II : ALEK

940 50 16
                                    

Southland, Driidu,

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Southland, Driidu,

Zamarro

Nakasentro ang atensyon ko sa isang makapal na bloke ng pader, tuwid sa aking harapan, habang hinihintay nito ang gagawin kong pag-atake. Binura ko sa aking isipan ang ika-sampung palapag ng Darkborne Tower na aking kinalalagyan, ang malawak na itim na silid na ito, at ang mata ng mga High Shadow (kinatawan ng mga Darkborne) at mga kapwa ko Shadow Apprentice (mga kabataang nais mapabilang sa hanay ng mga Darkborne, ang maging isang Darkborne Shadow).

Ang itim na bloke, ilang distansya ang layo sa aking tapat, ay may taas na abot sa aking dibdib. Pinapakiramdaman ko ang enerhiyang dumadaloy rito, ang hangganan ng kapasidad nito, kung paano ko ito mawawasak sa isang puwersa lamang.

Ngunit, sa kabila ng magaspang nitong anyo, natukoy kong hindi lamang ito normal na bloke ng matibay na pader. Napaka-itim nito, at iyon ay dulot ng mahikang dumadaloy rito. Ramdam ko sa loob ng aking katawan ang kakaibang enerhiya na angkin ng bloke, ang tibay na hindi basta-basta magigiba ng pangkaraniwang lakas.

Subalit kaya ko. Dama ko sa aking dugo't mga kalamanan ang enerhiyang kaya ko pang ipinunin sa aking kamao, ang maari kong pakawalan pabulusok sa bloke. Kaya ko itong wasakin. Liban lang sa hindi iyon ang kailangan kong gawin. Hindi maaari.

Nangibabaw ang malalim na boses ng lalaking taga-pangasiwa sa aking tabi (isa sa mga High Shadow). Siya, kabilang ang iba pang kapwa nya High Shadow sa dulo ng malawak na itim na silid na ito, ang mag-oobserba sa kakayahan naming mga Shadow Apprentice, at magpapasya kung kami ay karapat-dapat na maging Shadow para sa mga Darkborne (ang namumuno sa buong Zamarro).

"Handa ka na ba, Gayola?" Ang High Shadow sa aking tabi.

Mula noong unang pasok ko rito sa Darkborne Tower ay Gayola na ang tawag nya sa akin, at ganoon din sa mga kapwa ko Shadow Apprentice. Hindi ako natutuwahan sa tuwing tinatawag nya ako sa ganoong paraan. Subalit sa kabila nito'y isa pa rin siyang nakatataas na tauhan ng Darkborne, at wala nino man ang maaring tumaliwas sa kanya (sa kanila).

Ang Gayola ay isang walang silbing nilalang ng katutubong Zamarro (tila isang musmos sa matandang anyo, walang ilong, mahabang laglag na tainga, walang buhok sa kahit saang parte ng katawan, at sinasabing tuwing natatakot ay nalulusaw ang kanilang buto at nagmumukha silang likido).

"Hindi ako natatakot, at hindi rin nanlalambot ang mga buto," ang palagi kong sumbat noong musmos pa lamang tuwing ikinukumpara ako ni Itay sa Gayola. Sa maikling sandali ay napagtanto ko kung bakit hindi ako natutuwahan sa pagtawag ng iba sa akin ng Gayola. Dahil, hindi sila si Itay. At si Itay lamang ang maaring magkumpara sa akin ng nilalang na iyon (subalit wala na siya).

Nagbigay na lamang ako ng magalang na sagot para sa High Shadow. "Ikatutuwa ko kung ganoon nga, High Shadow Hogor." Nanatili ang aking mga mata sa itim na sahig, subalit gumuhit sa aking isipan ang pagbuo ng nakakainsultong ngiti sa mataba nyang mga labi, maging ang pagdoble ng kanyang baba at paglaho ng kanyang leeg.

LUMINOUS (Fantasy Novel)Where stories live. Discover now