa sinabi kay Seth.

"You don't need to we don't need you there," Sagot ni Zeus dito.

"Nope, sasama ako." Parang batang sagot ni Seth. Nakahalukipkip pa ito  at presenteng nakaupo na.

Sa inaasta pa lang nito ay mukhang hindi 'to aalis.

"Hayaan mo na kailangan na nating pumunta ng presinto." Kaagad na bumalantay sa mukha ni Zeuss ang pagtataka sa sinabi ko gayunpaman ay hindi na sya nagtanong pa at pinaandar ang kotse.

Hindi ko maiiwasang hindi mag-alala kay Nanay habang bumabyahe. Ano kayang ginagawa nun sa presinto? wrong timing namang kasi itong cell phone ko ngayon pa inatake ng sakit nya.

"Calm down, Hera." Napatingin ako sa kamay ni Zeus na ngayon na kahawak na sa mga kamay ko dahil sa sobrang nerbyos ko ay hindi ko namalayang umiiyak na  na pala ako.

"Love is like the sun
Love is in the air
Love is everywhere
unlimited and free
My Love"

kaagad na pabaling ang atensyon namin ni Zeus ng bigla na lang kumanta si Seth. Napailing na lang si Zeus dito.

--

Makalipas ang halos trenta minuto ay nakarating na rin kami sa presinto matapos maiparada ni Zeus ang sasakyan ay kaagad akong bumababa, na sakto namang nakasalubong ko si Aling Martha.

"Aling Martha ,ano pong nangyari kay Nanay?" tanong ko dito habang naglalakad kami papunta sa loob.

"Napagkamalang drug addict ang Nanay mo." Napahilot naman ako sa aking sentido sa sinabi ni Aling Martha, Lasingera lang si Nanay pero hindi sya drug addict. Nakakasigurado akong di nagda-drugs yun.

"Mga gago kayo hindi ako drug addict!" kaagad akong napatakbo sa loob ng marinig ang boses ni Nanay. Pagkapasok ko palang ay kaagad kong nakita yung mga tambay sa amin na aminado akong drug addict at mga pusher talaga.

"Mrs, magpa-drug test na lang kayo para matapos na!" Sagot ng pulis dito kaya lumapit na ako sa kinaroroonan nila.

"Nay," Tawag ko dito kaya kaagad itong napabaling sa kinatatayuan ko subalit sinamaan nya lang ako ng tinggin.

"Letse, hala sige i-test nyo na ko!" Ani nito. Tumayo na ito at nabunggo pa nga ako.

Nang makapasok si Nanay sa test room ay kaagad kong kinausap ang mga pulis.

Hindi naman talaga daw kasama si Nanay dito sadyang nagwala lang daw talaga ito ng tinanong nila patungkol sa mga imbestigasyon nila sa mga pusher doon sa amin kaya napaghinalaan sya at isinama na rin nila.

Na kaagad kong kinainis baka naman dinahas naman nila si Nanay kaya nagwala ito at ayon na rin kay Aling Martha masyado daw madahas ang paghuli ng mga pulis sa mga tao doon sa amin.

Lumapit din si Zeus at Seth napag-alamanan kong Ninong pala ni Seth ang hepe ng mga pulis dito kaya humingi kami ng imbestigasyon sa nasabing insidente may pasa kasi sa braso si Nanay na nakuha mula sa mga ito.

Nangako naman itong pananagutin kung sinuman ang may kagagawan nito na labis kong ikinapanatag. Ayoko sa lahat ay yung may nang aagrabyado kay Nanay buti na lang talaga't ninong ni Seth ang Hepe ng mga kapulisan dito kung hindi e, isasawalang bahala lang ng mga pulis ang inihain kong reklamo.

Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na din si Nanay kaya kaagad ko itong sinalubong pero inirapan lang ako niyo at nilagpasan kaya hinabol ko ito.

"Nay, sabay ka na sa amin," Alok ko dito pero hindi ako nito pinansin at mas binilasan nya lang ang paglalakad kaya binilisan ko din ang paglalakad ko.

"Nay, may naaala ka po ba ngayong araw?" tanong ko dito na s'yang nagpatigil dito sa paglalakad. Napangiti ako ng biglang humarap ito sa akin.

"Meron, naalala ko na ngayon araw din na ito dumating sa buhay ko ang isang tao na sumira ng buhay ko at mga pangarap ko. Tapos ngayon naman minalas pa ako!" tili kinapos ako ng hininga sa sinabi nya. Kasabay ng pagtalikod nya ay sya rin pagbasak ng mga luha ko.

Dalawang salita lang naman ang gusto kong marinig mula sa kanya ngayon araw gusto kong batiin nya man lang ako ng kahit 'Happy birthday' man lang pero hindi nya pa ako mapagbigyan hanggang ngayon ay itunuturing nya pa ring sumpa sa buhay nya ang pagsilang nya sa akin siguro nga wala akong karapatang maging masaya tuwing birthday ko dahil sa likod nun ay ang katotohannag nasira ang buhay ni Nanay nang dahil sa akin.

"C'mon Hera." Kaagad kong pinahid ang mga luha ko ng tinawag ako ni Zeus humarap ako dito at pilit na ngumiti.

Dear ZeusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon