IV : ALEK

510 38 19
                                    


¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.


"Sa susunod na pagpili sa mga Shadow Apprentice, hindi na ito mula sa edad dalawampu't lima hanggang tatlumpu't lima." Nakatitig lamang ang inosente kong mga mata kay inay, habang isinasalaysay nya ang bagong impormasyong dala ng isang Shadow Troop kanina. Siya'y payapang nakaupo sa umuugong nyang upuan habang ako'y komportable sa sahig, nakatingala lamang. Alam kong kami ay nasa aming tahanan, ngunit tila iba ito sa aking nakasanayan.

"Ano ang ipinalit ng mga Darkborne, Inay?" Manipis ang boses na kumawala sa akin. Napuna ko ang mas batang hitsura ni Inay. Ang kanyang mga masasayang, kayumangging mata na bumagay sa kanyang buhok sa kapwa kulay. Hindi ito ang mga matang nasilayan ko sa loob ng ilang taon.

Aking napagtanto na hindi ako ang Alek sa edad labing walo. Ako ngayo'y sampung taong gulang, sa loob ng isang panaginip (o alaala).

Nang ngumiti si Inay, iyon ay isang magaan at panatag na ngiti. "Gagawin nila itong mula edad labing anim hanggang labing walo."

Si Itay ay kasalukuyang Shadow Apprentice, edad tatlumpo. "Inay . . . Ito na ang huling pagkakataon ni Itay upang maging . . . Darkborne Shadow?" Nilamon ng lumo ang aking musmos na damdamin.

"Kailangan mong matuwa, Alek." Lumipat ang nagtataka kong mga mata kay Inay. Muli siyang nagsilay ng ngiti. "Tuwing siya'y nagiging Shadow Apprentice, hindi ko maiwasang mangamba sa kanyang kaligtasan. Mas mainam kung hindi na lamang siya maging Darkborne Shadow . . ." siya'y napabuntong hininga, ". . . Subalit iyon ay si Maximilliano, at hindi iyon susuko, kahit ako pa mismo ang pumigil." Panibagong ngiti ang gumuhit sa labi ni Inay.

Hindi ko mapigilang sumang-ayon kay Inay. Kung magiging parte ng Darkborne si Itay, mapapadalas ang kanyang paghiwalay sa amin. Ngunit, iyon ang pangarap ni Itay, noon pa lamang (ang mapabilang sa hanay ng mga Darkborne Shadow, ang pagsilbihan ang mga Darkborne, ang Szagi . . . ang buong Zamarro).

Bigla kong napagtanto na ngayon namin malalaman ang resulta sa huling pagsubok ni Itay bilang Shadow Apprentice. Ngayon namin malalaman kung siya ba ay nakapasa. Hinihintay namin si Itay, at ang ideya sa pagdating nya ay nagpalundag sa aking musmos na puso.

Iyak ng isang sanggol ang nagwasak ng namamalaging katahimikan, at sa isang munting higaan sa kabilang dako ay natagpuan ko ang sanggol na Danil.

Lumundag ang aking puso at maging ako ay napatayo kasama ni Inay. Agad kaming tumungo.

Malapit na kami sa sanggol nang biglang mapahinto si Inay, at mula sa munting higaan ni Danil ay natagpuan ko ang dalawang itim na hugis na kalauna'y lumitaw ang wangis. Ang isa sa kanila ay isang Shadow Troop lamang, ngunit ang isa pa ay agad kong natukoy bilang ang aking Tiyo. Noong una ay inakala kong siya si Itay (napakalaki ng pagkakahawig nila, sa itim na buhok, bilog na mata, hugis ng mukha, maging postura).

LUMINOUS (Fantasy Novel)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora