XXXIV : ALEK

71 14 1
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Tinahak ko ang daan pabalik sa mga selda.

Isa sa mga ito ang kinaroroonan ni Danil.

"DANIL!"

Nagpatuloy ako sa mga itim na usok ng bawat pinto. Ang itim na mahika sa aking katawan ay hindi ko na ramdam, alam kong wala na akong kakayahang maging mabilis o maglaho.

Muling hinatak ang aking sensasyon.

Tumungo ako sa kabilang silid at doo'y tuluyan kong napanghawakan ang aking koneksyon kay Danil.

"K—kuya . . . Alek?"

"DANIL!"

Dinabog ko ang itim na enehiyang nakabalot sa pinto gamit ang nagliliwanag kong kamao, subalit ito'y bumalik sa akin, at sa lakas ay bumulusok ako paatras at humampas sa kabilang pader.

Inipon ko ang aking enerhiya, at ito'y pinakawalan sa pinto. Subalit, ang enerhiya nito ay hindi ko mapantayan. Ang mga itim na usok ay nagliwanag sa malamlam na dilaw, bago muling maglaho sa dilim.

Amaris . . . Ramdam ko ang paglagas ng pansamantalang enerhiyang nagmulha sa kanya.

Kailangan kong mabuksan ang pinto bago ako tuluyang gumuho.

Muling umandap sa aking isipan si Amaris. Ang kanyang liwanag. Alisto kong iginala ang aking paningin, at ang tanging liwanag na aking natagpuan ay mula sa mga orbe.

Ang puwersa ay inipon ko sa kinaroroonan ng lilang orbe, at ng asul at pula at dilaw sa karatig nito. Nang subukan kong ang mga ito'y pagalawin, ako'y bigo.

Liban sa mga sumunod na sandali.

Marahan kong nahatak ang mga orbe sa isa't isa, at ang mga ito'y aking pinalutang sa aking harapan. Bumigat ang aking paghinga subalit hindi ako bumitaw sa enerhiya. Gamit ang lahat ng aking makakaya, ang mga orbe ay aking pinabulusok sa itim na enerhiya ng pinto.

Ang pagsalpok ay nagdulot ng pagsabog ng dalawang magkasalungat na puwersa. Ang paligid ay nilamon ng andap ng liwanag. Ang pinto ng itim na mahika . . . ay nawasak.

Sa malabo kong paningin ay sinuong ko ang papasok sa silid. Tumindi ang sensasyon ni Danil, at maging ni Inay. At ang kaguluhan sa aking isip ay naglaho nang akin silang matagpuan.

Natagpuan ko ang init sa kanilang katawan, at ang tibok sa kanilang dibdib.

Ang aking enerhiya ay pilit kong binuo, at sa buto't balat na kamay ni Danil ay sinimulan ko ang Pagsalin.

Siya'y binalot ng malamlam na asul na liwanag. . . subalit ang kanyang mga mata'y hindi pa rin nagbukas.

LUMINOUS (Fantasy Novel)Where stories live. Discover now