XI : AMARIS

123 13 3
                                    

К сожалению, это изображение не соответствует нашим правилам. Чтобы продолжить публикацию, пожалуйста, удалите изображение или загрузите другое.


Isang pagdaan ng segundo lang at nangyari ang mga hindi inaasahan. Nang mapagtanto ko ang lahat ng ito ay mabilis na gumuho ang lakas sa aking katawan.

Muntik na akong mamatay.

Bumagsak ako sa pagkakatayo at sa mahabang oras ay nakadirekta lamang sa wasak na mga sanga ang mata at isipan ko. Sa kabila ng malakas na hangin, ang makapal na apoy ay patuloy na nilalamon ang mga sanga—bahagyang nagdudulot ng pula-at-dilaw na anyo sa paligid.

Sigurado akong pabagsak na ang dalawang sanga sa akin, nang biglang kumislap ang dilaw na liwanag sa aking itaas direkta sa mga ito. Napakabilis ng pangyayari halos hindi ko na mapaniwalaan ang sarili kong mga mata at memorya.

May gumawa ng bagay na iyon.

Sumilay sa aking alaala ang lalaki kanina. Tuluyang nagbalik ang aking lakas at gamit ito ay ini-angat ko ang aking sarili.

Inusisa ko ang malayo at madilim na parte ng gubat salungat sa kinaroroonan ng nagliliyab na mga sanga, bago ko tuluyang maaninag ang lalaking kaharap ko lamang bago ang mga biglaang pangyayari. Bahagyang nagsikip ang aking mga mata upang lalo pa siyang makita. Mahabang distansya ang ngayo'y nagpapatlang sa amin. Biglang umalingawngaw sa isipan ko ang sigaw kanina na maaring mula sa kanya—ang dahilan kung bakit ko nagawang buksan ang aking mga mata matapos ang pilit kong pagbalewala sa mga kulog at kidlat, pagka't ang enerhiyang kanyang tinutukoy ay tila unti-unti ko nang natatagpuan.

Ngunit siya'y nasa lupa, nakahiga at nakadirekta ang mukha sa kalangitan. Kusang kumawala ang aking mga hakbang patungo sa kanya, bawat segundo ay pabilis nang pabilis kumpara sa aking nais. Bawat segundo'y nalalaman kong hindi lang siya basta nakahiga.

Sandali akong napaisip kung paano't siya'y napunta sa malayong distansya, bago ko mapuna ang nanginginig nyang labi, at ang halos nakapikit na nyang mga mata. Sa kung anong dahilan, ang aking liwanag ay bahagya nang nakakadapo sa kanya.

Muling kumulog sa kalangitan at naalala ko ang mga pagkidlat. At sa aking direksyon ay ang nanghihinang lalaki.

Naalarma ako sa aking naisip—na baka siya'y natamaan ng kidlat—at muli ay bumulalas ang aking mga paa papalapit sa kanya.

Ngunit ito'y napigilan, hindi ng aking sarili kundi ng lalaking bagsak sa lupa. Napahinto ako, pagka't ini-angat nya ang kanyang nanghihinang kamay sa aking direksyon—nanginginig gaya ng kanyang labi.

Ang kanyang labi. Hindi ito nanginginig. Mayroon siyang gustong sabihin.

Bumalik ang nangangamba kong mga mata sa kanyang naka-angat na kamay, at napansing wala na ang mga itim-at-pulang usok na umaaligid sa kanyang katawan.

Alam kong pinipilit nyang panatiliin ang nanghihina nyang kamay sa aking direksyon, at walang ilang segundo ay napagtanto ko ang gusto nyang iparating.

LUMINOUS (Fantasy Novel)Место, где живут истории. Откройте их для себя