Letter 22

140 6 0
                                    

"Seryoso?" natatawang tanong ko dito. Hindi ko alam na na may ganitong uri ng lalaki. Ang alam ko kasi mas gusto nila yung biglaan o kung may pagkakataon man they will grab it but I realized he is Zeus. The hopeless romantic Zeus.

"There's nothing to laugh about it. Kiss stealer." Napasinghap ako sa sinabi nito. Ang kapal ng mukha! kala mo s'ya lang nawalan ng first kiss sa amin.

"I want to lose it like this moment." Napamaang naman ako sa sinabi nito. Pinagsasabi nito? Hindi ito nakatingin sa akin kundi sa labas. Where you can see the city lights. Parang maliliit na diamante na sinaboy sa langit. Samahan mo pa ng ganda ng kalangitan. Madaming bituin ngayon sa langit kaya sulit yung 150 pesos na ticket namin dito. 

"Enchanting," halos pabulong nitong sambit.

"Huh?" nagtataka kong tanong pero mukhang nagulat ito sa biglaan kong paglingon dito kaagad itong umiwas ng tingin. Mukhang tuluyan ng naihipan ng hangin ang ulo ni Zeus.

"Sorry nga pala. It just an accident." Pagbasag ko sa katahimikan.

" Wag mong i-count as a First kiss," Halos hindi ko maisambit sa kanya. Alam ko namang kaya ito nagkakaganito dahil sa dream first kiss nito na hindi natupad.

"Wag mo na rin 'tong I- count as your first Ferris wheel ride. Pinilit lang kitang pumunta dito sa perya at —" hindi ko na napatuloy ang sasabihin ko ng biglang namatay ang mga ilaw at umuga ng malakas ang Ferris wheel napasalpak tuloy ako kay Zeus. Mabuti na lang nahawakan kaagad ako nito sa beywang. Nakaramdam akong takot ng makarinig ng mga pagsigaw at pag-iyakan ng mga tao.

"Lumindol ba?" O baka may nasira sa Ferris Wheel?" tanong ko kay Zeus.

"I don't know" kalmadong sagot lang nito. Naramdaman kong nagsitayuan ang maliliit na balahibo ko sa batok tumatama kasi ang mainit na hininga ni Zeus kaya napaangat ako ng tingin dito pero mukhang mali 'ata ang desisyon ko. Muling kasing umuga ang sinasakyan namin.

Nagtama ang mga labi namin. Sa ikalawang pagkakataon.

We got each other a second kiss. Zues-maryosep!

Si Zeus ang unang bumitaw.

Saket.

Ang saket ng pagkakasalpak ko kanina mukhang napasobra talaga.

Muling bumalik ang mga ilaw pero hindi pa rin umandar ang Ferris wheel.

Napatingin ako sa posisyon namin ni Zeus. Nakakandong pala ako dito akmang aalis ako nang pinigilan ako nito.

"Stay still, we don't know the real problem," Saad nito sabagay may punto ito. I should not feel awkward, buhay namin ang nakasalalay dito at saka ang bango ni Zeus este ng hangin.

"Ang bigat mo." Kaagad akong napatingin dito.

"Anong sabi mo?" akmang babatukan ko ito ng mapigilan nito ang kamay ko.

"Ang liit liit mo pero ang bigat mo," Bulong nito. Aba Gago!

"Sabihin mo mahuna lang yang tuhod mo. Ang rupok!" Ganti ko dito. Piningot ko ang tenga nito. Nakakasusot talaga 'to kahit anong sitwasyon laging may pang-asar.

"Amazona talaga. Alam mo marupok talaga ako gusto mo —" pabitin pa nito.

"Manatiling kalmado po tayong lahat ." Kaagad na naagaw ng atensyon ko nang may nagsalita mula sa baba.

"Nagkaroon lang ng kaunting mechanical malfunction sa ating Ferris wheel. Tumawag na po kami ng Fire department," Dugtong pa nito.

Dahil sa sinabi ng announcer ay umalis na ko sa pagkakandong kay Zeus at lumipat sa katapat nitong upuan.

Dear ZeusWhere stories live. Discover now