Letter 37

106 4 1
                                    

Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko dahil sa sinag ng araw,  kaagad na bumungad  akin ang isang mamahaling base na nakapatong sa isang mini table sa gilid ko, 

Pinakaramdaman ko ang buong paligid kung may kasama ba ako.

Nang matiyak na wala naman ay bumungon na ko. Umaga na pala.

Nilibot ko ang buong paligid kulay pink ang theme nito. I wonder kung kanino kwarto 'to. Tinignan ko ang suot ko iba na 'to. Pink silk na pajama.

Sino kaya nagpalit sa akin?

Ang natatandaan ko lang ay nasa party ako kagabi nila Zeus tapos pagkatapos ng sayaw uminom ako nung green alcohol na pinainom ni Ares tapos tumagay pa ako ng isa kaso pinigilan ako ni Seth tapos...

Hindi ko na alam.

Pinilit kong alalahanin ang nangyari...

Nang may bigla akong naalala may itim na usok na nakapalibot sa isang lalaking nakasuot ng white suit, lalaking nakasuot ng pang-prinsipe at may lalaking mukhang artistahin...

Ay, Ewan! Ang weird. Bakit may ganun akong alaala?

'Absinthe'

'It can cause hallucination'

Yung lang ang naarok ng alaala ko.

Doon ay napagtagpi tagpi ko na yung unang alaala ko. Hallucination ko lang yung usok na itim doon sa lalaking naka-white suit, yung nakasuot ng pang principe at yung artistahing lalaki.

Muli ay pilit kong inaalala yung nangyari kagabi nang biglang bumukas ang pinto kaya dali dali kong inayos ang sarili.

"Gising ka na pala," bunggad ni Zeus maya maya pa ay sumilip din si Hermes.

"Get up, kakain na," ani nito at umalis na samantalang tuluyang pumasok si Hermes.

"Patay kang bata ka!" bigla'y kinabahan ako sa sinabi ni Hermes.

"Huh? Hindi ko nga alam kung anong ginawa ko?"

Napasapo naman si Hermes sa ulo. Mukhang stress na stress ang loko sa nangyari sa akin kagabi.

Patay! Mukhang may ginawa nga akong kapalpakan. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. 

"Ano ba kasing nangyari?" bumangon na ko sa kama medyo nabigla 'ata ako dahil medyo nahilo ako.

"You just announced that you are living with Zeus." Pakiramdam ko nawala ang dugo ko sa katawan at bigla'y napatigil ang mundo ko sa sinabi nya. Nanghihinang napaupo ulit ako sa kama.

Ginawa ko yun? Zeus-maryosep! yan ang isa sa hindi ko gagawin.

"Ang lakas ng trip mo kagabi," natatawang komento nito kaya tinignan ko s'ya ng masama kita nyang problemado na nga ako sa kung anong ginawa ko kagabi tapos nanti-trip pa sya.

"Remember when I told you that you should act faint," dugtong nito.

'Maghimatay himatayan ka'

Bigla'y naalala ko.

Zeus-maryosep!

Tuluyan pala akong nakatulog sa pekeng himahimatayan ko kagabi. Ewan parang antok na antok na rin ako dahil sa pinainom ni Ares Trevor na dapat pala'y hindi ako nagpasindak sa tingin nya sa akin kagabi. Ewan pero sa lahat ng miyembro ng S7 si Ares yung may vides na nakakatakot, bagay na bagay ang pangalan nito sa kanya "Ares the trouble" pero higit sa lahat dapat kung sisihin ang sarili dahil nagpadaig ako sa matatalim na tingin nito

"Kamusta si Madam Rhea?" curious kong tanong.

Sana okay lang s'ya may sakit pa naman s'ya sa puso.

"She's okay. They already arranging your marriage to Zeus," simpleng sagot lang nito at lumabas sa kwarto.

Dear ZeusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon