IX : AMARIS

156 23 15
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Ang rason na binigay ko sa aking boss ay ang pananakit ng tiyan. Kung sapat na iyon upang hindi ako alisin sa trababo ay hindi ko sigurado. Kung wala roon si Charles, siguro'y walang kakausap sa aming boss para akin, at siguro nga'y wala na rin ako sa resto na iyon.

Dahil doon ay hindi ko na kailangan pang isipin ang susunod na trabahong ibibigay sa akin ni Tita bilang pamalit. Magiging kampante na ako sa pagtulog sa gabing ito sa aking silid, kung saan ngayo'y taimtim akong naka-upo sa sentro ng aking kama—nakasukot, muli. Walang ibang laman ang aking isipan kundi ang salitang: misteryo.

Sa oras na nakumpirma kong walang naaalala si Charles—misteryo—ay tuluyan na rin akong napuno ng katanungan.

Naaalala pa ni Charles ang mga kaganapan sa umagang iyon. Ang mga may masasamang loob at ang isang negosyante. Ang aking pagkaipit sa kaganapan. Maging ang aming pag-alis ng resto sa dapit-hapong iyon.

Ngunit nang tanungin ko siya sa mga sumunod na nangyari ay ito lang ang kanyang sinabi: "Sinamahan kita pauwi. Sumakay tayo ng bus. We even had a convo about alien and magic, but you seem not interested about it. Maya't maya'y naka-idlip ako. When I woke up, I'm already past your house and you're gone. You didn't even woke me to say good . . ."

"Sorry," agad kong putol nang makuntento na ako sa impormasyon.

Anong nangyari? Bulyaw muli ng aking isipan—mula sa tagpong iyon, hanggang sa kasalukuyang ito.

Lumagok ako ng hangin at sa pagkawala ng pagbuntong hininga ay sinabayan ito ng pagbulong ng "Misteryo, misteryo . . . misteryo."

May kung anong paglundag ng pwersa sa aking tuhod at agad akong tumayo. Bumaba ako ng kama at direstong tumungo ang aking mga mata sa bintana.

"Misteryo," muli kong buntong hininga. Kung ano man iyon ay kailangan kong matuklasan. At kung mananatili ako dito sa kuwarto ay hindi iyon mangyayari.

Kailangan kong lumabas. Kung babalik ako sa pinangyarihan ng insidente . . .

Umiling ako.

Mapanganib.

Ngunit magaalas-onse na. Mayamaya'y magliliwanag ako—muli. Hindi ko pa nasusubukang magliwanag sa loob ng kuwarto at wala akong balak. Alam kong matindi ang liwanag na nagmumula sa akin at sa oras na nangyari iyon ay tatagos iyon sa bintana at sa maliliit na espasyo sa aking pintuan. Hindi ko gustong makahatak ng atensyon sa kahit kanino man sa kahit anong pagkakataon. Ayoko nang maulit pa ang mga nangyari sa bus.

Ngayo'y nakatingin ako sa aking nakasarang bintana. Sa labas ay tanaw ko ang makapal na ulap, at ang malalakas na pag-ugoy ng mga puno. Walang atubili akong bumaba sa aking kama, inihanda ang sarili, at binuksan ang bintana.

Bumulalas sa aking mukha ang matalim na lamig ng hangin. Muli ay ini-angat ko ang aking sarili sa mga hamba nito. Ilang pagbalanse ang aking ginawa, mahahabang pagpigil ng hininga. Sunod akong lumundag at gumulong, hanggang sa marating ko na ang pulang mini gate. Nang tuluyan ko na itong maisara, doon na rin rumagasa ang aking ginahawa, na para bang nawalan ako ng bara sa lalamunan.

LUMINOUS (Fantasy Novel)Where stories live. Discover now