Letter 18

562 35 5
                                    


Papasok pa lang ako sa room nang makarinig ako ng iyakan. Nang tuluyan akong makapasok ay nakita  ko ang ilang mga kababaihan na umiiyak habang ang iba naman ay inaalo at pinapatahan sila.

"Anong nangyari? Bakit sila umiiyak? " tanong ko kay Krishna Maxine na kasalakuyang nakasalampak sa desk at nang umangat ito ng tinggin ay umiiyak din ito pala ito. 

"Hera," Humihikbing sagot nito. Tumayo 'to at bigla na lang akong hinila  palabas ng room.

"Patay na si Sir Manny Pakwan?" muling tanong ko dito habang naglalakad kami. Noong nakaraang biyernes kasi ay sa ikatlong pagkakataon ay aksidenteng napana na naman ni Psyche si Sir baka dahil doon ay natuluyan na ito dahil sa tetano.

Huminto kami sa may puno ng mangga. Huminga muna sya nang malalim bago nagsalita."Hindi si Zeus -." Kaagad akong nagimbal sa sinabi nito. 

Zeus ko po! Patay na si Zeus?  napahawak ako sa dibdib at tila nanghina Hindi ko pa naman ako sumabay sa kanya kanina sa sasakyan kasi naiinis ako sa mukha nya.

"Paano namatay si Zeus?" pinigilan kong hindi mangarag ang boses at tumulo ang luha ko.  Inaway ko pa naman kanina yun.

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko kaya pinahid ko kaagad ang luha ko ayaw kong makita ni Krishna na masyado akong affected.

"Hindi pa patay si Zeus. Let me finish my sentence, first. " nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nito. Pagmay period kasi ako ay madali akong mapraning.

"May girlfriend na sya," Pagpapatuloy nya. Nagtaka naman ako sa sinabi nya. Ang sabi ni Zeus ay wala syang girlfriend at kung mayroon man siguro ako ang unang makakaalam nun. "May girlfriend na sya tapos may kumakalat pa nga sya na video sa social media-"

"Huh, may kumakalat na s** video si Zeus!" bulalas ko dahil doon ay kaagad nitong tinakpan ang bibig ko at tumingin sa paligid kaya pinagala ko rin ang mata ko pero mukhang wala namang iba tao maliban sa amin.

"Ano ka ba hindi ganoong tao si Zeus no," Pagtatanggol nito kay Zeus saka inalis ang pagkakatakip ng kamay nito sa bibig ko.

"Sikat sya ngayon sa social media bilang si THE NAPKIN MAN." 

Napahalakhak ako ng tawa sa sinabi nito. Zeus ko po! Sa dami ng mababansag kay Zeus. Bakit Napkin man pa?

"Walang nakakatawa doon,  Hera." Napatigil ako sa pagtawa nang marinig ang paghikbi nito. Tumingin ako dito at nahuli ko ang pag-alpas ng luha kaya kaagad nitong tinakpan ang mukha gamit ang dalawang palad.

"I've been in love with him for almost six years that's why I'm hurting knowing that he has a girlfriend now." Napatigalgal ako sa biglang pag-amin nito sa akin ng nararamdaman nya para kay Zeus.

"It was love at first sight. I first met him during our freshmen orientation. Noong tinawag silang pito at pinakilalang bilang mga apo ni Mr. Consunji para sa akin sya ang pinakagwapo sa kanilang lahat then when he introduced himself I felt like there is a butterfly in my stomach thingy." Bahagya pa itong natawa sa sinabi at saka bumaling sa akin.

"I'm sorry na ko-corny-han ka ba sa mga pinagsasabi ko?" paghingi nito ng tawag at saka pinahid ang mga luha nito.

"Syempre hindi. Dont worry I understand. Sa totoo lang nakikita ko ang sarili ko sa'yo noon ." Pagpapalubag ko ng loob dito.

"So na inlove ka na rin pala." Tumango lang ako sa sinabi nito. 

"Isa ba sa miyembro ng special S? Wag mong sabihin na may gusto ka rin kay Zeus." Bahagya akong natigilan sa tanong nito. "Ayokong maging isa ka sa mga taong karibal kay Zeus. You are my only friend here," Dugtong pa nito. Napa-iwas ako ng tinggin sa sinabi nito.

Dear ZeusDonde viven las historias. Descúbrelo ahora