Letter 8

1.1K 71 11
                                    

"Bakit naman ako titira kasama mo? Ano ako hilo?! " Bulyaw ko dito matapos maka-recover sa sinabi nya.

"Look, Baichi, you need shelter and money for your schooling. Then I also need someone who will do the chores on my condo, I need a maid."

Napaisip ako sa sinabi nito. Sa totoo lang namomoblema ako kung saan ako tutuloy. Wala akong maasahan na kaibigan para matuluyan ngayon. Alam kong magiging pabigat lang ako sa kanila kung sakali.

"Pagkano sahod ko?"  Tanong ko kinalaunan. Wala naman sigurong masama kung papayag ako sa alok nito di ba? Gipit ako tapos naghahanap din sya ng kasambahay.

"17,000 and all free." parang nalalag ang panga ko sa sinabi nito.

"17,000. Libre bahay, libre pagkain,libre tubig at kuryente?" Paninigurado kong tanong kung tama ang pagkakaintindi ko sa sinabi nito kanina.

"Yup Bakit kulang pa ba yun?" Kaagad akong napailing sa sinabi nito. Hindi ko akalaing galante pala itong si Zeus sabagay isa syang anak ng Tan at Consunji kaya malamang barya lang sa kanya ang 12,000.

"So you already accept my offer?" kaagad akong tumango sa sinabi nito. Aba sobra sobra na ang 12,000 na sahod para sa akin pwede ko pang mabigyan si Nanay ng pera bigla akong nalungkot ng maisip si Nanay. Wala pang isang araw na hindi ko sya kasama ay namimiss ko na sya. Nag-aalala nga ako kung sino ang mag-aalaga sa kanya ngayong wala na ako sa poder nya? Sinong magsasaing ng kanin at magluluto ng ulam para sa kanya? Sinong magpapalit ng damit pagnalasing sya ng sobra?

Napangiti ako ng mapait baka naman mas makabubuting lumayo muna ako sa kanya, baka pag-umalis ako mas magiging maayos na ang buhay nya, baka sakaling di na sya uminom. Baka nga hindi ako ma-miss nun.

"Hey are you okay? We're already here." Naputol ang pag-iisip ko ng magsalita si Zeus napatingin ako sa paligid, nakahinto na pala ang sasakyan nito sa isang indoor parking lot. Tumango lang ako dito. Maya maya pa ay bumababa na ito at tinulungan akong makababa mukhang mas sumakit ang paa ko dahil sa pagtulak sa akin ni Nanay.

Nang makapasok kami ay kaagad kong nilibot ang aking paningin. Hindi ko maiwasang mamangha, Lobby pa lang ay naghuhumiyaw na ng karangyaan.

Nang pumasok kami ni Zeus sa elevator ay pagpasok ko ay kaagad kong napansin ang dalawang ale na kasabay namin. Napalingon ako kay Zeus. Aba ang loko akala mo hindi ako kasama, nagsuot pa nga ito ng headset. Kung hindi nya lang dala ang mga gamit ko iisipin kong wala talaga itong pake.

"Boyfriend mo?" Biglang tanong ng ale na katabi ko at tinuro si Zeus.

"Ay hindi po." Kaagad kong pagtanggi dito.

"Wag ka ng mahiyang umamin sige nga kung hindi mo sya boyfriend, anong ginagawa mo dito ngayong dis oras ng gabi? pati ngayon lang kita nakita dito alam kong wala kang unit dito" ani nito at siniko ako.

"Hindi po amo ko lang po sya," Sagot ko dito." Napatingin ako dito ng maigi sa postura nito at ayos nito ay mukha itong mayaman ngayon ko lang na realize na pati mayayaman ay may pagkamalisyosa rin pala. Muli ay pinasadahan ako nito ng tingin. Napakamot na lang ako ng ulo naka- school uniform nga pala ako kaya hindi nakakapagtakang isipin nito na nagsisinungaling lang ako.

"Oh my goodness BDSM!" biglang sabat nung isang ale nakasama nito. Nagtaka ako ng bigla silang magbulungan.

"Anong BDSM?

"Yung slave at master concept parang sa libro . " Kumunot ang noo ko sa narinig ko sa ilan sa pinagbubulungan nila. 

BDSM  parang pamilyar sa akin. Saan ko nga ba narinig yun?

"Naku iba na talaga trip ng mga kabataan ginagaya na nila yung mga nababasa nila sa libro." Narinig ko pang komento nito.

Muli ay bumaling sila sa akin. May hinalungkat ang unang ale na nagtanong sa akin sa bag nya at bigla nyang hinawakan ang kamay ko at may inalagay dito. Tatanungin ko na sana kung ano yun kaso biglang bumukas ang pinto ng elevator at kaagad na humakbang ito paalis. Napatulala na lang ako sa nangyari maya maya pa ay muling bumukas ang pinto at lumabas si Zeus kaya naman wala sa sariling sumunod ako dito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isipin ko ang pinabubulungan ng dalawang babae sa elevator hanggang ngayon pina-iisipan ko pa rin kung saan ko nga ba narinig ang ang salitang BDSM. Maya maya pa ay naalala ko ang binigay nung babae hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ito nakikita binuksan ko mga kamay ko at gayun na lamang ang gulat ko ng tumambad sa akin ang isang c*ndom.

Dear ZeusDonde viven las historias. Descúbrelo ahora