Episode 37: Sad Death

5.5K 206 20
                                    

Episode 37: Sad Death


******


[ 3rd Person's PoV ]


" Ish Valderama. Pakiusap wag niyo yang kalimutan." Sagot pa ni Ish habang binibigyan ang dalawa ng isang nakakalokong ngiti.


Hindi yun nagustuhan ng dalawa kaya itinutok agad nila ang baril na hawak nila sa kinatatayuan ni Ish. Kakalabitin na sana ni Chase ang gatilyo nung biglang tumalsik ang hawak niyang baril dahil may bagay na tumama dito. Nagulat naman ang lahat sa nangyari. Napansin ni Ish ang pagkabigla ni Cyrus sa nangyari dahil lumingon ito sa direksyon ni Chase kaya naman mabilis niyang kinuha ang baril sa likuran niya tapos ay pinutukan at tinamaan niya ang hawak na baril ni Cyrus dahilan para tumilapon din ito.


Ngayon ay wala ng hawak na armas ang dalawa. Ngumisi si Ish sakanila. " Pa'no ba yan." Nakangiti si Ish pero sa isip niya ay nagtataka rin siya sa nangyari. Saan nanggaling yung kunai na tumama sa baril ni Chase? Sigurado siyang hindi niya yun kasamahan dahil mag isa naman siyang pumunta dito.


Sa kabilang banda naman ay walang pagdadalawang isip ng sumugod si Nero sa dalawa nung tumilapon ang mga baril na hawak nila. Patas na ang laban. Wala ng rason para hindi niya sugurin ang kalaban.


Una niyang inatake ay ang mismong bumaril kay Mary na si Chase. At dahil sanay at magaling sa combat fighting si Nero ay dihado ng konti si Chase. Puro sangga lang ang nagagawa niya, at di man niya pinapahalata, unti unting sumasakit ang braso niya sa pagsangga dahil habang patagal ng patagal ay palakas rin ng palakas ang mga suntok na pinapakawala ni Nero. Tutulungan sana ni Cyrus ang kasama niya pero hindi niya magawa. Iyun ay dahil nakatutok sakanya ang baril ni Ish. Napansin yun ni Ish kaya nagsalita ulit siya. " Andito lang ang kalaban mo kaya wag ka ng makialam sakanila." Maangas na lintanya niya na nagpangiti kay Cyrus. Bilang ganti ay binigyan naman siya ng isang kalmadong titig ni Cyrus. " Hindi mo na ba ako natatandaan? " Tanong nito sakanya. Nangunot naman ang noo ni Ish at susubukan niya pa sanang titigan ng maigi ang mukha ni Cyrus dahil baka nga kakilala niya ito pero di niya na iyon nagawa dahil mabilis na na tumakbo si Cyrus. Kahit malaking tao ay ang bilis kumilos. Nabigla si Ish ng konti sa kilos ni Cyrus kaya huli na niyang naiputok ang baril at ang ginawa nalang niya ay habulin ito


Sa kabilang banda naman ay tuloy pa rin sa pag atake si Nero kay Chase. Gusto niya itong patayin sa bugbog dahil sa ginawa niya kay Mary. Nag uumapaw ang kanyang galit. Yung puntong hindi na siya nakakaramdam ng pagod sa walang tigil na ginagawa niyang pag atake.


Sa gitna naman ng mga atake ni Nero ay nakakita ng konting butas si Chase at ginamit niya iyon para makabwelo at mabigyan ng counter attack si Nero gamit ang tuhod niya. Mabilis naman umatras si Chase nung huminto sa pag atake si Nero dahil natamaan ito sa kaliwang tadyang niya.


Kahit bugbog na ang mga braso niya sa pagsangga ay nakuha niya pa ring ngumisi kay Nero. " Yan lang ba ang kaya mo? " Maangas pa na tanong nito. Palihim naman niyang kinuha ang isang sandata at ang nagsisilbing huling alas niya sa may likuran niya in case na sumugod na naman ulit si Nero.


At di nga siya nagkamali..muli ngang sumugod si Nero. Pero sa pagkakataong ito ay napaghandaan na niya ang mangyayari. Nung makailag siya sa unang suntok ni Nero ay unti unti na niyang nilabas ang hawak niyang Ice pick at mabilis niyang tinarget ang katawan ni Nero. Napansin naman yun ni Nero kaya nakaiwas siya...pero nahuli siya ng konti. Natamaan pa rin siya sa may gilid ng tiyan niya at mabilis na umagos ang dugo nito.

VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now