XXV : AMARIS

92 12 15
                                    

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.


Mayroon lang tatlong kabahayan sa pinuntahan naming parte ng isla, at sa bahay ng matandang ale ang aming tinuluyan.

Ngayo'y narito kami sa isang simpleng silid. Ang kayumangging pader ay tila gawa sa lupa, o isang uri ng luwad. Sa labas, ang malalaking butil ng ulan ay walang patid.

Ngayong ligtas na kami sa silid na ito, hinayaan ko na ang sarili kong tuluyang kumalma, hanggang sa maramdaman ko na ang hagod ng init na naidudulot ng munting apoy sa dulong bahagi ng silid.

Napangiwi si Alek sa aking harapan. Ini-angat ko ang aking kamay mula sa kanyang sugat.

Bago ako makapagsalita ay kanya akong inunahan. "Ituloy mo lamang."

Siya'y nakaupo sa dulo ng munting kama at ako'y nakaharap sa kanya. Sa aking isang kamay ay ang kayumangging madahon na pamahid. Kumuha akong muli rito at marahan itong ipinahid sa kanyang sugat. Sa bawat pagdampi, ako rin ay nasasaktan. Mahaba ang sugat at malalim, halos masakop na ang kanyang buong braso.

Hindi ko mapigilang titigan ito habang nilalagyan ko ng pamahid ang kanyang sugat. Ang umbok sa mga ito at ang ilang gumuguhit na ugat, at higit sa lahat ang init na nangagaling sa kanyang balat. Minsan ay napapaisip ako kung ang init ay mula ba sa apoy o sa kanya.

Gumapang ang aking tingin pababa sa kanyang bisig bago ko pa ito mapigilan. Sa dilaw at liwanag ng sumasayaw na apoy, ang puti nyang balat ay mas nagkakaroon ng kulay—ng buhay.

Bakas sa kanyang kamay ay kanyang lakas, at naalala ko ang pagliwanag nito kanina.

Muli siyang napakislot dahilan upang mabawi ko ang aking tingin.

"Kaunti na lang," wika ko at itinuon ang aking atensyon sa sulok ng kanyang sugat.

Ang kanyang paghinga ay bahagya pa ring malalim. Ang kasuotang ibinigay sa amin ng ale bilang pamalit ay isang manipis at magaspang na uri ng tela, sa malalim na kayumangging kulay. Karamihan ng kulay na aking nakikita ay kayumanggi, kung hindi itim. At naalala ko ang maaliwalas na Earth.

Sa manipis na tela ay kita ko ang pagtaas at pagbaba ng kanyang dibdib sa bawat paghinga. Inilapat ko ang pamahid sa huling bahagi ng kanyang sugat at muling humarap sa kanya. Sinalubong ako ng kanyang tingin.

"Salamat sa pagprotekta mo sa akin kanina," wika ko. Umakyat ang init sa aking pisngi. Binawi ko ang aking tingin sa kanya at kinuha sa kanyang tabi ang isang puting tela. "I-angat mo nang kaunti ang 'yong braso."

Magaang nakalapat ang aking mga daliri sa kanyang braso at kanya iyong ginawa. Doo'y ibinalot ko ang tela, at unti-unti, ito'y ibinuhol.

"Ako ang siyang nagdala sa iyo sa mundong it, kaya tungkulin kong ika'y protektahan."

"At nagdulot iyon ng sugat sa 'yo. Kaya salamat." Umunat ako sa pagkakatayo at nanatili sa kanyang harapan. Kumislap sa aking isip ang ginawa kong pagyakap sa kanya, at maging siya sa akin. Sa palagay ko'y nagawa ko iyon dahil nasiguro kong ligtas siya.

LUMINOUS (Fantasy Novel)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora