Letter 13

1K 65 17
                                    

Nang huminto ang sasakyan ni Zeus sa puno kung saan ang hide out ng bike ko ay kaagad akong nagpalinga linga bago bumababa mahirap na baka may makakita pa sa akin na bumaba mula sa sasakyan ni Zeus.

Isa ito sa pinakamahirap na parte sa pagiging katulong ko kay Zeus. Lagi akong may pangamba tuwing umaga na baka isang araw may makakita sa amin na magkasama kami sa isang sasakyan.

Parang baliw naman kasi ang mga kababaihan at kabaklaan dito sa Consunji High. Halos sambahin na nila ang lahat ng miyembro ng Special S. Makita ka lang na kausap ang isa sa mga miyembro ng Special S ay makakatanggap ka na ng tinatawag nilang Death note.

Ang Death note ay isang itim na sticky note. Mayroong tatlong uri nito na maari mong matanggap. Ang unang Death note ay simpleng black sticky note lang na may nakalagay na word na warning 1 at makakatanggap ka ng limpak limpak na basura sa locker mo. Ito ay para sa mga kababaihang lumabag sa school rules. Madalas kasi ay sinasadya daw ng iba na lumabag sa school rules para makapunta sa detention office para magkaroon ng change na makausap si Zeus at dahil sa kilala ngang mahigpit si Zeus na president council lagi nitong sinusuri lahat ng pinapagawa nya sa lahat ng lumabag sa rules nya, kaya may malaki chance daw na ang mga lumabag na makausap, magpacute at akitin si Zeus. Mahirap na baka isa daw sa mga lumabag ang magustuhan ni Zeus.

whatta lame theory! Parang mga sira! Sa hirap ng pinapagawa ni Zeus e, matu-turn off ka.

Ang pangalawa namang uri ng Death note ay isa ring itim na sticky note na may word na Warning #2 beware at may kasamang itim na rosas. Ito naman ay matatanggap ng mga estudyanteng naglakas loob na kausapin, aminin ang feelings nila sa isa sa mga miyembro ng Special S o kaya naman makita kang nakahawak sa kahit anong parte ng katawan ng special S. Mararanasan mo ang ma-bully lalo na doon sa mga fangirls ng Special S.

Ang ikatlong uri naman ng death note ay hindi ko pa alam kung anong klaseng parusa ang matatanggap wala pa kasing estudyante ang nakakatanggap nun.

Sa totoo lang ay nakatanggap na ako ng Death note number 2 matapos akong makita ng ibang estudyante na buhat buhat ni Zeus nung nakaraang linggo.

Noong nakaraang lunes nga ay naranasan kong ikulong ng kung sinumang walang hiya sa loob ng girls restroom mabuti na lang at napadaan doon si Psyche Dimagiba kaya nakalabas ako. Naranasan ko rin ang malagyan ng maraming basura sa loob ng locker ko pati ang mawalan ng pera at baunan mabuti na lang at pasekreto akong binigyan ng pagkain ni Krishna Maxine nang araw na iyon.

Nakatanggap din ako ng tawag mula sa A4 - A4 stand for "ASTOUNDING 4" sila ang mga taong nasa likod ng Death note. Ang A4 ay binubuo ng mga lider ng apat na group na sumuporta sa Special S. Ito ay ang mga Geek, Athlete, Musician at Gays Students dati ay magkakaribal sila pero kalaunan ay naging isang grupo na rin. Ngayong taon ay mas naging mahigpit at wild na sila simula ng maging girlfriend ni Zachary si Psyche hindi kasi nila matanggap na may isang estudyante ang nakalusot sa radar nila. Kung meron nga daw Queen of Hokage ay si Psyche daw yun.

Muli ay bumalik sa akin ang alaala kung paano ako kinompronta ng A4 noong Biyernes.

Kakakatapos lang nang klase namin nang bigla na lang may tatlong babae at isang bakla ang humarang sa akin mula sa pinto. Tinulak ako nung babae nakasalamin na kung hindi ako nagkakamali sya ang leader ng Geeks group. Ang geek group ay kinabibilangan ng mga babaeng kasama lagi sa honor list at may extra ordinary daw na IQ kaya madalas silang isabak ng school sa mga local at international quiz bee competiton. Mga babaeng matatalino daw kuno pero nagpapakatanga naman sa mga miyembro ng Special S.

Dear ZeusWhere stories live. Discover now