XIV : ALEK

102 13 3
                                    


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Sa kailaliman ng orbe ay ang walang hanggang dilim, kung saan ako kasalukuyang namamalagi.

Pinagmasdan ko ang pagsilay ng panibagong puting orbe sa aking harapan, ang paglikha nito ng panibagong kapareho.

Dalawang puting orbe ang ngayo'y banayad na lumulutang sa itim na kawalan. Habang ang isa sa mga ito ay lumangoy sa puwang at patungo sa aking mga palad, ang isa namang liwanag ay puma-ikid, simula sa marahang pag-ikot hanggang sa bumilis ito nang bumilis, lumilikha ng alimpuyo ng puting liwanag.

Sa pag-ikot, sunod itong umangat at pumailanglang paangat sa kadiliman. Hanggang sa maglaho na ito sa aking paningin.

Ang orbe na iyon ay naglalaman ng mga katangianng nasagap nito mula sa nagliliwanag na babae kanina. Mayamaya lamang, ang mga impormasyong ay mapapasakamay na ng Dark Majesty.

Ako'y namangha (maging nagulantang) nang masaksihan ko ang pagliwanag ng babae, at higit pa nang maramdaman ko ang matinding enerhiya rito—na labis-labis nang akin siyang malapitan.

Sa ganoong uri at tindi ng enerhiya, hindi ko mahinuha kung paano iyon mawawari ng Dark Majesty. Ano ang kanyang magiging reaksyon?

Ang kanyang aksyon?

Kung ano man ang kasagutan ay wala na sa aking mga kamay kundi nasa Dark Majesty lamang.

Hindi ko mapigilang isipin ang hindi kanaisnais para sa babae. Na marahil ay magsasagawa ang Dark Majesty ng mga aksyong mapanganib para sa babae.

At kung ganoon nga, paano nya mapoprotektahan ng babae ang kanyang sarili?

Kumislap sa aking isipan ang mga naganap kani-kanina lamang kung saan akin siyang sinagip (kahit iyon ay sa pansariling interes ko lamang).

Kung madadawit siyang muli sa kapahamakan sa ngayo'y maliwanag na Earth, palagay ko'y walang ibang maaring promotekta sa kanya.

Dagli akong natauhan at mariing umiling. Inalog ko palabas ang mga ideyang iyon sa aking isipan, at pinaalalahanan ang aking nahihibang na sarili. "Hindi ako maaring mag-alala sa kalagayan ng babaeng parte lamang ng aking misyon . . . ng babaeng aking pinagtataksilan at ginagamit lamang."

Subalit, tila ba hindi iyon naging sapat, nang makaramdam ako ng matinding kagustuhang tulungan siya.

Sa paraan ng pagbibigay-gabay sa pagdiskubre ng kanyang mga kakayahan, marahil magawa kong makatulong.

Ipinukaw ko ang aking buong isipan sa malamlam na liwanag ng puting orbe na ngayo'y matiyagang lumulutang sa ibabaw ng aking palad.

Kinumbinsi ko ang aking sarili: Ang susunod kong misyon ay alamin ang kanyang mga hangganan, ang kanyang mga kakayahan. Iyon ang impormasyong sunod na nais ng Dark Majesty, at iyon ang aking ibibigay.

Hindi ko batid kung bakit tila ba ako'y natuwa. At hindi ko matukoy kung para sa akin bang sarili o sa babaeng nagliliwanag, o para sa aming dalawa. Pagka't buo na ang aking pasya, na sa susunod na pagdilat ay susubukan kong palabasin ang mga kakayahan at hangganan ng kanyang misteryo.


LUMINOUS (Fantasy Novel)Where stories live. Discover now