III : AMARIS

531 40 15
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Hindi iyon panaginip.

Hindi ko na nagawa pang makatulog dahil sa nangyari kagabi—sa kakatwang pagliwanag ng buo kong katawan. At hanggang ngayon, hindi ko pa rin lubos mawari ang lahat ng iyon. Napakahirap.

Ang akala ko'y hindi na huhupa pa ang aking pagliwanag, kaya magdamag akong nanatili sa gubat. Hindi iyon normal. Wala sa kahit anong dahilan ang normal doon. Mapalad na lang ako dahil nagagawang humupa ng liwanag sa akin, hanggang sa tuluyan na itong maglaho at muli akong manumbalik sa normal.

Napuno ang utak ko ng mga katanungan. Kung paano iyon nangyari, ano ang dahilan? Maging ang pagiging tao ko ay kinuwestiyon ko na, gayon din ang mga kuwento sa akin ni 'Nay Felisha noong ako'y sanggol.

Baka engkanto ang may gawa? O mangkukulam?

Napakaraming katanungan, ngunit lahat 'yon ay naglaho nang mapansin ko na ang liwanag sa silangan—ang unti-unting pagsilip ng araw sa kagiliran. Doon ko nagawang makabalik sa katinuhan at naalalang sa mga susunod na minuto ay magigising na rin ang mga tao sa bahay, at walang dapat makaalam na lumabas ako rito.

Kaya naman agad akong bumalik sa aking silid, at doon ko hinintay ang pagsisimula ng panibagong araw.

Pinilit kong kalimutan ang lahat ng mga nagyari, at inalis ang mga katanungan sa aking isipan, hanggang sa tuluyan na akong makaalis sa bahay—nang walang kahit kaunting tulog.

Tuwing summer break ay pinagtatrabaho ako ni Tita sa restaurant ng kanyang kasosyo sa ilang negosyo—kahit ako'y labimpito pa lang at wala pa sa wastong edad. At ito ngayon ang aking kinaroroonan, na mas napaaga dahil maaga ring nagsimula ang summer break sa eskuwelahang pinapasukan ko kumpara sa ibang eskuwelahan.

Boses ng isang babae ang nagbalik sa akin sa realidad. Natagpuan ko ang nagsalubong nyang mga kilay at matatalim na mga tingin.

"Paumanhin po, Ma'am," alisto kong puna.

"Ano pang hinihintay mo?" Sa una ay wala akong ideya sa tinutukoy niya, hanggang sa maalala kong mayroong kulang sa mga pagkain na nadala ko sa kanya—kung ano iyon, hindi ko na narinig pa. "Kailangan ko pa bang ulitin?" May bahagyang taas sa kanyang boses dahilan para lumipat lahat ng mga mata sa akin.

Ibinaba ko ang aking mga mata kasabay ang munting pagyuko. Muli sana akong hihingi ng paumanhin, at tatanungin ulit siya sa mga kulang, ngunit panibagong boses ang lumitaw, at isang hugis sa kapwa ko grey uniform ang bahagyang humarang sa akin.

"Pasenya na po kayo, Ma'am, sadyang hindi lang po mabuti ang pakiramdam ng kasama ko." Bahagya akong napatingala. Si Charles—aking Crewmate. "Kung ayos lang po sa inyo ay puwede ko po bang malaman kung ano ang problema?"

Sa magaan na boses ni Charles ay humupa ang pagkabugnot sa babae at inulit na lang ang mga sinabi sa akin.

"Ganoon po ba? Sorry for the inconvenience, Ma'am. Agad akong babalik dala ang mga kulang. . . Salamat po sa pag-unawa."

LUMINOUS (Fantasy Novel)Where stories live. Discover now