I : AMARIS

1.7K 97 38
                                    

Baguio City,

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.

Baguio City,

Earth


Ang namumugto kong mga mata ay nakatuon lamang sa namumulang mukha ng aking tita. Magkasalubong nyang mga kilay, nag-aalab na mga mata, ang mga kamao'y nakakuyom na nakapatong sa kanyang baywang. Para bang hinihigop nya ang aking lakas sa pamamagitan ng sindak. Matapos ang kanyang pinakawalang masasakit na salita ay kusa na lamang bumaluktot ang aking dila. Ang aking puso ay nagbabantang kumawala sa mga buto at balat ng aking dibdib.

Matinis na singhay ang kanyang pinakawalan. "A bad luck to this family! Curse to this house!" Ang mga salita'y matalim pa rin sa aking damdamin, makailang ulit ko man na itong narinig. Ilang segundo pa nyang ibinaon ang mga mabibigat na tingin sa akin, nagpabulalas ng buntong hininga, at tuluyang tumalikod. Narinig ko pa rin ang kanyang mababang boses: kamalasan, kamalasan.

Tumungo siya sa pintuan, at halos mabasag ang aking tainga sa malakas na paghampas niya nito pasara. Napapikit na lamang ang aking mga mata, at doo'y napiga ang manipis kong luha. Ang mga namumugto kong mga mata ay hindi dulot ng kanyang pagbungad sa aking silid ngayon lamang, kundi ito'y dahil sa kanyang ginawang pagpapahiya sa akin sa harapan ng aming mga kamag-anak kanina.

Nanginginig ang aking mga balikat habang ako'y naiwang mag-isa sa aking silid, nakasukot sa isang sulok ng aking kama. Ilang minutong ako'y ganoon lamang. Dulot ng pagkabigla, hanggang ngayo'y wala pa rin akong kakayahang gumalaw.

A bad luck. Iyan ang palaging tawag sa akin ni Tita Freanessa, ang madalas nyang ibulyaw sa bawat pagkakamali ko, o kahit sa walang dahilan—araw-araw. At wala akong magawa. Kailangan kong manatiling tikom at tanggapin na lang ang kahit anong sabihin nya, kung gusto ko pa ng matutuluyan, ng mauuwian.

Magpahanggang ngayon ay mabigat pa rin ang aking dibdib. Nanunuyo ang lalamunan ko na para bang lahat ng tubig mula rito ay dumaloy paangat sa aking mga mata, kung saan mabigat na luha ang ngayo'y nagbabatang muling bumagsak, na kapag nagtagumpay ay hindi na hihinto pa.

Kaya naman pilit kong ini-angat ang aking mukha, kinalas ang mga kamay kong nakabalot sa aking tuhod, at ganap na bumaba sa kama.

Binura ko ang namumuong luha sa aking mga mata at kasabay nito'y tumungo sa cabinet sa isang sulok ng kuwarto. Pagbukas ay hinablot ko ang khaki sweater na unang bumungad sa akin.

Mabigat na buntong hininga ang kusang kumawala sa aking, at nang maging kumportable na ako sa aking kasuotan, tumungo ako sa kanang tabi ng kama—sa may bintana.

Sandali akong napalingon sa orasan at natukoy na lagpas na ngang hating-gabi. Sa mga oras na ito'y alam kong tulog na ang lahat sa bahay.

Bahagyang gumaan ang aking dibdib. Oras na para sa isang tahimik na paglalakad. Hindi ako makakatulog sa lagay na ito at kailangan kong makalimot, kahit papaano, o mabawasan man lang ang bigat sa aking dibdib.

LUMINOUS (Fantasy Novel)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant