XXXIII : AMARIS

82 11 15
                                    

Ups! Ten obraz nie jest zgodny z naszymi wytycznymi. Aby kontynuować, spróbuj go usunąć lub użyć innego.


Puting kalasag ang nakalaan para sa bawat isa sa amin, at ito'y agad naming isinuot habang ang ilang Moonfolk ay naiwan sa bulwagan upang salubungin ang mga Shadow.

Sa gilid ng aking hita ay ang mga patalim. Hinatak ko ang nasa pinakataas at sandali itong pinagmasdam. Isang patalim sa mala-diyamanteng uri. Bawat isa sa amin ay may ganitong bukod-tanging patalim, at sa isang partikular na nilalang lamang namin ito dapat gamitin. Sa Dark Majesty. Marahan ko itong pinaikot, makintab sa aking liwanag. Ayon kay Lorcan, ang uri ng diyamanteng ito ay kayang sumagap ng malaking enerhiya ng liwanag kumpara sa mga pangkaraniwan.

Hindi ko mawari kung gaano kalakas ang liwanag na iyon—ang liwanag na kailangang bumaon sa katawan ng Dark Majesty, ang liwanag na mayroong sapat na lakas upang puksahin ang kawalan ng dilim sa pinuno nito.

Muling yumanig ang silid na aming kinalalagyan. Ibinalik ko ang patalim sa aking hita at tumungo sa gitna kung saan ang lahat ay nagtipon.

Sa aming uluhan ay binuksan ni Erdem ang malawak na gigintong portal. Ito'y bumagsak sa amin, at ang silid ay naglaho.

Nagbalik kami sa tunog ng mga padyak mula sa mga pasilyo, at sa yanig ng kisame ng bulwagan. Makapal na alikabok ang ngayo'y bumabalot sa paligid.

Mula sa isang pasilyo ay lumitaw si Bronemir. "UMALIS NA KAYO RITO!"

Agad ay lumitaw ang mga Shadow sa mga pasilyo. Karamihan ay mga Nimrod—kanilang mga itim na hugis, mga matutulis na ngipin at pulang nag-aalab na mata.

"HALINA KAYO!" bulyaw sa kanya ni Licia sa aking tabi.

Ngunit si Bronemir ay hindi lumingon, hindi lumapit sa amin. Kasama ang iba pang mga Moonfolk ay hinarap nila ang mga Shadow. Magkahalong itim na usok at asul na hibla ng liwanag ang kumawala sa katawan nya at sa isang kurap ay lumitaw ang kanyang mga replika—palibot sa amin. Sa isang iglap kami ay gwardyado sa sentro ng mga ito.

Ginagamit nya agad ang kanyang lakas. Hindi ito ang plano.

"BRONEM—"

"MAUNA NA KAYO!" Ang kanyang totoong katawan ay humarap at tiningnan nang tuwid si Licia. "Susunod kami, matapos naming patumbahin ang mga lapastangang ito."

Ngumiti siya subalit tila napunit lamang doon ang damdamin ni Licia.

"Kailangang may magpanatili ng mga ito rito," sambit ng isang Moonfolk na kasama ni Bronemir.

"Kailangan nyo nang umalis," mariing saad muli ni Bronemor. Ngayo'y para na sa lahat sa amin.

"Sa palagay ko'y tama siya," wika ni Erdem.

"Licia . . ." Inilapat ni Lorcan ang kanyang palad sa kanyang balikat at agad ay tila dumaloy sa kanya ang pag-unawa. Binura ni Licia ang mga emosyong nakapinta sa kanyang mukha at binihisan ito ng tapang.

LUMINOUS (Fantasy Novel)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz