XXXII : ALEK

66 11 1
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Nagbalik ang aking malay dulot ng malakas na dagundong.

Mabigat ang aking ulo at umiikot ang aking kamalayan, subalit nang bahagya kong maibukas ang aking mga mata ay naaninag ko ang malakas na asul na liwanag mula sa maliliit na bintana.

Ang kakaibang taginting na namamayani sa buong silid ay nagpadaloy ng lamig sa kailaliman ng aking balat.

Ano ang nagaganap?


Tumibok ang dilim at liwanag sa aking paningin. Naglaho at nagbalik ang aking malay.


Sa muli kong pagmulat, kakaibang enerhiya ang agad kong napuna. Ang banayad na init dito ay agad nagbigay daan sa akin upang matukoy na hindi ito mula sa Dark Majesty.

Nang maimulat ko ang aking mga mata ay nasaksihan ko ang manipis na hibla ng lilang enerhiya mula sa isa sa mga orbe sa sulok ng silid. Ang enerhiya ay dumadaloy tungo sa akin, kalakip ang enerhiya. Hanggang sa ito'y maging estranghero at pamilyar sa parehong sandali. Gaano na ba ako katagal nakakulong dito?

Ang lakas na isinusuplay ng orbe ay nagbigay daan upang mapanghawakan ko ang aking kamalayan at pag-iisip, at unti-unti, ang aking sensasyon at pandama.

Nagulantang ako sa aking natuklasan.

Amaris!

Rumugasa ang daluyong ng pangamba sa aking isipan.

Ano ang ginagawa ng kanyang enerhiya rito?

Habang ang mahinang daloy ng enerhiya ay nagpatuloy, higit pang nagbalik ang aking pandama.

Nais kong tukuyin kung nasaan siya, damahin ang kinaroroonan ng kanyang enerhiya. Subalit, sa halip, higit pa roon ang aking natuklasan.

Hindi ko tukoy kung dulot ba ito ng pagkawala ng aking malay at ng aking lakas, subalit ang aking pandama sa Palasyo ay katatwa.

Higit sa taginting at matinding asul na liwanag mula sa labas, ang palasyo ay may sarili ring pagbabago sa loob.

Noong una akong makapasok sa palasyong ito, ang enerhiya ay labis-labis. Napakalakas. Napakataas. Subalit hindi ko inakalang mayroon pang mas lalakas sa enerhiyang iyon . . . liban sa ngayon.

Ang Darkborne Castle ay mas makapal, higit na mabigat, lubos na matibay. At sa bawat paglipas ng sandali, ang enerhiyang dumadaloy rito ay patindi nang patindi.

LUMINOUS (Fantasy Novel)Where stories live. Discover now