Episode 28: Next Target

6.2K 207 27
                                    

Episode 28 - Next Target


******


[ Stephan's PoV ]

Medyo nagkakagulo na dito sa loob nitong ospital kaya di ako makadaan ng maayos. " Tabi! Tabi! " di na ako nakapagpigil pa dahilan para mapasigaw na ako. Asaar! Grabe yung dikdikan ng mga tao. Nung makalabas ako sa siksikan ay tinakbo ko na agad ang hagdanan. Hindi na ako pumunta pa sa elevator dahil sigurado akong siksikan din doon.

Baket ba ganito 'tong nararamdaman ko? Parang kinakabahan ako na ewan. Okay lang kaya si Elon dun? O baka ako lang 'tong masyadong praning para mag isip ng kung anu-ano. Tsk! Wag naman sana..

Pagkarating ko sa 3rd floor ay tinahak ko na agad ang daan papuntang room ni Elon. Pero pagkarating ko doon, walang Elon ang tumambad. Napakadilim ng paligid ng kwarto. Tinry kong i on ang ilaw pero ayaw. Tsaka ko lang nalaman na basag pala ang flourescent. Ano bang nangyari dito? Tsaka...na'san si Elon? Wag mong sabihin tumakbo rin siya palabas nitong ospital? Parang ang imposible naman dahil di pa gaano kagaling ang mga sugat niya.

Lumabas ako at tinahak ang buong lugar ng 3rd floor. Palingon lingon ako sa gilid habang tumatakbo dahil baka makita ko siya. Baka andito lang 'yun.

At dahil lingo ako ng lingo, di ko namalayan ang isang lalaking naglalakad, dahilan para magkabanggaan ang mga balikat namin.

Lumingon ako sakanya at " Pasensya--" di ko na naitapos pa ang sasabihin ko dahil kita kong may hawak siya na baril sa kanang kamay niya. Tsaka ko lang din namalayan ang suot niya..

Elfame suit..

Nakatalikod siya sa'kin kaya mabilis kong binunot ang baril sa likuran ko. Itinutok ko agad ito sakanya at handang handa ko na sanang kalabitin ang gatilyo ng mabilis siyang humarap sa'kin at binaril ang hawak kong baril dahilan para tumilapon ito.

Shit! Ang bilis ng mga galaw niya.

Susubukan ko pa sanang kunin ang baril ko sa sahig ng bigla siyang nagsalita. " Isang maling galaw..at kamatayan mo ang kapalit. " nanigas ako sa kinatatayuan ko pagkasabi niya nun. Mukha hindi siya nagbibiro dahil ang seryoso ng mukha niya.

Dahan dahan siyang lumapit sakin hanggang sa ramdam ko na ang dulo ng baril na hawak niya na nakatutok sa noo ko. Naloko na.

"Pangalan." Tanong niya sa mababang tono. Ayoko mang sumagot pero baka ikamatay ko pa kapag di ko ginawa.

" S-stephan...Stephan Milvar." Nanatili lang siyang nakatingin sa'kin. Yung dibdib ko parang sasabog sa sobrang kaba. At yung tuhod ko..hinang hina na. Sino ba 'tong lalaking 'to?

 " Stephan.." Ulit niya pagkatapos ibinababa na niya ang baril na hawak niya. " Hindi ikaw ang ikalawang target ng organisasyon. Pasalamat ka." Yun lang ang iniwan niyang salita bago siya mawala sa paningin ko.

Ikalawang target ng organisasyon?

Anung ibig niyang sabihin?..

At tsaka...

Shit si Elon nga pala!

Agad ulit akong tumakbo sa buong lugar ng 3rd floor hanggang sa makarating ako sa isang matagong lugar. At dun...

Dalawang katawan ang tumambad sa akin na wala ng mga buhay...

At yung isa...

Y-yung....

VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now