X : ALEK

131 15 13
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Puting balat, kasuotan, at buhok. Siya'y wari isang babaeng hinulma sa perlas (isang pambihirang uri ng perlas) at kasabay nito ay sandamakmak na ilaw ng puting orbe ang umiitsa sa kanya na siyang nagdudulot ng kanyang pagliwanag.

Sabihin ko mang labis-labis na ang aking kahandaan na matagpuan siya ay hindi ko pa rin mapigilang magulantang nang ito'y tuluyan nang maganap.

Sa ugat ng aking bisig ay ramdam ko ang enerhiya ng puting orbe na namamalagi rito. Ngayo'y sumasagap ito ng enerhiya mula sa nagliliwanag na babae, na siyang aking ibibigay sa Dark Majesty bilang parte ng aking misyon.

Itinuon ko lamang ang aking buong atensyon sa kanya. Tuwid siya sa pagkakatayo at ang tanging gumagalaw ay ang kanyang buhok, na siyang tinatangay patungo sa silangan sa bawat pagtindi ng hangin. At siya'y buong nagliliwanag. Anong uri siya ng nilalang?

Subalit sa halip na ako ang magtanong nito ay siya ang nauna.

Sinagot ko siya sa pinakakalmadong paraan na aking mapupukaw. "Ang lalaking nagligtas sa iyo sa mata ng mga saksi." Habang sinasambit ko ang mga salita ay nanumbalik sa akin ang alaala sa bus (ang mga takot at balisang mga mata ng mga saksi). Ang emosyong iyon ay tanaw ko rin sa mga mata ng nagliliwanag na babae sa aking harapan.

Nagkaroon ako ng kompyansang may kalamangan ako sa unang pagtatagpo naming ito. Binuhay ko ang aking mga plano sa aking isipan. Kailangan kong makuha ang kanyang loob.

Pinanatili ko ang aking mga balintataw sa kanya, at matiyagang hinintay ang gulantang nyang tugon.

Marahil iniisip nya kung ako ba'y nagsasabi ng totoo. Iyon ang nababasa ko sa kanyang titig.

Hindi ko tinangkang magpaliwanag at hinintay lamang ang kanyang magiging aksyon. Sa ganoong paraan ay protektado ko ang aking mga salita at galaw (maiisip at makokontrol ko ang mga ito base sa kanyang mga pananaw).

At dumating ang aking hinihintay nang sabihin nyang . . .

"Paano?"

Isang salita, subalit iyon ang aking kailangan. Dito ay mahahatak ko siya sa mga salitang nais kong ibahagi.

Sinimulan ko sa kalahating katotohanan at kasinungalingan. "Mahabang salaysayin," usal ko, "subalit ako'y kakaiba kagaya mo." Subalit ako'y normal lamang, isang mababang uri ng Zamarro (at ang natatangi lamang sa akin ay mayroon akong lakas na hindi nararapat sa katawan ng isang mababang uri na gaya ko). Ngunit dito sa mundo ng mga tao, alam kong ako'y naiiba. "Habang naglalakad ako sa dilim ay natagpuan ko ang iyong liwanag sa bus. Malakas iyon at hindi ko malapitan, subalit sa pag-alis mo ay natuklasan kong nasaksihan ng lahat ang mga naganap." Hinayaan kong mamalagi ang mahabang patlang, pagka't ang susunod ay kasinungalingan. "Sa palagay ko iyon ay mapanganib. Nawa'y nagawa kong makatulong."

LUMINOUS (Fantasy Novel)Where stories live. Discover now