Letter 7

1.2K 79 16
                                    


Hindi ko maiwasang mapangiwi nang muli akong tumayo kahit na nalapatan na ito ng cold compress – ay masakit pa rin talaga ang paa ko. Sa pangalawang attempt ko ay napasalpak ulit ako ng upo.

Nagulat ako ng biglang umupo patalikod sa akin si Zeus.

"C'mon, sakay na," utos nito at lumingon sa akin. 

Inirapan ko ito.

"Ayoko! Kaya kong tumayo mag-isa hindi ko kailangan ng tulong mo," Pagmamatigas ko at muling tumayo pero kagaya ng mga nauna ay napasalpak akong muli.

Maya maya pa ay nabigla ako ng biglang hinigit ni Zeus ang kamay ko at pilt akong sinakay sa likod nya.

"Ano ba ibaba mo ko?!" sigaw ko dito at sinabunutan ang dilaw nitong buhok.

"Stop it Baichi, gusto mo bang ihulog kita ulit." Dahil sa banta nito ay napakapit ako sa leeg nito. Napatingin ako sa paligid buti na lang at wala ng estudyante sa school kundi ay lagot ako madami pa namang fan girls itong si Zeus.

"Ibaba mo na ako kaya ko ng maglakad," wika ko dito nang makarating kami sa parking lot.

"Do you think you can walk through your condition,báichī?! " Nagpanting ang tenga ko sa sinabi nito kaya sinambunutan ko na naman ang dilaw nyang buhok.

"Ouch stop it, báichī Ihulog kita dyan eh," Pananakot nito kaya itinigil ko na. Sarap tuktukan!

"Hoy, Zeus akala mo hindi ko alam ang ibig sabihin ng báichī huh. Hindi ako stupid." sagot ko at sinambunutan ulit ang buhok nya. "Ibaba mo na ko lalo mo lang akong pinalayo sa bike ko," Pagpupumilit ko pa.

" Báichī! You think you can drive a bike in such conditions." natigilan ako sa sinabi nito sabagay may point nga sya.

"I'll drive you home," Mungkahi nito kaya kaagad akong tumanggi, hindi sya pwedeng pumunta sa bahay. Lalo na't tsismosa at etsosera pa naman ang mga kapitbahay namin, baka ano na namang isipin ng mga yun sa akin.

"Nope, I'll drive you home. Ako ang dahilan kung bakit ka na-sprain." Napatingin ako kay Zeus.

Lihim akong napangiti. Aba marunong palang makonsensya ang loko.

"Okay sige na nga, Buti alam mong ikaw ang may kasalanan ng lahat." Pagpayag ko sa alok nito. Bahala na sa kanto na lang ako magpapababa.

Muli ay tumingin ako sa paligid mahirap na baka may iba pang makakita sa amin tiyak na makakatanggap ako ng black note bukas.

Maya maya pa ay nasa tapat na kami ng kotse nyang pula at maingat nya akong ipinasok sa kotse.

Napatitig ako sa mukha nito. Malaya kung napagmasdan ang oval shape na mukha nito, Napansin ko din ang mata nyang upturned hooded ang korte samantalang duchess shape naman ang ilong nya at ang mga maninipis nyang mga labi.

Kalaunan ay napaiwas ako ng tingin, andito na naman kasi ang kakaibang pintig ng puso ko kaya kaagad kong ipinilig ang ulo ko.

Ayoko ng maulit pa ang dati.

"Ibaba mo na ako dito kaya ko kaya ko ng maglakad dito papunta sa bahay," suhesyon ko dito nang makadaan kami sa kanto ng baranggay namin, kaagad naman nitong inihinto ang sasakyan nya.

pinigilan ako nito ng akmang! bubuksan ko na ang pinto.

"Nope, ihahatid na kita sa tapat ng bahay nyo."

"Hindi dito na malapit lang bahay namin dito," Pagsisinungaling ko. Hindi pwedeng makita ng mga kapitbahay namin na nakasakay ako sa ganito kagarang kotse. Baka kong ano na namang isipin nung mga 'yun na masama laban sa akin.

Dear ZeusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon