Letter 9

1.3K 79 19
                                    


Naalimpungatan ako ng maramdamang may parang dumidila sa mukha ko.

Zeus ko po! may dumidila sa akin.
Hala!  baka may pumasok na pala sa kwarto ko, naalala ko pa naman na hindi ko na-lock ang pinto ng kwarto baka magnanakaw na manyakis.

Nang maisip 'yun eh, kaagad kong minulat ang mata ko at tumambad ang pagmumukha ni Muning.

Nakahinga ako ng maluwag akala ko kung sino.

"Meow Meow Meow"  dinilaan ako nito  sa mukha

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

"Meow Meow Meow"  dinilaan ako nito  sa mukha. Napangiti ako, binahay pala ni Zeus si Muning ko. Umupo ako at binuhat ito para mailagay sa lap ko .

"Kamusta Muning, okay lang ba dito? Akala ko ginawa ka ng siopao ni Zeus," Hinimas ko  ang balahibo nitong may tatlong kulay. Puti,gray at itim na.

"Meow, Meow, Meow" sagot nito at tila sarap na sarap sa paghimas ko sa kanya.

Tumayo na ako at binuhat si Muning pero kaagad ko din syang binaba ng makapunta sa cr para magmumog,  pagkatapos  ay kaagad kong hinanap Ito hanggang sa natagpuan ko sya na karga karga ni Zeus sa sala.

Nakaramdam ako ng pagkailang nang magtama ang mga mata namin ni Zeus. Mukhang kakagagaling lang nito sa labas para mag-jogging dahil sa suot nito na puting t-shirt at jogging pants.

Nakakahiya nauna pang magising ang amo ko sa akin.  Nag-iwas ako ng tinggin dito.

"Ipagtitimpla kita ng kape at magluluto na ako ng agahan," paalam ko

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

"Ipagtitimpla kita ng kape at magluluto na ako ng agahan," paalam ko.

Nakakahiya talaga kay Zeus nauna pa syang magising sa akin. Naiinis ako sa sarili ko sanay naman akong na maaga gumisng dahil sa pagtitinda ko ng pandesal tuwing umaga sadyang tinanghali lang talaga ko dahil sa sobrang lambot ng hinihigaan kong kama kagabi kaya napasarap at nasobrahan ako sa tulog. Sa totoo lang first time ko lang makahiga sa ganun kalambot na higaan nasanay kasi akong sa katre o papag lang natutulog.

"No need to cook, I already brought food for us. Just prepare the table." Pagpipigil nito sa akin kaya kaagad akong nagtungo sa kitchen at naghain ng dalawang plato,kutsara at tinidor sa mesa. Binuklat ko ang supot ng pagkain na binili ni Zeus at inalis ito, labis akong natakam sa nakita ko mukhang napakasarap nito ah.

Dear ZeusTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang