XXI : AMARIS

77 10 19
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Sa pagkabata ay magkalapit kami ni Chelsea. Ngunit noong namatay si 'Nay Felisha, ang kanyang lola, isa siya sa mga taong sobrang nagbago—hindi lang dahil sa mga paratang sa akin, kundi dahil natuklasan kong noon pa lang ay kinaiinisan na nya ako tuwing ako ang higit na nabibigyang pansin ng aming lola.

Kanina lamang, muli sa hapag kainan, ay inilabas ni Tita ang ilang report na nagpapakita ng tatlong magkakasunod na araw na ako'y kalahating araw lamang pumapasok sa Resto.

At sa mga tingin na ibinabato sa akin ni Chelsea, sigurado akong siya ang may kagagawan. At ang mga panahong ito ay hindi kaayaya para sa aking Tita, ngayo'ng ang kanyang sariling Resto ay unti-unti nang nababawasan ng mga costumer at empleyado—pati mga kasosyo.

Bilang resulta, ako ay nagkaroon ng namamagang pisngi at pasa sa umbok nito at sa bandang kilay, matapos akong masubsob sa sahig nang buong lakas akong itinulak ni Tita.

Sa tagpong iyon ay bumugso ang aking emosyon at halos naisin kong gamitin ang aking misteryo. Gusto ko silang pagyelohin gaya ng mga nangyari sa bus, gusto ko silang manigas sa lamig at mawala sa sarili hanggang sa ang kanilang mga balintataw ay magkulay puti.

Ngunit akin iyong pinigilan.

Hindi ko alam kung ano ang kayang gawin ng aking kakayahan. Wala akong alam sa limitasyon nito.

Kahit na ako'y tinitingnan na mamamatay, hindi ko hahayaang maging totoo ang kanilang paratang.

Kung kaya wala akong ibang ginawa kung hindi tanggapin at indahin ang pangmamaltrato.

Habang mag-isa sa aking silid, hindi kailanman ako nakaramdam ng napakatinding kagustuhan na maglaho. Hindi ako kailanman nakadama ng napakadesperadong kagustuhan na iwanan ang mundong ito at ang paghihirap na sa aki'y ibinabato. Liban ngayon. Marahil dulot iyon ng mga pananakit sa akin ni Tita, o marahil ng pagpunta ni Charles sa ibang probinsya na siyang higit pang nagpatindi ng aking pag-iisa.

Kaninang umaga lamang ay nagpaalam sa akin si Charles, siya'y dadalhin sa probinsya ng kanyang lolo at mananatili roon sa hindi tukoy na mga araw. Bumagsak ang aking balikat sa alaala.

Iyon ang dahilan kung bakit hindi ako ganap na nagiging malapit kay Charles. Dahil siya rin ay aalis matapos ang pagtatrabaho nya sa Resto—isang munting parusa lamang sa kanyang ginawang gulo.

Bumulalas ang mabigat at mahabang hininga sa aking nanunuyong mga labi. Hindi ko napansing basa muli ang aking mga mata sa luha.

Ikinurap ko ang mga ito paalis at pinunasan gamit ang likuran ng aking palad. Kumawala ang maikling hikbi at sinundan iyon ng ginhawa.

Pinilit kong makabalik sa realidad, kung saan ako'y nasa kailaliman ng kagubatan sa kailaliman ng gabi.

Ibinalik ko ang aking atensyon sa aking ginagawa—pagpapailaw ng mga halaman—at inilapat ang aking kamay sa ika-huling halaman at hinayaan ang paggapang ng puting liwanag dito.

LUMINOUS (Fantasy Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon