XIII : AMARIS

112 13 6
                                    

"What, really, have happened, Aris?"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"What, really, have happened, Aris?"

Nakatayo ako sa harapan ng nakasarang pinto ng Crew Chamber, kaharap si Charles. Bagaman sinabihan ko siyang masakit lamang ang aking tiyan na siya ring ibinigay nyang dahilan—muli—sa aming boss ay alam kong iniisip nyang may kinalaman ang hindi ko pagpasok ng Resto kaninang umaga sa pagtrato sa akin ng aking Tita—na bagaman hindi ko mismong binaggit sa kanyang pinagmamalupitan ako'y siguradong ramdam nya; ilang pasa na rin ang kanyang nakita sa aking mukha simula noong una kaming nagkalagayan ng loob.

At ngayon, nakatitig ang kayumanggi nyang mga mata sa aking kanang pisngi. Kanina lamang ay muli akong pinagbuhatan ng kamay ni Tita, at sa harap pa ng kanyang anak na halos ka-edad ko lamang.

Bahagyang bumagsak ang aking mukha at ikinubli ang pamamaga sa aking pisngi, na pilit ko pang tinakpan ng make up. Alam kong epektibo iyon, maliban kay Charles na mismong inuusisa ang aking mukha.

"You know . . ." manipis na paghinga, "you can tell me."

Maaaring gusto kong sabihin sa kanya—hindi lamang ang patungkol sa aking Tita kundi pati na rin sa aking misteryo at sa misteryosong lalaki kagabi. Ngunit sa halip ay inabot ko lamang ang pusol ng pintuan. "Sorry," tugon ko, pinihit ang busol, at bahagyang binuksan ang pinto. "At maraming salamat dahil nariyan ka." Malungkot ang aking mga mata at kahit kakagising lamang isang oras ang nagdaan ay tila pagod na.

Sawa na ako sa ganitong sitwasyon. Kung bakit hindi ko magawang ipagsigawan ang hinanakit ko, kahit sa taong alam kong makikinig at iintindi sa akin.

Binigyan nya ako ng magaan ngunit tuwid na tingin. Tumuwid siya sa pagkakatayo at ipinunas ang kanyang mga palad sa itim na tela ng kanyang pantalon. "I'll see you in the Dining Hall." Isa pang segundo at nagbigay na sya ng saradong ngiti, na pilit kong sinuklian.

Sandali ko siyang pinanood habang papalayo at napaisip, Siya lang ang taong nagbibigay ng halaga sa akin simula noong wala na si 'Nay Felisha.

Pumasok ako sa kulay-abong silid, diretso sa isa pang pintuan kung nasaan ang female locker room at doo'y isinuot ang aking uniporme.

Sa paglabas ng Crew Chamber at pagpunta ng Dining Hall, pinilit kong gawing normal ang lahat. Sa loob ng ilang mahahabang oras ay inalis ko sa aking isipan ang lalaking natagpuan ko kagabi—na siya ring nagligtas ng aking buhay. Ngunit sa tuwing napapalingon ako sa main entrance ng Resto—si Mang Manuel ay wala pa pagka't patuloy pa ring nagpapagaling sa ospital mula sa tama ng baril sa kanyang braso—hindi ko mapigilan ang bayolenteng pagkislap ng mga alaala kaugnay sa aking misteryo. Maya't maya'y napapaisip ako sa lalaking napapalibutan ng itim na usok, kung sino siya at saan siya nagmula, at kung mayroon pa bang iba na katulad namin. Ilang oras ang dumaan at patuloy tumakbo ang mga bagay na iyon sa aking isipan.

"Look!"

Gulantang na sigaw mula sa manipis na boses ang nagtulak sa akin pabalik sa realidad. Nang tingnan ko ang mga tao sa buong Dining Hall, ang lahat ay nakaharap sa labas tungo sa mga transparent glass wall. Lahat sila ay may pareparehong mukha: gulat. Samu't saring reaksyon ang naglipana sa buong silid.

LUMINOUS (Fantasy Novel)Where stories live. Discover now