Letter 26

116 8 0
                                    


👑👑👑👑👑

"Tulong! Tulong! Tulong!" Sigaw ko matapos matumba ni Zeus mabuti na lang at nasambot ko ang ulo nito kung hindi ay tatama ito sa upuan.

Kaagad dumating si Mang Brando ang head janitor ng school. Kaagad itong tumawag sa guard gamit ang walkie talkie nito.

Wala pang lang halos limang minuto ay may dumating na school nurse sinuri nito si Zeus at inilipat sa scretcher board. Sa labas ay nakahanda na ang school ambulance.
Sobrang bilis ng pangyayari hindi ko namalayang nasa Chua hospital na kami. Sa likod ng hospital dinaan si Zeus siguro ay protocol na sa kanila 'to para iwas issue sa media.

Narinig kong tinawagan ng nurse ang mga magulang ni Zeus kaya hindi na ako sumama papasok nahihiya ako hindi ko alam kung anong sasabihin ko kung bakit ako nasa Special S building ganyung bawal ang ordinary student doon. Akmang aalis na ko ng bigla akong hinarang ng isa sa mga school guard dapat daw muna akong manatili for investigation kaya ang siste ay naiwan ako sa labas ng hospital room ni Zeus kasama ang isa sa mga guard.

Lumipas ang halos trenta minutos ay dumating ang doctor nito. Tinggin nito ay Gastrointestinal illnesses ito na maaring nakuha sa contaminated food or water. Okay na daw ang lagay nito at gising na. Akmang papasok ako sa room ng pinigilan ako ng guard.

"Sorry, Miss but you are under investigation," Wika nito at iminuwestra ako papasok sa elevator.

Zeus-maryosep! Mukhang ako pa yata ang tinuturing nilang main suspect.

Nang makapasok kami sa elevator at pinindot ng guard yung pinakahuling floor. Unang bumungad sa amin ang sign Psych ward. Ang alam ko private floor ang ganito to protect the identity of the patient kadalasan kasi ay celebrity, anak ng politiko, business tycoon ang nagpapa-confine dito kaya nga wala 'to bulletin map ng hospital kasi nga restricted at mga patient o kaya kamag-anak ng patient lang talaga pwedeng makapasok.

Iniisip ba nila na may obsession ako kay Zeus kaya ako napunta dito?

Sobrang tahimik ng lugar although may nakakasalubong kami na nurse pero iba pa rin talaga ang awra.Maya maya pa ay pumasok kami sa isang room.

 Office of Dr. Aeson Chua - MD,FPPA
Adult and Geriatric Psychiatrist
Pagbasa ko sa signage na nakasabit sa pinto.

Pagkapasok ay kaagad akong pinaupo nung guard tapos lumabas din. Awkward na napangiti ako sa kaharap ko na doctor.

Nilibot ko ang paligid ang laki at ganda. Black and white theme. Puti ang dingding samantalang puro itim ang kagamitan.

"I'm Dr Chua, Zeus uncle and Eos father." Pakilala nito. Kaya muling napabaling ang atensyon ko dito.Napansin kong kamukha nga ito ni Eos.

"Hera po." Ninerbiyos ako bigla. Hindi ko alam kung anong meaning ng Geriatric Psychiatrist. Doctor ba sya ng obsessed ganun?

"So we are having investigation about this case. At first, you're the main suspect because you are with Zeus that time and we all knew that ordinary student is prohibited in Special S premises. Pero kanina ko lang nalaman na lahat ng member ng Special S experience stomachache. Sorry, I should haven't called you here. " Nagulat ako sa sinabi nito ibig sabihin lahat sila maaring na nakakain o nakainom ng may contaiminate.

"We are currently reviewing the CCTV in Consunji High but since you are here. I want to thank you. Hindi kaagad maisusugod sa Hospital si Zeus kung hindi dahil sayo." Pasasalamat nito.
"Please don't tell anyone this accident we want to make it private." Dugtong pa nito.

"No worries, pwede na ba akong bumalik sa baba?" Sagot at tanong lang ang naitugon ko. Sabi nga nila less talk fewer mistakes.

"You may go. Sorry for disturbing you." Sagot lang nito kaya lumabas na ako. Nakita ko yung guard na kasama ko kanina at nagpaalam din dito.

Malapit na ko sa private room ni Zeus nang makita kong may papasok sa loob. Si Dione kaya imbes na pumasok din sa loob ay napagpasyahan kong umuwi na lang. Bukas naman yata ay discharge na 'tong si Zeus.

Paalis na ko ng tumunog ang cellphone phone ko. May nag-message si Zeus.

From: Rightzeus
[Where are you Nognog, pandak at laki sa hirap? ]

Napailing naman ako sa message nito na hospital na nga nakuha pang manlait.

To: RightZeus
[Malapit na sa condo]

I lied.

From: RightZeus
[Take care]

Napakunot ang noo ko sa sagot nito. Mukhang nabagok ang ulo. Hinayaan ko na lang muna ang text nya at tuluyan ng pumasok sa elevator.

Muli ay nakatanggap ako ng message mula sa Consunji High. Ia-announce nito na cancel na ang competition and Monday na daw ang resume ng klase.

--
Kinabukasan ay alas onse na ako nagising. Kaya ganun na lang ang gulat ko nang maabutan si Zeus na kumakain sa mesa.

"Anong ginagawa mo dito?" Nagtataka kong tanong akala ko ba isang linggo sya sa bahay nila.

"This is my unit remember?" Sarkastiko nitong sagot. Napairap ako dito.

"Alam ko pero di ba dapat nasa hospital ka pa rin?" Tumabi ako dito para magtimpla ng gatas.

"You know I hate hospitals. It's grossed. Maraming germs doon." Napatawa naman ako sa sinabi nito. May germaphobia din yata 'to.

"By the way akala ko ba magi-stay ka sa inyo?" Pagbabago ko ng usapan.

"My mom keeps asking me about that viral videos. She keeps bothering but thanks to Dione she saves me." Bigla akong napatigil sa pagsalin ng asukal sa baso ng banggitin nya si Dione. Dapat pala hindi na lang ako nagtanong. 

"Eh yung result ng imbestigasyon para sa inyong pito?" Pag-iiba ko ng topic.

"How did you know? Is it supposed to be private?" Tanong nito at umupo na ito sa island stool.

"Nakausap ko yung Tito Aeson mo. At first I'm the main suspect ako kasi yung huli mong kasama." Paliwanag ko at Umupo sa tabi nya.

"Thank you for saving me pala. But what are you doing in our room? Nagtatakang tanong nito at humarap sa akin.

"Gusto ko ng umalis dito kaya gusto sana kitang makausap," sagot ko.

"You want what?" Pag-uulit nito.

"Gusto ko ng umalis bingi ka ba?" Asik ko dito para itago ang totoo kong nararamdaman.

"Why? Is this because of the videos? I can handle this." He assured.

"Nalaman na kasi sa school na may tinulungan si Hermes about sa paglaya ni Mama sa presinto thou hindi nila alam na ako yun pero what if malaman nila? Tapos sunod nun baka malaman na nilang dito ako nakatira," Paliwanag ko.

"How about our contract?" Doon ay bigla akong napatigil. Hindi ko naalala yun. "Where you will stay?" Doon ay lalo wala akong maisagot. Hindi ko din alam kung saan ako pupunta. Malabong tanggapin pa ko ni Nanay.

"Hindi ko alam. " Pag-aamin ko. Tumayo ito at ni -patted ang ulo ko.

"See, you don't know. Don't worry about that issue. You are under my care. I'll protect you." Pumunta ito sa lababo para iwan ang kinainan nya.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi nito at ayoko ng ganitong pakiramdam ang mahulog ulit sa kanya.

--+















Dear ZeusWo Geschichten leben. Entdecke jetzt