Letter 4

1.4K 80 21
  • Αφιερωμένο στον/ην DjPumpkin
                                    

"Meow meow meow." 

Hinimas ko si Muning para kasing gusto nyang kumawala sa pagkakahawak ko.

"Natatakot ka ba? Wag kang mag-alala poprotektahan kita," Bulong ko kay Muning siguro ay natatakot ito sa presensya ni Zeus sabi pa naman nila nakakaramdam daw ng masamang enerhiya ang mga pusa, palibhasa itong si Zeus masama ugali kaya nababalot ng masamang enerhiya.

"You're not wearing your I.D that's another school violation," komento pa nito nang makapasok kami sa loob ng detention office. Lihim kong pinagalitan ang sarili nakalimutan ko palang suotin ang ID ko sa sobrang pagmamadali. "What's your full name?" Tanong pa nito at binuhay ang laptop.

"Hera Bulalakaw." Walang gana kong sagot dito kaagad itong nagtipa sa kanyang laptop marahil titignan nito ang school profile ko. Maya maya pa ay tumayo ito lumapit ito sa akin dahilan para mapaatras ako.

"Where did you get that cat?" Tanong nito at matalim akong tinitigan

"A-akin 'to. W-wala kasing magbabatay sa bahay kaya dinala ko," Pagsisinungaling ko. Mahirap na baka pag-nalaman nyang hindi akin 'tong si Muning eh, kunin nya at gawin nyang siopao.

"Really, She's your cat?" Napaatras ako ng muling lumapit sya sa akin at kaya niyakap ko ng mabuti si Muning. Nagkatitigan kami hanggang sa namalayan ko na lang na nakuha nya na si Muning sa akin.

Zeus ko po!

"Ah, akin na yan!" Sigaw ko subalit mabilis syang nakaiwas sa akin.

"By the way, Ms. Bulalakaw because you violated the rule you're going to follow all of my commands," Ani pa nito at tumalikod sa akin. 

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"You're going to be our school gardener for 3 months, that's your consequence for violating our school rules then after that you'll get this cat," paliwanag nito at mabilis na nakalabas ng silid kaya ko  hinabol ko 'to  baka mamaya gawin nya talagang siopao si Muning.

Nakita ko itong masayang nilalaro na si Muning. Ang daya, Bakit parang close na close na sila Muning? Nilapitan ko silang dalawa.

"Three months ang tagal naman nun at bakit mo pa kailangang kunin si Muning sa akin? Aber!" pagrereklamo ko.

Humarap sya sa akin.

"Because that's what I want." lalo akong naiinis sa sagot nito.

"Hindi porket gusto mo yun na ang masusunod!" sigaw ko dito. Napaka antipatiko talaga.

"You can't say no to me remember I'm the president council and I'm one of the grandsons of the owner of this school I can expel you in one snap now." lalo akong nainis sa sinabi nito parang nagdilim ang paningin ko.

"Antipatiko!" sigaw ko. Naibaba ko ang kamay ko nang mamalayan ko na lang na nasuntok ko na pala s'ya sa mukha. 

'Zeus ko po!'

Hindi ko na ito hinintay pang magsalita kaagad na akong humarurot ng takbo papunta sa room namin.

Nang makalayo layo ay napasandal ako sa locker ko. Ngayon lang nag-sink in sa akin ang ginawa ko. Kung anong gulo ang pinasok ko sa pagsuntok kay Zeus. Si Zeus Dimitri Consunji Tan na s'yang  President Council at isa sa apo ng may-ari ng school.

"Zeus ko po!" bulalas ko nang may biglang humawak sa balikat ko.

"What happened to you Hera? Bakit namumutla ka yata? May sakit ka ba?" sunod sunod na tanong ni Krishna Maxine ang isa sa mga classmate ko at pinakamalapit kong kaibigan sa Consunji High.

"Ah wala naman napagod lang ako sa kakatakbo," Pagdadahilan ko.

"Ah, sabagay late ka kanina siguro yun ang consequence ni Zeus sa'yo." Tumango na lang ako sa sinabi nito at umupo na sa upuan ko.

----
Zeus P.O.V

"Hey, what happened to you man? Your nose is bleeding," Hermes Seth asked. I cupped my nose.

 
Baichi!  May dugo nga.

I shook my head that girl is a retard, how she passed to be a scholar here?

"Oh, you already found Nemo." Kinuha nito si Nemo. I glared at him. 

'Yeah, thanks to your  negligence." gusto ko sanang sabihin. 

Muli ay naala ko si Hera –That girl is a big fat liar. She's claiming my cat and named it with a cheaper name.

I wiped the blood on my nose.
BaichiShe punched me and no one dares to do this to me. I swear she paid for this.

Nang awasan ay kaagad ko itong inabangan sa may gate nakita kong nagsilabasan na ang mga kasamahan nito pero sya'y wala pa rin.

Tamade! Hindi kaya umakyat na naman ito sa pader? nang maisip yung ay kaagad akong nagmaneho papunta doon. Nakita ko itong nagmamadaling sumakay sa bike.

"Ms. Bulalakaw Where you going? Huh," Tumingin ito sa akin at dali daling pinatakbo ang bike nya.

"Baichi, come back here!" Muli kong sigaw at hinabol ito. Maya maya pa ay bumaba ito ng bike at dali daling kinandenahan ang bike sa may puno. Bumaba na ako sa sasakyan pero hindi pa ako nakakalapit nang muli itong tumakbo kaya hinabol ko ito.

Mahahabol ko na sana sya nang bigla syang  sumabit sa dumaaang jeep. Ngumiti ito sa akin at kumaway pa.

"Hoy bata delikado yang ginagawa mo!" Narinig kong sigaw ng isang pasahero ng jeep.

Napapanganga na lang ako sa nakita. May lahi ba itong pusa? napakadelikado ng ginawa nito. She's really a baichi.

Baichi means silly in Mandarin

I heave a deep sigh and back to my car, I swear bukas hindi na makakatakas ang babaeng yun.

Dear ZeusΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα