EPILOGUE

231 17 8
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


AMARIS


Ang aking pagkawala sa Earth ay siyang naging daan upang makalaya ako sa kamay ng aking Tita. Sa paghahanap sa akin, natuklasan ng mga awtoridad ang pagtrato ni Tita, at nang ako'y makabalik, ilang mga awtoridad ang naghihintay sa akin at ako'y dinala sa isang malamansyong lugar, kung saan ako'y tinagpo ng lalaking negosyante na minsan kong iniligtas sa insidenteng naganap sa Resto.

Kanya akong inilayo sa aking Tita; binigyan ng panibagong pag-asa. Iginigiit nya na ang kanyang buhay ay utang nya sa akin, subalit maging ako'y ganoon din sa kanya.

Nagising ako sa aking puting silid, ang malamlam na liwanag ay nagbibigay ng abo-at-pilak na haplos sa aking paningin. Naiwang nakabukas ang salaming bahagi ng kisame tapat sa aking kama, kung saan aking nasilayan ang itim na kalangitan, mga kumikislap na bituin, at ang nagliliwanag na buwan.

Makintab at mahiwagang alaala ang rumagasa sa aking isipan, habang ang aking titig ay nanatili lamang sa buwan. Ano ang magagawa ng simpleng liwanag? Sa palagay ko'y batid ko na.

Sa kailaliman ng aking damdamin ay ang mahinang boses, isinisigaw ang kakaibang pag-asa na balang araw ay muling magbabalik ang lahat. Na balang araw, ako at ang buwan ay muling magdurugtong at magiging isa. At habang akin iyong hinihintay, isang bagay ang aking tinitiyak: Tulad ng buwan, sa dilim ako'y patuloy na magliliwanag.

LUMINOUS (Fantasy Novel)Where stories live. Discover now